CHAPTER THREE:

1.4K 23 13
                                    

CHAPTER THREE:

PILIT lang ang naging ngiti ko habang pumipirma ng kontrata sa Emperial. Pero biglang naglaho ang ngiti ko ng magkamay kaming dalawa ng bago kong boss na si Ashton Caldwell. Bahagya nyang pinisil ang kamay ko at hindi ko gusto ang pakiramdam ng pagkakalapat ng mga kamay namin. Tapos iba pakiramdam ko sa titig na ibinibigay nya sakin.

Parang lagi akong sinusuri ng mga mata nya. Ang mga titig nya ay nagsasabi na wala akong maitatagong sikreto sa kanya.

Pero mabilis din akong ngumiti dahil baka makahata ang mga taong kasama pa namin dito sa comference hall. Matapos ang contract signing, nagkaroon pa ng kaunting interview.

Alas onse na din kaming natapos.

"Rain" napatigil at napalingon ako sa tumawag sakin.

When my eyes meet his eyes, I feel again the shiver in my spine. At iisang tao lang ang nagbibigay sakin ng ganong pakiramdam ngayon.

"Mr. Caldwell" bati ko ng makalapit na sya samin ni Louise.

Balak na sana naming umalis ni Louise para mag-lunch bago pumunta sa picturial ng bago kong ini-endorse na product

"Paalis na ba kayo?" Tanong nya

"We are having our lunch. May kailangan ba kayo, sir?" Sagot ko.

Rinig ko ang pagsinghap ni Louise na nasa tabi ko ng biglang ngumiti si Mr. Caldwell. "Nothing. I just want to treat you...both of you...for still choosing this company" nakakapanhalina ang ngiti nya.

Oo. Napakagwapo nya, walang duda sa bagay na yun. Lalaking-laki ang dating nya. Sya yung klase ng lalaking kapag tiningnan mo ay nag-uumapaw na sa kapangyarihan. Nasa kanya ang aura ng awtoridad na makapagpasunod ng mga tao sa paligid nya. At ngayong nakangiti sya, lalong lumitaw ang kagwapuhan nya. Kapag nakangiti sya, hindi mo masasabi na sya ang devil phantom sa business world.

"No need sir. You don't need to treat us" magalang na tanggi ko kahit na hindi ko gusto ang presensya nya. Sya pa din naman ang boss ko.

Pasimple akong napangiwi ng bahagya akong kurutin ni Louise sa tagiliran. Mukhang gusto nyang tanggapin ko ang alok ni Mr. Caldwell.

"I don't take no for an answer. And besides, I already told you before that I'm your big fan, are you going to say no to your fan?" He said with a smile or more on a grin.

"If you insist, Mr. Caldwell. Who are we to say no" mabilis na sagot ni Louise.

Isang tagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi nya dahil sa pagpayag ng manager ko. "So, let's go" yaya nya

Wala na akong nagawa dahil mukhang hindi rin naman nya tatanggapin kapag tumanggi lang ako ulit. Sinamaan ko na lang tuloy ng tingin si Louise na binigyan lang ako ng nakakalokong ngisi.

Kotse na ni Mr. Caldwell ang ginamit namin. Samantalang pinasunod ko na lang yung driver ko. Sa isang italian restaurant kami pumunta. Mabuti na lang at mukhang hindi naman kami nasundan ng mga paparazzi na nakaabang sa labas ng building ng Emperial.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon