Chapter 28

6.2K 114 5
                                    

Dumaan ang ilang araw at nabalitaan ni Chase na nagising na si Bianca. Mamaya ay magpapaalam siya kay Alejandra na aalis siya at bibisitahin ito. Gusto niyang magkaron sila ni Bianca nang maayos na closure para na din sa ikakaayos ng lahat.



Habang pinapaliguan ni Alejandra si Crimsyn ay pumasok siya ng banyo. "Andra" napatingin naman ito sa kanya na may nagtatanong na mata. Magsasalita na sana siya ngunit inunahan siya ni Alejandra.



"Ingat" kumunot ang noo ni Chase sa sinabi ni Alejandra.



"Ha?" Nalilitong ani Chase.



"Diba pupunta ka kay Bianca? Kaya ingat" ani Alejandra na hindi lumilingon kay Chase.



"Pano mo nalaman? How?" Nagtatakang tanong ni Chase.



Napataas kilay naman si Alejandra. "I know naman na bibisitahin mo yon si Bianca, anong kala mo hindi ko alam. Advance ako mag isip. Kaya shoo! Go away na! Busy ako kay Crimsyn lumayas kana. Nagpaalam kapa alam ko naman kung saan ka pupunta duh" napahawak nalang si Chase sa batok niya habang papalabas ng banyo.



"Siguro may lahi silang manghuhula? Meron kaya? Bat ko hinuhulaan? Edi manghuhula na din ako?" Napasabunot nalang si Chase sa buhok niya. Nababaliw na siguro siya. Kung ano ano na pumapasok sa isip niya.



Nag-ayos at nagbihis na si Miller para makaalis na. Bago siya tuluyang umalis ng bahay nila Alejandra ay nagpaalam muna siya dito na aalis na siya.



Pagkarating sa room kung nasaan si Bianca, pagkabukas niya palang ng pinto ay agad ng bumungad sa kanya ang mommy at daddy ni Bianca. Agad siyang yumuko at sinabing "Good Afternoon"



"Walang good sa afternoon kung nandito ka" napangiwi naman siya sa sinabi ng mommy ni Bianca. Nang tignan niya si Bianca ay nakatingin din ito sa kanya. Nang tignan niya ang buhok neto...



"What happen to your hair?" Nag aalalang tanong ni Chase. Ngumiti naman sa kanya ng tipid si Bianca.



"I'm okay. Don't worry." Nanghihinang ani Bianca.



Sa isip isip ni Chase. "Alam kong sinaktan ko siya, at nadurog ang puso niya ng sobra. Pero. Nag-aalala pa din ako sa kanya. Nagkaroon pa din kami ng relasyon. Sinasabi niyang ayos siya, pero alam kong hindi naman. Kaya kailangan na talaga namin ng closure, para sakin, para sa kanya, para sa ikabubuti ng lahat ng taong nakapaligid samin."


Umubo ubo si Chase kaya naman napatingin sa kanya ang mommy ni Bianca na nakataas ang kilay. "Kung may sakit ka lumabas ka ng kwartong to, masyado ka namang bastos at ayaw mong magtakip" napahawak naman si Chase sa batok niya at walang masabi. Gusto niya pa sanang magsalita kaso... "My, dy, labas na muna po kayo, mag uusap lang po kami ni Chase" aangal pa sana ang mommy ni Bianca ngunit hinawakan na siya sa braso ng asawa niya kaya't wala na siyang nagawa at lumabas na ng kwarto ni Bianca nang masama ang mukha.



"Kamusta naman kayo ni Alejandra?" Hindi makatingin si Chase kay Bianca, hindi niya man aminin dito. Ngunit alam niya sa sarili niyang nahihiya siya dito. Nakakahiyang humarap sa babaeng minahal kalang naman pero gumawa kapa ng mali. Nakakahiya.



"O-okay lang naman" napahawak pako sa batok ko sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung pano pako nakakaharap sa babaeng to. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko, dahil need talaga namin ng closure.



"Your shy ha? HAHAHAHAHAHA. Bat kaba nahihiya sakin? Parang walang pinagsamahan ah HAHA. Btw, bakit ka nga pala nandito? Kakagising ko lang kanina tapos natulog lang ulit ako nagising lang ako kanina dahil narinig kong may pumasok ng pinto and nakita kong ikaw. So ayon. Ang pangit ng gising ko. Ang pangit din kasi ng nakita ko, Charot HAHAHAHA"  mahabang sabi ni Bianca na para bang walang sakit.



Napa titig naman si Chase kay Bianca, siguro hindi niya malalaman na may sakit ito kung hindi naglalagas ang buhok neto. Masyado siyang masaya sa taong may cancer. Nang makita ni Bianca ang pagtitig sa kanya ni Chase ay napasimangot siya.



"Anong tinititig-titig mo?" Kaagad namang napayuko si Chase dahil sa hiya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya.



"A-ano, nandito ako para magka c-closure tayo" ani Chase.




"HAHAHAHAHAHAHAHA. Akalain mo yon? Ang dating kilalang kilala na cold hearted businessman ay nauutal-utal na ngayon sa harap ko? Ngayon lang kita nakitang nauutal. At ngayon ko lang nakita yang mga mata mo na napaka kalma. You've changed Chase. A lot. That's why im happy for you. Ginawa ko na ang lahat, pero ayaw mo na talagang bumalik sakin. Siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Tapos na ang storya natin Chase." Nagawa pang ngumiti ni Bianca, sa kabila ng mga sinabi niya.



"I'm sorry for hurting you. Maniwala ka man o hindi. Hindi ko sinasadya na saktan ka Bianca, H-hindi ko sinasadya na mapamahal sa iba."



Napangiti si Bianca ng mapait. Nakita ni Chase ang mga mata nitong nagtutubig na. Nang makita ni Bianca si Chase na nakatingin sa kanya ay agad siyang yumuko at nagpunas ng luha.



"Don't be sorry Chase. Ginusto mo yan." Inangat muna ni Bianca ang ulo niya, at tsaka nagsalita ulit. "Kasi kung hindi mo ginusto yan. Hindi mo gagawin yan. Iiwasan mo yan Chase. Pero okay lang hehehe, Masaya nako ngayon. Masaya akong nakikita kitang nagbabago. Pero hindi ng dahil sakin. Nang dahil sa ibang babae. Maraming salamat sa mga taon na nanjan ka lagi sa tabi ko. Maraming salamat sa hindi pag iwan sakin sa mga oras na kailangan kita. Maraming salamat sa lahat Chase" hindi na napigilan ni Bianca at nagsi bagsakan na ang mga luha niya.



Lumapit naman si Chase kay Bianca para yakapin ito. Yumakap kaagad si Bianca ng napakahigpit sa dati niyang minamahal. Sa dati niyang mundo. Sa dati niyang kasiyahan. At sa dati niyang pahinga. Nang bumitaw si Bianca sa pagkakayakap ay tumingin agad siya sa mga mata ni Chase.



"This is the end of our story Chase Miller. Thank you for all. Thank you for everything. Pwede kanang umalis. Pinapalaya na kita. Maging masaya kayo"



Hindi na alam ni Chase ang sasabihin niya kaya tumalikod na siya, pero bago siya lumabas. "Magpagaling ka. Gusto pa kitang maging kaibigan. Kailangan mong mabuhay Bianca. Kailangan. Maraming salamat din sa lahat. I love you" tumigil na muna kakalakad si Chase. "As a friend"



Tuluyan ng lumabas si Chase nang masabi niya yon. Agad na sumalubong sa kanya ang magkasalubong na kilay ng mommy ni Bianca. Agad siyang tinabig neto a pinto at pumasok na.



Pagkauwi ni Chase, nakita niya agad si Alejandra kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit. Niyakap naman siya neto pabalik at tinapik tapik ang likod niya. "It's okay Chase. Magiging masaya na siya"


















---
_HATDOG_

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon