CONNECTION

6.9K 126 1
                                    

Isang linggo nang nakalilipas at nahanap na si Alejandra sa pamamagitan ng mga koneksyon nang kuya ni Alejandra. Ngunit nalaman din ng kuya ni Alejandra kung sino ang nangidnap dito. Kaya hindi niya muna iniligtas ang kapatid niya at pinabantayan nalang niya sa mga tao niya. Nagkaroon sila nang panibagong plano ni Chase. Sinabi sa kanya ni Chase na gusto magpakasal sa kanya ng ex fiance niya na walang iba kundi ang babaeng nagpa kidnap sa kapatid niya. Umamin na din kay Chase si Bianca na may kinalaman nga siya sa pagkakawala ni Alejandra ng malaman ito ni Chase ay pinigilan niyang masaktan si Bianca dahil babae pa din ito, ng sinabi niya sa kuya ni Alejandra ito ay sinabi nitong alam niya na.



"A-alam m-mo?, but wait! Bat hindi mo pinapahuli si Bianca?" Tanong ni Chase.



Tumingin muna ang kuya ni Alejandra kay Chase. "Alam kong kaya mong iligtas ang kapatid ko. Simple as that. That's my reason"



Napatulala naman ng saglit si Chase ngunit nang makabawi ay agad siyang ngumiti ng malapad. "Don't worry i will save your sister no matter what happened. Kahit pa na kapalit pa ang buhay ko o kalayaan ko" masaya pang ani Chase.




Ngumiti lang at nag thumbs up ang nakakatandang kapatid ni Alejandra, lumabas na ito sa cafe ni Alejandra. Dito sila nag mimeet kapag gusto nilang magkita. Ang namamahala muna sa cafe ni Alejandra ay ang mga magulang niya, kahit na hindi dumalaw ang magulang ni Alejandra sa cafe ay kaya naman ng mga staff doon at nagtatrabaho ng mabuti. Lahat nang staff ni Andra ay tapat at masunurin. Lahat ay loyal sa kanya. Kaya tiwalang tiwala na ang magulang ni Alejandra sa mga staff sa cafe ni Andra. Iniiwan na nila ito sa kanila. Sila na ang magbubukas at magsasara din.





Sa isip isip ni Chase. "Anong gagawin ko? Pano ko ililigtas si Andra ng hindi nalalaman ni Bianca?" Naputol lang bigla ang pag isip niya nang biglang nag ring ang phone niya. Tinignan niya kaagad ang tumatawag at nakita niyang si Bianca. Bumuntong hininga muna siya bago niya ito sagutin.





"Hmm bat ka napatawag?" Mahinahon na ani Chase. Kahit sa loob loob niya ay gusto niyang sigawan ito. "I miss you na kasi babe! Where are you ba? Punta ako kung nasaan ka! Hihihihi" maarteng sabi ni Bianca sa kabilang linya. Napahawak naman sa noo niya si Chase.




"Wag na, pauwi nako" maigsing ani Chase. Pagkatapos ng sinabi ni Chase ay pinatayan niya na agad si Bianca ng tawag. The truth is nahihirapan si Chase na pakisamahan si Bianca. Oo nga't mabait ito sa kanya, pero nang dahil nalaman niya nga na pakana nito ang pagkakawala ni Alejandra. Nahihirapan na siyang pakisamahan ito dahil nauuna ang galit niya. Buti nalang at kinakaya niya pang kontrolin ang sarili niya na hindi ito saktan. Pero ang sabi niya... "Once na nalaman ko na sinaktan niya si Andra. Hinding hindi ko siya mapapatawad."




Tumayo na ito sa pagkakaupo niya sa cafe ni Alejandra. Lumabas na ng cafe at nagdrive na papauwi.... "Im home" sigaw ni Chase pagkadating niya sa bahay niya. Nakita niya naman si Bianca na dali daling bumababa sa hagdan.




Napailing iling nalang si Chase sa pagmamadali ni Bianca. Pagkababa ni Bianca sa hagdan ay agad itong tumalon ng yakap kay Chase na hinayaan lang naman ni Chase.




"Namiss kita! Pwihihihihi" malanding ani Bianca naka sabit pa ang dalawang kamay sa leeg ni Chase. Napanguso naman si Bianca at nagsalita ulit. "Hindi mo bako namiss???" Napatingin naman si Chase kay Bianca. Tinignan niya ito ng malamig na kaya niyang ibigay.




"Alam mo ang sagot ko jan Bianca" mariin na sabi ni Chase. Bumitaw naman si Bianca sa pagkaka kapit niya sa leeg ni Chase. Kala ni Chase ay aalis na si Bianca dahil naglalakad na ito ngunit....





"Gusto mo bang mabalik si Alejandra sa pamilya niya?" Ani Bianca. Nakatalikod kay Chase. Umoo naman si Chase at nagulat siya ng humarap si Bianca nang may ngisi sa mukha niya.




"Pakakawalan ko si Alejandra. In one condition!" Tumaas naman ang mga kilay ni Chase. Pahiwatig na nagtatanong siya. "Pakasalan moko" nakangising ani Bianca. Nabigla naman si Chase. Nahalata ito ni Bianca kaya nagsalita ulit. "Ayaw mo? Kung ayaw mo edi dont! Hindi ko papakawalan si Alejandra hanggat hindi moko pinapakasalan!" Tumakbo na si Bianca papataas. Napabuntong hininga nalang si Chase.




Sa isip ni Chase. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal ko si Andra. Nanganganib ang buhay niya ngayon. Ano nang gagawin ko? Tatanggapin ko ba ang alok ni Bianca para masagip siya? Pero hindi. Mali. Maling mali ang gagawin ko. Masasaktan si Andra. Pero pano ko siya isasagip? Ayoko namang gumamit ng dahas. Para lang mailigtas siya." Napasabunot nalang si Chase sa buhok niya at pinag uuntog ang sarili sa pader.




Umakyat nalang si Chase sa kwarto niya at natulog nalang.


















---
_HATDOG_

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon