OBSESSION by GraceCallos
TEASER:
Pumasok ako ng kwarto namin ng ilang minuto na ang nakakalipas pero di pa rin sya bumababa kaya napagdesisyunan ko na puntahan sya. Ngunit pagbukas na pagbukas ko ng pinto, sumalubong sakin ang galit na galit na aura ng asawa ko.
Kung pwede lang makabutas ang tingin baka kanina pa butas ang picture frame na pinanggigigilan nyang hawak. Sobra syang nakakatakot tingnan! Natatakot ako sa ipinapakita nyang aura!
Napaatras ako ng nanlilisik ang mga matang napatingin sya sakin. Nanginginig ang tuhod ko.
"A-Ash" ramdam ko ang panginginig ng labi ko ng biglang manulas ang pangalan nya sa bibig ko
"Bakit may litrato ng hayop na yan dito sa pamamahay ko?" Galit nyang tanong
Para akong pinanuyuan ng laway dahil hindi ko magawang makasagot. Nagulat ako ng pumunta sya sa may bintana, binuksan iyon at walang pagdadalawang isip na inihagis nya sa labas ang hawak nyang picture frame. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nyang yun at biglang uminit ang ulo ko sa ginawa nyang yun.
Dali-dali akong lumapit sa bintana at dumungaw doon, umaasa na matatanaw ko pa yung picture frame. Hindi lang yun basta picture frame dahil iyon na lang ang alaala na meron ako sa kanya.
"Bakit mo ginawa yun? Hindi mo naman kailangang itapon yung litrato! Pwede ko naman yung itago!" Galit kong wika bago sya tinalikuran para kunin yun.
Ngunit bago pa ako makalabas ng kwarto namin nahablot na nya ang braso ko at pabalya akong isinandal sa pader.
"At saan ka pupunta?" Tiim bagang nyang tanong. "Kukunin mo yung punyetang litratong yun?"
"Oo!" Sigaw ko dahil kung galit sya, galit din ako
Napapikit ako ng itinaas nya ang kamay nya at akmang susuntukin ako. Ngunit wala akong naramdamang pagtama sakin ng kamao ngunit ramdam ko ang paghaging sa gilid ng ulo ko tanda na sinuntok nya ang pader. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at sumalubong sakin ang galit na galit nyang mga mata.
"Hinahap mo sya pero hinanap kita" makahulugan nyang wika
"A-Ano?" Kunot noong tanong ko
"Pero wala na akong pakialam doon dahil nasa akin ka na! Kaya itong tandaan mo, kahit na anong mangyari, hinding-hindi kita papakawalan! Hindi na kita ibabalik sa kanya!" Wika nya bago umalis, pabalibag nyang isinara ang pinto
Nanghihinang napaupo ako sa sahig na may luhang umaagos sa mga mata ko.
Bakit ba sakin nangyari 'to?
Bakit kailangan kong maipit sa dalawang lalaki?
Bakit?
BINABASA MO ANG
Obsession
Romance"Pwede mo naman syang huwag hiwalayan. Sa ngayon ay ayos lang sakin ang maging pangalawa. Sa kanya ka sa umaga at akin ka sa gabi. You have a secret affair with that bastard, subukan din natin ang thrilled ng secret affair. Pagtataguan natin ng rela...