CHAPTER FOUR:
NAGISING AKO sa mabigat na pakiramdam. Masakit din ang buo kong katawan na para bang magdamag akong nag-acrobatics.
Bumangon ako habang sapu-sapo ang ulo ko dahil bahagya din iyong kumikirot.
Ano bang nangyari?
Napatingin ako sa katawan ko ng dumaus-us yung kumot kaya nalantad ang dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko at kasabay ng pagkirot ng ulo ko ang pagkaalala ko sa nangyari kagabi.
Oh my god!
Nakipag-sex ako kay Ashton! It only means na nagkasala ako kay Jasper.
Damn!
Dali-dali akong bumangon. Hinanap ko ang mga damit ko pero wala akong makita ni isa, ang tanging nandon lang na damit ay yung damit na nasa upuan. No choice kaya kinuha ko iyon, mukha namang malinis at sadyang para sakin.
Pumasok ako sa banyong nasa loob ng kwartong kinaroroonan ko ngayon. Mabuti na lang din at wala si Ashton dito kaya kahit paano ay nakakagalaw at nakakapag-isip ako ng malaya.
Ano bang nangyari sakin kagabi?
Sinubukan kong balikan ang nangyari sakin kahapon para umabot ako sa kama ng lalaking yun. Kumakain lang naman kami sa isang restaurant, nawalan ako ng malay sa di ko malamang dahilan. Nagising akong pareho na kaming walang saplot sa katawan hanggang sa may mangyari nga saming dalawa ni Ashton.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako yung klase ng babaeng nagpapadala sa tawag ng laman. Kaya nga hindi ko maintindihan yung nangyari kagabi.
Basta bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang init sa buo kong katawan. Init na hindi ko makontrol. Naramdaman ko yun matapos kong inumin yung----
Nanlaki ang mga mata ko sa na-realize kong yun.
Hindi kaya---
Damn!
Binilisan ko ang pagbibihis at lumabas na ako ng banyo at ganon na lang ang pagtitiim bagang ko ng makita ko ang isang demonyo na nakatayo sa gitna ng kwartong kinaroroonan ko ngayon.
Biglang nagdilim ang paningin ko kaya dali-dali ko syang sinugod.
"You jerk! Dumb ass! Napakawalangya mo!" Pinaghahampas ko sya sa dibdib. "You rape me!" Galit na sigaw ko sa kanya habang patuloy ding umaagos ang luha sa mata ko.
"Stop! Stop it!" Sigaw nya sabay hinuli nya ang mga kamay kong patuloy pa din sa paghampas sa kanya.
Pero nakawala ang isa kong kamay, kinuha ko ang pagkakataong yun para isampal sa mukha nya. Sa lakas ng paglagapak ng palad ko sa pisngi nya, pumaling pakanan ang ulo nya at kaagad iyong namula.
BINABASA MO ANG
Obsession
Romance"Pwede mo naman syang huwag hiwalayan. Sa ngayon ay ayos lang sakin ang maging pangalawa. Sa kanya ka sa umaga at akin ka sa gabi. You have a secret affair with that bastard, subukan din natin ang thrilled ng secret affair. Pagtataguan natin ng rela...