Hi guys! Hindi ko sure kung makakapag-UD ako sa TNB bukas kaya ngayon pa lang babati na ako hehehe HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat mga bebe loves! Love na love ko kayo and thank you for all the supports your giving me. Thank you :)
Love Love Love <3
*******************************************************************************
CHAPTER FIVE:
KINAGAT ko ang ibabang labi ko para pigilin ang galit ko. Samantalang prenteng nakaupo lang ang demonyo sa tabi ko at busy sa laptop nya.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa private plane nya papuntang Pilipinas. Napaaga ng tatlong araw ang pagpunta ko sa Pilipinas at dahil yun sa demonyong nagngangalang Ashton. Nagawa nyang i-clear ang tatlong araw na schedule ko at maagap kaming lumipad papuntang Pilipinas.
"Do you need anything?" He ask.
"Yeah" matiim ko syang tiningnan. "You...getting out of my life" walang kagatul-gatol na sagot ko.
Hindi naman ako nag-aalala na baka may makarinig samin dahil bukod sa pilot at assistant nya, wala na kaming ibang kasama.
Pero ang hudas, tinawanan lang ako. But his laugh make me shiver, not in a good way but in a bad way. Because I feel...I don't want to admit but I feel scared.
Itinaas nya ang kamay nya para haplusin ang pisngi ko pero bago pa yun lumapat sa balat ko ay tinabig ko na ang kamay nya. Pero nginisihan nya lang ako sa ginawa kong yun.
"It's like your wishing for the end of the universe, sweet angel" he said at muli nyang binalingan ang laptop nya. "Just accept the fact that you are mine"
"Don't call me sweet angel! Because it disgust me!" Asik ko sa kanya. "And I will never...never accept the fact that you owned me! Dahil kung meron mang nagmamay-ari sakin...si Jasper lang yun!" Binirahan ko sya ng pagtayo dahil hindi ko kayang makatabi ang demonyong sumisira sa buhay ko.
Lumapit ako sa ibang upuan. Mabuti na lang at nasa kabilang bahagi si Mr. Black, the demon's assistant
Inirapan ko sya bago naupo. Mas gugustuhin ko na matulog na lang kesa ang makita sya sa ilang oras na byahe namin. Pero di ko akalain na sa pagtulog ko, maaalala ko ang ilang araw ko sa America bago ang araw na 'to ng pagpunta namin sa Pilipinas.
And swear to God, isinusumpa ko ang mga araw na nakakasama ko sya!
NANGHIHINANG napaupo ako sa sofa sa penthouse ko. Hapong-hapo ang pakiramdam ko na parang ang gusto ko na lang gawin ay matulog para kahit papaano ay matakasan ko ang mga nangyayari sakin ngayon.
"Girlfriend na ako ni Ashton Caldwell" wala sa sariling usal ko.
Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha ko. Ano ba 'tong pinasok ko? Pakiramdam ko ay ang gulo-gulo ng buhay ko ngayon. Pakiramdam ko, ang hina-hina ko kasi wala akong magawa laban kay Ashton. Isa pa man din akong Hummington pero wala akong magawa laban sa kanila.
BINABASA MO ANG
Obsession
Romance"Pwede mo naman syang huwag hiwalayan. Sa ngayon ay ayos lang sakin ang maging pangalawa. Sa kanya ka sa umaga at akin ka sa gabi. You have a secret affair with that bastard, subukan din natin ang thrilled ng secret affair. Pagtataguan natin ng rela...