CHAPTER TWO:
"HI, everyone!" Masiglang bati ko sa tatlong nilalang na nasa sala pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa mansion namin
"Princess!" Tumayo pa si ate para salubungin ako ng yakap at halikan sa pisngi. "How's your celebration with your friend?"
"It's fun!" nakangiting sagot ko
This is one of the advantages of being an actress. You can make a lied as if your telling the truth.
Hindi ko naman talaga gustong magsinungaling sa kanila pero gusto ko kasing humanap ng magandang tyempo para maipakilala ko sa kanila si Jasper. Magandang pagkakataon na sana yung kagabi dahil kasabay ng pagkakapanalo ko sa Emy's pero sabi nga ni Jasper, hindi sya handa kagabi dahil mayroon pala syang ibang balak para samin.
Hindi ko din naman sya masisisi kung gusto nyang handa at prepared syang haharap kina daddy. Kilala kasi si daddy as a devil in a corporate suit sa business industry. Wala syang sinasanto pagdating sa negosyo tapos idagdag mo pa sina kuya at ate na may malaking pangalan din sa business world. Kilala din ang pamilya namin at likas na galing sa mayamang angkan. Iyon ang dahilan kung bakit nakakaramdam ng insecurity si Jasper. At higit sa lahat, they are strict when it comes to me.
Yes. I grew up here in america, the place where people are liberated but dad is some kind of old school at dahil half filipina si mommy at nanirahan sa pilipinas ng ilang taon, pinalaki nya sina kuya at ate na may value sa sarili. Kaya naman may pagka-strict sila sakin palibhasa ako ang bunso ng pamilya at parang pinakapaborito dahil spoil din naman ako pagdating sa kanila.
Sinabi ko na sa kanya noon na wala syang dapat ika-insecure dahil gwapo sya, may kaya sa buhay, galing sa mabuting pamilya at maganda ang career nya. He own two restaurant but the irony in his field is he own a restaurant but he don't know how to cook although he love to eat. Hindi man sya ganon kayaman pero hindi naman problema sakin o kina daddy ang esyado nya. Kahit naman ganon ang pagkakakilala ng mga tao kay daddy, mabait naman sya at nasisiguro ko na magugustuhan nila si Jasper. Specially that Jasper's dad is a pilipino. Dad is so much fond with filipino's because mom is half filipina.
At binabalak ko na next week ay ipakilala na si Jasper sa pamilya ko! Excited na ako sa araw na yun!
"Tamang-tama ang dating mo, hija. Naghahain na ang mga katulong" wika ni daddy.
"Sige po. Magbibihis lang po muna ako" paalam ko.
Dire-diretsyo na ako sa kwarto ko. Meron akong sarili kong condo at doon ako nakatira. Pero kapag ganitong sunday, umuuwi talaga ako dito sa mansion dahil kinaugalian na namin ang mag-dinner ng sama-sama. Samantalang sina ate at kuya naman ay pinili na lang na manirahan dito sa mansion. Wala naman silang asawa pareho. Ewan ko ba kung bakit hindi pa sila nag-aasawa gayong ang ganda at ang gwapo naman nila. Kapag kinukulit ko naman sila kung bakit hindi pa rin sila lumalagay sa tahimik, sinasagot lang nila ako na busy sila. Although, hindi naman halata sa itsura nila ang mga edad nila. Mukha lang na nasa late thirties lang si kuya tapos si ate naman ay mukhang nasa late twenties lang. But I hope makahanap na sila ng makakasama nila panghabang buhay.
Naligo na naman ako sa condo ni Jasper kaya nagpalit na lang ako ng damit tapos bumaba na rin ako. Naabutan ko sina daddy na nasa dining table na. Nakaupo si daddy sa kabisera ng pagkahaba-haba naming dining table samantalang si kuya ay nakaupo sa kanan at si ate ay sa kaliwa ni daddy. Sa kasunod naman ng upuan ni ate carmen ang pwesto ko. Hindi pa naman sila nagsisimulang kumain, marahil ay hinihintay nila ang pagbaba ko.
BINABASA MO ANG
Obsession
Romance"Pwede mo naman syang huwag hiwalayan. Sa ngayon ay ayos lang sakin ang maging pangalawa. Sa kanya ka sa umaga at akin ka sa gabi. You have a secret affair with that bastard, subukan din natin ang thrilled ng secret affair. Pagtataguan natin ng rela...