CHAPTER ELEVEN:

1.1K 40 30
                                    

Waaahhh super soweehh kung inabot ng dalawang buwan bago ako nakapag-UD dito sa Obsession. May mga bagay-bagay lang talaga na hindi ko inaasahang mangyari. Waahhh hindi kasi ako nakinig kay Ashton eh, sabi nga nya, expect the unexpected -3- 

 Nawala po yung phone ko kaya hindi rin ako makapag-type. Sa phone po kasi ako gumagawa eh kaya po ngayon ay nagmamano-mano ako gamit ang papel at ballpen. Bukod po sa work at pagkawala nong phone ko, medyo busy din po ako sa pag-e-edit ng TVG dahil ipapasa ko po iyon sa isang publishing house :) hahaha sinong willing mag-proof reading pagnatapos ko na syang e-edit?? Mas better version na ang edited TVG, mas malinaw na yung mga eksena, wala na yung wrong grammar at mga reduntant words :P 

 Dedicated po pala ang chapter na ito kay @Mrs.Pillow dahil nong mga panahong na-stress ako sa taong nag-hack ng fb ko, ung message nya po sakin ang nagpagaan ng loob ko. Bukod po don ay ginawan din po nya ng bagong cover ang TNB. Kaya super thank you sayo, bhe :) Maraming-maraming salamat sa pagsuporta :) 

 ***************************************** 

 CHAPTER ELEVEN: 

 WALANG IMIK NA BUMABA ako ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pang mapagbuksan ako ni Ashton at nagtuloy-tuloy na ako papasok ng bahay nya. Simula kasi ng umalis kami sa bahay ng mga magulang nya sa Tagaytay ay hindi ko na sya pinansin pa. Mabuti na nga lang at hindi iyon napansin ng pamilya nya dahil abala silang makipagkwentuhan sakin. 

Pagkapasok ko ng bahay, kaagad akong dumiretsyo sa loob ng kwarto namin. Pabagsak akong nahiga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at gusto ko na lang ay magpahinga. 

 "So your giving me a cold shoulder huh?" kahit hindi ako tumingin, alam ko na sya yung nagsalita dahil pagkapasok nya pa lang ay amoy na amoy ko na agad ang pabango nyang gustong-gusto ko.Hindi ko sya pinansin, imbes ay pumikit lang ako. Pagkatapos ng nangyari kagabi, napapagod na rin akong makipagtalo pa sa kanya. 

Narinig ko ang malakas nyang pagbuntong hininga."Alam ko na kasalanan ko dahil lumampas ako sa dapat na kalagyan ko sa buhay mo but can you blame me? You invade my world unconsciously and make me like you more than the way I like you before" wika nya kasunod ng paglubog ng kama sa gawing tagiliran ko. 

 Nakagat ko naman ang ibabang labi ko pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya kahit umupo na sya sa tabi ko. May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko. Ang Ashton na kilala kong malamig at masama ang ugali pero heto sya at diretsyang nagsasabi na gusto nya ako. Gusto nya ako ng higit sa pisikal na pagkagusto tulad ng una nyang naramdaman sakin. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka mabigyan ko sya ng pagkakataon sa nararamdaman nya lalo pa at aminado naman akong may nararamdaman din akong attraction sa kanya. Pero magkaiba kasi ang attraction sa pagmamahal. Angkin nya ang katawan ko pero si Jasper naman ang nagmamay-ari ng puso ko. 

 "Rain" 

 Hindi ko na kinaya kaya pabigla akong bumangon. "Huwag mo akong angkinin!" tiim bagang kong bulalas kasabay ng pagtayo ko. "Yes, we are lover in bed pero hanggang don na lang yun dahil sa kama lang naman tayo nagkakasundo! You are the one who first play this game so don't ask for too much! Ang magustuhan ka at piliin ko ay sobra-sobra para sa isang kabit na katulad mo!" 

 Natigilan ako ng may makita akong mabilis na pagguhit na kirot sa mga mata nya. Pero sobrang bilis lang non na hindi ko aakalain na dumaan sa mga mata nya dahil kaagad na naging sobrang lamig ng ekspresyon ng mga buong mukha nya. Nagtatagis din ang mga bagang nya marahil sa galit kaya mabilis akong nakaramdam ng takot. Hindi ko tuloy maiwasang di mapaatras lalo na ng tumayo sya at sa isang iglap lang ay gadangkal na lang ang layo namin. Napalunok ako ng mas maayos na nagtama ang mga mata namin. Hindi nya ako hinahawakan pero ang titig nya ay sapat na para makaramdam ako ng panginginig. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon