Chapter 12

9.8K 238 2
                                    

Bianca's Pov




"I know. I know the truth. Where he came from. Where he slept. I knew because I followed him, but I wondered. Why does he have to lie to me? Anong meron sa condo na yun? At kailangan niya pang magsinungaling sakin?" Takang taka na ani ni Bianca.


Kahit takang taka si Bianca ay hindi nalang siya nagsalita nung nagsinungaling si Chase sa harap harapan niya mismo. Lumabas nalang siya ng opisina ng tahimik dahil ayaw niya makapag salita ng masakit. At ayaw niyang magduda. Dahil baka mali lang siya.


Pumunta nalang ako sa tinuturing ko na tahanan. Nang makarating ako sa orphanage ay nagsilapit agad sakin ang mga bata. Napangiti naman ako at sinalubong ko agad sila ng yakap.


"Namiss niyo ba si Ate?" Malambing na ani ko.


"Opo ate!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata.


Ngumiti naman ng matamis si Bianca at iniwan muna ang mga bata.


Nagtungo siya kung nasaan ang mga tinuring niyang mga ina...


"Bia nandito ka pala, bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka iha? Para napaghandaan man sana namin at napagluto ka ng makakain mo" ani ng isa niyang tinuturing na ina.


"Nay naman! Alam niyo naman po na mahilig ako mag surprise visit dito! HAHAHAHAHAHAHA. Tsaka po nay okay lang naman po sakin na hindi niyo ko paghandaan ng pagkain. Gastos lang po yon" magalang na ani Bianca.


"Ano kaba Bia iha, sinabi na namin ng paulit ulit sayo na para ka na naming anak. Kaya okay lang sa amin kung manggagaling man sa sarili naming bulsa ang ipanghahanda ng pagkain mo" nakangiti pang ani ng pangalawa niyang tinuring na ina.


Ngumiti nalang siya, at humalik nalang isa isa sa mga pisngi ng mga tinuring niyang ina.


Pagkatapos niyang magbigay ng pera sa orphan ay nagpaalam na siya at pumunta naman siya sa paborito niyang park kung saan siya pinapasyal dati ng mga tinuring niyang ina.


Masayang umupo si Bianca sa isang swing habang kumakain ng ice cream.  Napapangiti siya sa mga nakikita niyang mga ngiti sa labi ng mga bata. Saya na may gumagabay sa kanila. Saya na kinaiinggitan niya.


Napangiti nalang si Bianca ng mapait.


~FLASHBACK~







"Kailangan natin siyang iwan dito. Magiging delikado ang buhay niya kapag nanatili siyang kasama natin" bulong ng nanay ni Bianca sa tatay nito.



"But hon? Okay lang ba sayo na lumaki siya na walang tinuturing na ina at ama? Hon. Don't do this. Hindi ko kayang mawalay ang anak nating babae satin. Our daughter is so sweet! I will miss her sweetness! So, no! Hindi ako pumapayag sa desisyon mo" madiin na ani ng tatay ni Bianca.



"Kahit hindi ka pumayag ay wala kang magagawa. Ako ang batas remember? Boss kalang wag kang ano jan! Tsaka kaylangan nating gawin to! Okay nang mawalay siya satin kesa naman na maaga siyang mategi! Ano?! Sige mamili ka!" Sigaw pa ng nanay ni Bianca.



"Alright alright, wala nakong laban. Basta kapag hindi na nanganganib ang buhay natin ay babalikan natin siya okay?"



Tumango nalang ang nanay ni Bianca at naglakad na ito papalapit kay Bianca. "Nana anak dito ka muna ha? Need lang namin na ilayo ka muna samin baby. Para rin to sa kaligtasan mo anak. Kaya sana maintindihan mo kami pag lumaki kana" binuhat niya na si Bianca at binigay na sa isang madre.



"Kayo na po ang bahala sa anak ko. At pakiusap po. Wag niyo pong sabihin na may alam kayo tungkol sa totoo niyang magulang. Ingatan niyo po ang anak ko.  Salamat po" papaalis na ang magulang ni Bianca ng may maalala ang nanay neto.



"Bianca nga po pala ang pangalan niya" nakangiti pang ani nanay ni Bianca at naglakad na ulit.



Ang dalawang taon na si Bianca ay nakatingin lang sa papalayo niyang mga magulang...






~END OF FLASHBACK~




Simula ng araw na yon ay hindi na ulit umiyak si Bianca. Kahit nasa murang edad palang siya ay naiintindihan niya na ang mga bagay bagay. Napalaki ng maayos si Bianca ng mga nag alaga sa kanyang madre. Marunong siyang gumalang at rumespeto. Ngunit lumalabas ang kamalditahan ni Bianca kapag may inaagaw na pag mamay ari niya. Ayon ang ayaw na ayaw ni Bianca. Pag kanya, dapat ay sa kanya lang.


Nang matapos ng kainin ni Bianca ang ice cream niya ay naisipan niya ng umuwi sa bahay ni Chase...


"Hay, finally im home" pagod na ani Bianca.


Wala pa si Chase kaya hindi na muna siya kumain. Gusto niyang hantayin ito. Para may kasabay naman siyang kumain.


Hindi namalayan ni Bianca na nakatulog siya sa kusina na nakaupo... Nagising lang siya ng may maramdaman siya an may tumatapik ng kanyang pisngi.


"Bianca wake up" Mahinang ani Chase.


Nang makita niyang si Chase yon ay agad niyang pinalupot ang braso niya sa leeg nito.


"I miss you" hahalikan sana ni Bianca si Chase nang biglang umiwas ito.


Malungkot na tumingin si Bianca kay Chase. "Don't you miss me?" Malungkot na sabi ni Bianca na naka yuko pa ang ulo.


"Hey Bianca, im sorry. But yeah. I-i d-don't m-miss y-you" mahinang ani Chase.


Napatingala naman ang ulo ni Bianca sa mukha ni Chase. Tinignan niya ang mukha nito na para bang sinusuri. Nang matignan niya ito ng ilang minuto...


Hinalikan niya ito ng mariin kaya naman nagulat si Chase. Nagtataka si Bianca dahil hindi binabalik ng fiance niya ang mga halik niya dito. Kaya tumigil siya at nagtanong...


"May problema ba babe?" Lumayo sa kanya si Chase na lalo niyang ipinagtaka.


Bumuntong hininga muna si Chase bago nagsalita.


"Bianca i have a daughter" nakatingin pa sa mata ni Bianca si Chase habang sinabi iyon.


Nagulat si Bianca. At hindi alam ang gagawin. Tinanggal niya lahat ng emosyon niya sa mata niya at tsaka ulit nagsalita.


"Where? When? How? P-panong n-nangyari y-yon?" Malamig na ani Bianca.


"Nung nakaraang year ay may nakita akong babae sa bar. Lasing siya. She's crying Bianca. So, lumapit ako. And a-ayon B-bianca m-may n-nangyari s-samin. Tas makalipas ng isang linggo bigla siyang sumulpot sa office ko at sinabi na buntis siya. And im the father. I'm sorry" mahabang sabi ni Chase.


"Your mine Chase. Hindi kita ipamimigay. Hindi ko hahayaan. Ikaw nalang ang meron ako" desperadang desperada na ani ni Bianca.


Lumuhod si Bianca sa harap ni Chase. At nagsalita ulit... "I'm begging you Chase. Don't leave me" umiiyak na pagmamakaawa ni Bianca.


"I'm sorry" mahinang sabi ni Chase.


Naglakad na papalayo si Chase kaya ang nagawa niya nalang ay titigan ito. Umakyat siya sa kwarto nila ni Chase at doon binuhos ang pag iyak.


"Sakin kalang Chase. Sakin lang"


















---
_HATDOG_
Hello po! Paki like naman po! Maraming salamat po sa mga nagbabasa!😗






One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon