Magtatanghali na at nagsisimula ng kabahan si Alejandra. Dahil mamaya maya ay aalis na sila para pumunta sa tinitirhan ng mommy at daddy niya. Hindi niya alam kung pano niya sasabihin sa daddy niya ang tungkol sa anak niya.
"Tara na Jandra" nakangiting ani mommy ni Alejandra.
Nang mahalata ng mommy niya ang kaba sa mukha niya ay nagsalita ulit ito... "Everything will be okay Jandra" pagpapagaan ng loob na ani ng mommy ni Alejandra.
Ngumiti lang si Alejandra at bumuntong hininga nalang.
Hindi tumagal ay nakarating na sila sa harap ng bahay kung saan siya pinalaki ng mga tinuring niyang magulang.
"Kaya ko to" mahinang ani Alejandra sa sarili niya.
Pagkapasok nila sa bahay ay agad na bumungad sa kanila ang daddy niya. "H-hi d-daddy" humalik pa sa pisngi ng daddy niya si Alejandra bilang pagbati.
"Ayan naba ang apo ko?" Nagugulat na napatingin si Alejandra sa daddy niya.
"P-po?" Utal na ani Alejandra.
Napailing iling naman ang daddy ni Alejandra. Papalapit ito sa kanya kaya agad siyang kinabahan at hindi alam ang gagawin. Ninenerbiyos siya. Ngunit pagkalapit nito.
"Alam ko na may anak ka iha. Nung hindi ka pumapasok araw araw sa cafe mo ay nagtaka ako. Kaya naghired ako ng private investigator. At sinabi niya sakin na nagbubutis ka. Nung una ay nagulat ako. At hindi naniwala. Kasi iha i know na hindi ka ganong babae, kaya ng sinabi sakin ng private investigator ko na buntis ka ay agad kitang pinuntahan ng palihim. At nakita ko. Na totoo nga na buntis ka." mahabang ani ng daddy ni Alejandra habang nakayakap ito.
Hindi alam ni Alejandra kung anong mararamdanan niya. Masaya siya na alam nang daddy niya simula palang na buntis na siya, pero kinakabahan pa din siya dahil baka magalit ito sa kanya...
"Im not mad iha" nakangiti pang sabi ng daddy ni Alejandra.
Lumiwanag naman ang mukha ni Alejandra at agad na niyakap ang daddy niya ng pagka higpit higpit. "Thankyou for understanding daddy" naiiyak na ani Alejandra.
"I know who's the father of your baby." Madiin na ani daddy ni Alejandra. Napatigil naman si Alejandra. "He have a fiance, Didn't you know that?" Dugtong pa nito.
"I know that daddy. Nalaman ko nalang po nung pinaimbistigahan siya ni mommy" tumingin pa siya sa mommy niya kaya agad tinaas ng mommy niya ang kilay neto ng makitang nakatingin din ang asawa.
"Oh bakit?! May problema ka?!" Masungit na ani mommy ni Alejandra sa daddy niya.
Napahampas nalang ng noo ang daddy ni Alejandra.
"Akin na muna yang apo ko, gusto ko hawakan" ngiting ngiting ani daddy ni Alejandra.
Binigay naman ito ng mommy ni Alejandra, nang pagkakuha ng daddy niya ng anak ni Alejandra ay agad na tumakbo ito papasok ng bahay.
"Sabi sayo nak eh! Back up moko wag ka mag alala hihi, hindi magagalit yang daddy mo. Halata namang kanina pa gusto hawakan ang anak mo. Sabik kasi ang daddy mo HAHAHAHA. Ang kuya mo kasi 26 na hindi pa din nagkaka anak! Ewan ko ba sa batang iyon! Wala atang balak mag pamilya!" Natawa nalang ng mahina si Alejandra at pumasok na ng bahay.
Nakita niya na ngiting ngiti ang daddy niya habang nakatingin sa anak niya. Nakikita niya sa mata ng daddy niya ang pagkatuwa.
"Nako pag nalaman ng daddy mo na may nararamdaman ka na may sumusunod sayo. Pag iistayin ka niyan dito sa bahay. Lalo nat pabor sa kanya yun dahil araw araw niya makikita ang apo niya. Pero mamaya mo nalang sabihin Jandra anak, siguro pagkatapos nalang natin kumain ng tanghalian"
Kumain na sila ng sabay sabay. As in sabay sabay, pati ang anak ni Alejandra ay kasama. Nasa lamesa ito mismo nakaupo at inaalalayan lang ng daddy niya na hindi matumba. Pagkatapos nilang kumain ay pinatulog muna ni Alejandra ang anak niya dahil kakausapin niya pa ang daddy niya.
"Dad, can i talk to you?" Tumango naman ito at niyaya siya sa sala nila.
Nakaupo sila pareho sa sofa at magkaharap. "What is it?" Tanong ng daddy ni Alejandra.
Huminga muna si Alejandra bago nagsalita. "Kahapon po kasi ay may nararamdaman ako na may nagmamasid sakin. Pero po pag tinitignan ko ang paligid ko ay wala naman po akong nakikita na nakatingin sakin"
"Hmmm, alright! Kukunin natin ang mga gamit niyo ng apo ko at dito na muna kayo mag iistay hanggat hindi pa nahuhuli yon okay?" Tumango tango nalang si Alejandra.
Kasama niya ang daddy niya na papunta ng condo niya ngunit ng makarating sila nang condo niya ay...
"Omygad!!"
"Anong nangyari dito?! Ninakawan kaba anak?? But—" nahinto ang pagsasalita ng daddy ni Alejandra nang may makita ito. "Run for your life" basa nang daddy ni Alejandra dito.
Si Alejandra naman ay tumaas ang lahat ng balahibo at nanginginig na naman sa takot. Kaya niyang lumaban. Ngunit natatakot pa din siya. Hindi para sa sarili niya. Kundi para sa anak niya.
"Anak Lej mabuti pat ibibili ko nalang kayo ng mga gamit niyo ng apo ko. Ako nang bahala. Don't worry honey, i will protect you"
Pero kahit ganoon ang sinabi ng daddy niya ay hindi pa din niya nararamdaman ang safety para sa kanilang dalawa ng anak niya.
"S-sana a-ako n-nalang w-wag l-lang a-ang a-anak k-ko" utal utal na ani Alejandra.
Niyakap naman siya kaagad ng daddy niya at pinahinahon siya.
Nang makauwi sila ay may naramdaman na naman si Alejandra na nakatingin sa kanya. Pag lingon niya ay nakita niya si Chase.
"Why are you here?" Mataray na ani Alejandra.
"Im here to protect you and our baby Andra. Please let me." Madiin na ani Chase.
Nagkibit balikat lang si Alejandra at pinagbuksan nalang ng pinto si Chase. Pagkapunta nila sa sala ay agad nagbless si Chase sa daddy ni Alejandra ito. Agad namang napataas ang kilay ni Alejandra.
"Abay ang kapal naman. Singkapal ng dictionary lang ang peg ah" pagpaparinig ni Alejandra.
Napatawa naman si Chase ng mahina.
"Bakit ka nandito sa pamamahay ko? Ang kapal pala talaga ng mukha mo na tumungtong sa teritoryo ko." Mariin at malamig na ani ng daddy ni Alejandra.
Napapalunok naman si Alejandra sa tingin ng daddy niya kay Chase.
"Im here to protect your daughter and my child sir" magalang na ani Chase.
"Are you insulting me?! I can protect my daughter and her baby!" Sigaw ng daddy ni Alejandra.
Kahit kinakabahan na si Chase ay nagsalita pa din siya... "No sir. Im not insulting you. I just want to protect my soon to be wife sir." Nabibigla namang napatingin si Alejandra kay Chase. Nakanganga siyang nakatingin dito na hindi makapaniwala sa sinabi.
Napataas naman ang kilay ng daddy ni Alejandra. "Alright. Here's the deal." Nanlalaki naman ang mata ni Chase pero sumagot pa din ito. "Ano pong deal?" Kinakabahang ani Chase. "Pag iistayin kita dito sa bahay namin. Pero sa isang kondisyon" nakangising ani daddy ni Alejandra. "A-ano p-po?" Utal na sagot ni Chase. "You will clean my house every day" nakangising sabi ng daddy ni Alejandra.
Kahit walang alam sa paglilinis si Chase sa bahay ay tumango nalang ito, at pilit na ngumiti.
"Kaya mo to self. Para sa anak mo. Para kay Alejandra"
---
_HATDOG_
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...