CHAPTER EIGHT:

790 21 7
                                    

Not Edited

***************************************************************

CHAPTER EIGHT:

"HELLO, MANILA!" Umalingawngaw sa bawat sulok ng Araneta ang pagbati ko na sinuklian naman ng malakas na sigawan ng mga Pilipino fans ko. "Are you ready to enjoy your night with me?" tanong ko na sinagot nila ng malalakas na tilian. "Then lets rock!"

Nagsimula na akong kumanta. Sumayaw. Ginawa ko na yung introduction ng first part ng show. Sa bawat ginagawa ko ay sinusuklian ng malakas na tilian at palakpakan ng mga tao kaya talagang ginaganahan akong mag-perform.

Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko ng mapadako ang tingin ko kay Jasper na nasa VIP seat. Ang laki ng ngiti nya habang nanonood. Halata na sobrang proud na proud sya sakin. Nginitian ko sya ng nasa pause part ako ng kinakanta ko, mas lalong lumaki ang ngiti nya dahil sa ginawa ko.

Pero sa di ko malamang dahilan, biglang napabaling ang tingin ko sa isang bahagi kung saan mga staff lang ang dumaraan. Pakiramdam ko ay may kung anong pwersa ang humihila sakin para tumingin don. At sa pagtingin ko, sinalubong ng isang pares na abuhing mga mata ang mga tingin ko. Nakahalukipkip sya at seryoso akong pinapanood. Kung si Jasper, kulang na lang ay mapunit ang mga labi sa pagkakangiti sakin, siya naman ay seryoso lang akong tinitingnan. Para akong sinisibat dahil tumatagos sa loob ko ang bawat titig nya.

Pero bago pa man ako malunod, ibinaling ko na sa harap ang paningin ko. Sa muli kong pagkanta, ipinikit ko ang mga mata ko para mas maramdaman ko yung kanta. Pero sa pagpikit ko, naalala ko yung nangyari kanina sa dressing room.

**************

"I'M ASHTON CALDWELL, I'm her ... " tumingin sya sakin ng nakakaloko kaya hindi ko maiwasang di mapalunok. Sasabihin ba nya kay Jasper ang tungkol samin? Hindi ko na alam. Ang tanging malinaw sakin ay ang lakas ng tibok ng puso ko. "...I'm her boss. I am the owner of TOP Network" inilahad nya ang kamay nya kay Jasper.

Pasimple kong pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa nangyayari ngayon.

"I'm Jasper..." he accept Ashton hand. "...her friend. Nice to meet you, sir"

Bakas na bakas sa mukha ni Ashton ang pagkaaliw sa nangyayari. Samantalang ngalingali ko na syang sakalin dahil sa pagpapakaba nya sakin ngayon.

"Nice to meet you as well" hindi ko alam kung paranoid lang ako o ano pero sa pandinig ko ay makahulugan ang pagkakasabi nya non. Bumaling sya sakin. "Sorry for using your comfort room"

"No. It's ok, sir" tiim bagang na sagot ko. Kung pwede ko nga lang syang sakalin, ginawa ko na sa paggigigil sa kanya.

"I'll go ahead" paalam nya samin pero bago sya lumabas sa pinto, muli syang tumingin saming dalawa ni Jasper. "Again, goodluck to your show"

"T-Thank you, sir" wika ko

Lumabas na sya kaya kami na lang ni Jasper ang naiwan sa loob ng dressing room.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon