Tatlong araw na ang lumilipas at unti unting nasasanay sa gawaing bahay si Chase. Ginawa niya ang kondisyon ng ama ni Alejandra, dahil gusto niyang mag stay dito. Kaya need niya gawin ito.
"Abay eto pa may alikabok pa oh!" Bossy na sigaw ng daddy ni Alejandra.
Nagugulat namang napatayo si Chase sa kinauupuan niya at pinunasan ang tinuturo ng daddy ni Alejandra.
"Aba sumusuko kana ata? Pwede ka namang umalis—" sumigaw naman si Chase ng hindi po, kaya naman napailing iling nalang ang Daddy ni Alejandra.
Hinarap ng daddy ni Alejandra ang ama ng apo niya at nagsalita. "The truth is, i don't like you." Derechong sabi nito. Magsasalita na sana si Chase nang nagsalita ulit ang daddy ni Alejandra. "I don't like you because you have a fiance, bobo kaba o di ka nag iisip? May fiance ka nung ginalaw mo ang anak ko. Hindi ko alam kung keylan mo siya ginalaw, pero ang tanong. Bakit?!" Madiin at may gigil na ani daddy ni Alejandra.
Kahit kinakabahan si Chase ay nagsalita pa din siya. "Your daughter is so beautiful sir, she is the woman that tastes like strawberry" napatikom bigla si Chase at nag iwas ng tingin. Nakita niya kasi ang nanlilisik na mga mata ng ama ni Alejandra. "Ang kapal pala talaga ng mukha mo para sabihin sa harap harapan ko yan ano?!" Singhal ng daddy ni Alejandra.Magsasalita pa sana ang daddy ni Alejandra ng... "Dad tama na po yan, lagi niyo nalang po inaaway si Chase" magalang na ani nito. "Abat pinagtatanggol mo pa yan?!" Mainit ang ulo na ani ng daddy ni Alejandra. Agad namang umiling iling si Alejandra. Masama siyang tinignan ng daddy niya kaya agad niyang tinaas ang mga kamay niya sa ere, na sinasabi niya na suko na siya. "Sige daddy continue" at umalis na si Alejandra. Napapalo naman ng noo si Chase. Wala siyang magawa kundi tanggapin ang sinasabi ng daddy ni Alejandra.
Nakikinig lang si Chase nang... "Osya tama na yon, masyado nakong madaldal. Tara na tama na yang paglilinis mo, mag meryenda kana muna tutal nagbake naman ang asawa ko" sakto naman na kumalam ang tiyan ni Chase kaya pag angat niya ng ulo niya sa daddy ni Alejandra ay nakita niya itong magkasalubong ang mga kilay.
"Pasensya kana at pinahihirapan kita, alam ko na wala kang alam sa paglilinis dahil isa kang bilyonaryo. But i don't care. Dahil ang anak ko na ang usapan dito at hindi lang pera" umiintinding tumango tango lang si Chase dito.
Pumunta na sila sa kusina at tuwang tuwa na ipinatikim ng mommy ni Alejandra kay Chase ang mga binake neto. Mahilig at magaling magbake ang mommy ni Alejandra, sa kanya natutunan ni Alejandra ang pagbebake.
Habang masaya silang kumakain ay hindi nila nararamdaman na may nakatitig na pala sa kasiyahan nila, walang iba kundi si...
"Humanda ka. Puputulin ko ang saya na binibigay mo sa mahal ko, na dapat ay akin lang." galit na galit na bulong ni Bianca.
Umalis na si Bianca sa tapat ng bahay nila Alejandra at umuwi nalang sa bahay nila ni Chase. Nagpakita na ang mga magulang niya sa kanya nung nakaraan, galit siya. Dahil bakit ngayon lang ito mga nagpakita. Kaya sinasabi ni Bianca sa sarili niya na "They don't love me" kung gaano katapang ang nakikita ng lahat sa kanya tuwing umaga ay ganon naman siya kahina tuwing gabi at nag iisa siya. Wala siyang ginagawa kundi umiyak ng umiyak hanggang sa matulugan niya na ito. Wala mang nakikitang emosyon sa mga mata niya tuwing umaga, lumalabas naman ito lahat pagdating ng gabi. At ang sinisisi niya sa lahat ng kalungkutan niya ay walang iba kung hindi si Alejandra...
Napangiti nalang ng mapait si Bianca "I will wait for the right time. Pagbabayaran mo to Alejandra."
---
_HATDOG_
Hi guys! Sorry at super ikli, wala po kasing pumapasok sa utak ko now kundi ml lang HAHAHAHAHA. Pasensya na god bless HAHAHA
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...