This chapter is dedicated to @Cold_crystal. Kung mababasa mo man 'to bhe, ang masasabi ko lang ay 'KAW TALAGA WITH CHU!' nyahaha alam mo na yan!
#ECHEYI
*******************************
CHAPTER TEN:
ISA-ISANG NAGPAKILALA SAKIN ang mga nasa hapag kainan. Si Charles Caldwell na kapatid ng papa ni Ashton, ang asawa nitong si Mary Jane, ang mga anak nilang sina Cassandra at Antonette na mga pinsan ni Ashton ay mainit akong tinanggap. Maging ang mismong mga magulang nya ay mainit din ang pagtanggap sakin. Pero napansin ko na wala si Nathaniel. Nasaan kaya sya? Hindi naman siguro nya sinundan si Louise sa America.
Yung kaninang nakakatakot na aura ni Richard ay biglang nawala at napalitan ng mapanuksong ngiti. Kamukhang-kamukha nya si Ashton.
"Please take a seat" magiliw na wika ni Mary Jane.
Ipinaghila naman ako ni Ashton ng upuan sa tabi nya at maingat akong inalalayan sa pag-upo. I don't know pero kung hawakan nya ako ngayon ay punong-puno ng pag-iingat. It's like, I'm a preciuos crystal.
"We're really sorry for what happen earlier. Nakita mo pa ang bagay na iyon" wika ni Richard
"No. It's ok. May mga pagkakataon talaga na may mga ganong eksena sa isang pamilya" nakangiting wika ko kahit na sa totoo lang ay pinagpapawisan na ang mga kamay ko.
Inilagay ko ang sarili ko sa alanganing sitwasyon. Ipinakilala ko lang naman ang sarili ko na girlfriend ni Ashton sa buo nyang pamilya!
"But thank you! Because you still depend our son" nakangiting wika ni Elizabeth
Tiningnan ko si Ashton na ipinaglalagay na ako ng pagkain sa plato.
"Grabe! Hindi ko talaga akalain na girlfriend ka ni kuya!" Hindi makapaniwalang wika ni Antonette.
"Kaya nga!" Segunda ni Cassandra. "Mas bagay kayo ni Godfrey kesa kay kuya Ashton" pinagsalikop nya ang mga kamay nya na parang nananalangin. "Ang gwapo nya talaga!" Kinikilig na wika nya.
"We're just friends" sagot ko na lang. Iyon din naman ang totoo kahit showbiz ang dating non.
"At hindi rin naman sila bagay na dalawa" simpleng sabat ni Ashton.
Naalala ko nong unang beses na makita ko si Cassandra sa Paradise, nirereklamo nya na sinabi ng kuya nya na mas bagay daw kaming dalawa and turn out na si Ashton pala ang kuya nyang sinasabi nya ng mga oras na yun.
Sa kabila ng sitwasyon ko, hindi ko maiwasang di lihim na mapangiti. Iniisip pala ni Ashton na bagay kaming dalawa.
"Hindi rin naman kayo bagay dahil wala kayong chemistry" di papatalong wika ni Cassandra
BINABASA MO ANG
Obsession
Romance"Pwede mo naman syang huwag hiwalayan. Sa ngayon ay ayos lang sakin ang maging pangalawa. Sa kanya ka sa umaga at akin ka sa gabi. You have a secret affair with that bastard, subukan din natin ang thrilled ng secret affair. Pagtataguan natin ng rela...