This chapter is dedicated to BLACK_MYSTIQUE. Hahaha kung hanggang ngayon ay binabasa mo pa rin 'tong Obsession hahaha alam mo na kung sino ka kaya 'KAW TALAGA WITH CHU!'
#ECHEYI
#I.LOVE.YOU
*******************************
CHAPTER NINE:
HINDI MAWALA-WALA ANG ngiti sa labi ko simula pa nong isang araw sa date namin ni Jasper. Because after we watch the meteor shower, we made love under the sky with a full of star. Making love with him is special. Magnifecient. No words I can use to describe how I feel when I reach my climax.
We made love till dawn. And for me, sa lahat ng beses na may nangyayari samin, that night was the best. Kinikilig na niyakap ko ang unan na kanina ko pa yakap. Kasalukuyan kasi akong nanonood lang sa t.v dito sa hotel room na tinutuluyan namin ni Louise.
Pero kahit bukas yung t.v, wala naman don ang atensyon ko kundi sa naging date namin ni Jasper. Samantalang si Louise naman ay kausap yung mga staff na kasama nya galing America sa isang café sa ibaba ng hotel. Sa pagkakaalam ko kasi ngayong araw ang pag-uwi namin. And I'm excited about it dahil na-mi-miss ko na kasi sina daddy.
Nong tumawag nga ako sa kanila kahapon ay ang dami naming napag-usapan lalo na kaming dalawa ni ate. Kulang na kulang ang isang araw na kwentuhan namin. At ang isa pang dahilan kung bakit excited na akong makauwi ay balak ko ng ipakilala si Jasper sa buo kong pamilya. Kahapon pa sya nakabalik sa america pero ako at ang staff namin ay ngayon pa lang sa di ko malamang dahilan.
May pinag-uusapan pa sila na hindi ko naman alam dahil si Louise na ang bahala sa bagay na iyon. Mabilis kasi akong naiinip sa mga meeting, inaantok lang ako don kaya si Louise na lang ang nag-aasikaso ng tungkol don at sinasabi na lang sakin. Although naka-impake na ang mga gamit ko. Sila na nga lang ang hinihintay ko dahil sa pagkakaalam ko ay ayos na ang private jet na sasakyan namin.
Napalingon ako sa pinto ng pabalibag iyong bumukas. Isang galit na Louise ang iniluwa niyon kaya kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko. Para syang mananakal anumang oras.
"Hey! What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko.
Pero hindi nya ako sinagot, imbes ay dire-diretsyo lang sya hanggang sa makarating sa kusina. Sumunod naman ako at naabutan ko syang nagsasalin ng malalig na tubig. Uminom sy ng kaunti.
"Ano bang nangyari? Bakit galit na galit ka?" Nag-aalala kong tanong.
"That jerk!" Nanggagalaiti nyang panimula. Humarap sya sakin. "Nakausap ko na ang management at pinapabalik na nila sa america ang lahat maliban sayo!"
"What?!" Gulat na bulalas ko.
"May naka-file ng bakasyon para sayo. At ang ilang mga projects mo na kailangan ng matapos sa duration na nagbabakasyon ka dito ay ibinigay ng management sa ibang talent! At alam nating pareho kung sino ang nasa likod nito!" Muli syang uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili.
Kung kanina ay walang paglagyan ang saya ko, ngayon ay katulad na ako ni Louise na nanggagalaiti sa galit. How dare he?!
BINABASA MO ANG
Obsession
Romance"Pwede mo naman syang huwag hiwalayan. Sa ngayon ay ayos lang sakin ang maging pangalawa. Sa kanya ka sa umaga at akin ka sa gabi. You have a secret affair with that bastard, subukan din natin ang thrilled ng secret affair. Pagtataguan natin ng rela...