Ilang linggo na din nang nakauwi si Alejandra sa kanila, at ilang linggo na din na naka kulong si Bianca sa kwarto niya sa bahay ng mga magulang niya. Nang makauwi si Alejandra sa kanila ay agad siyang niyakap ng mommy niya at hinalik-halikan. Ang daddy niya naman ay nakatingin lang sa kanila ng mommy niya. Nang pumasok sila ng bahay ay nagulat pa si Alejandra ng makita ang kuya niya, doon na siya umiyak. Pinag hahampas niya ang kuya niya at humagulgol ng sobra sobra. Sa loob ng halos na siyam na buwan ay hindi nagparamdam ang kuya niya sa kanya. Hindi niya alam kung nasaan ito, or kung ano man ang ginagawa neto.
Bumalik na ulit ang saya ni Alejandra ngunit ayon naman ang kinabaligtaran nang buhay ni Bianca.
Araw araw umiiyak si Bianca sa kwarto kung saan siya kinulong ng mommy niya, papalabasin lang siya neto kapag nakalimutan niya na si Chase. Araw araw na tinatanong ni Bianca. Kung paano. Kung kelan. Gusto niya na din makalimot. Dahil nakikita niyang ang mahal niya ay nagiging masaya na sa iba. Pero paano siya makakalimot? Kung ayaw ng puso niya?
Thana Marie Luciano Pov (mommy ni Bianca)
"Hon?" Napatingin naman ako sa asawa ko, nakikita ko na naman sa mga mata niya ang awa niya sa kaisa isa naming anak na babae. Napaikot nalang ang mga mata ko.
"What?" Walang ganang sagot ko.
"Kailan mo palalabasin si Bia sa kwarto na yon?" Napabuntong hininga siya. Ayang tanong na naman.
"Paulit ulit ka ng tanong na yan hon. Isa lang ang isasagot ko sayo. Kapag nakalimutan niya na ang lalaking yon."
Malungkot naman ang asawa niya na yumuko. Napapalo nalang sa sariling noo si Thana. "Bisitahin nalang natin si Bia sa kwarto nang hindi ka malungkot ng sobra jan. Ang pangit mong tignan pag malungkot ka" lumiwanag naman agad ang mukha neto. Agad tumayo ito at hinalikan siya ng mabilisan. Hindi mapigilan ni Thana na ngumiti.
"Tara na nga, masyado kang masaya. Gusto mo sirain ko?" Umiling iling naman ito sa kanya.
Dumerecho na sila sa kwarto kung nasaan si Bianca. Binuksan muna ito ni Thana dahil naka lock ito.
Nung mga nakaraang araw, nagdadalawang isip pa si Thana kung ikukulong niya ba si Bianca. Naaawa din siya sa sarili niyang anak. Hindi niya man naranasan ang nararanasan nito ngayon. Lahat naman ng disgrasya na ikinamamatay ng iba ay naranasan niya na. Hindi niya na din mabilang sa kamay niya kung ilang beses nang nag delikado ang buhay niya.
Nang buksan nila ang pinto kung nasaan si Bianca ay nakita nila itong nakasilip sa bintana. "Bakit nandito kayo?" Malamig na ani Bianca. "I just miss you baby" yumakap nalang bigla ang asawa niya sa likod ni Bianca kaya't nagulat ito. "It's okay baby, just let it out. Just cry. Be a cry baby. Umiyak kalang. Hanggang sa mawala yung sakit. Hanggang sa makalimutan mo siya"
"Paano?! How dad? How?! I can't stop loving him dad. I want to stop. But my heart, hindi niya kinakaya daddy. Nasasaktan nako ng sobra. Ayoko na. Napapagod nako. Napapagod ako pero ayaw sumuko ng puso ko. Ayaw niyang makalimot" I explained.
"It takes time Bia. Wag mong madaliin dahil ikaw lang din ang masasaktan sa ginagawa mo" ani Thana.
Napayuko naman si Bianca sa sinabi ng mommy niya. Alam niyang para sa ikinabubuti niya lang ang ginagawa nito kaya kahit na gusto niyang magalit dito ay hindi niya magawa. Dahil alam niyang ang ginagawa nito ay para lang rin naman sa kanya.
"Gusto mo bang lumabas ng kwarto na to?" Ani ko.
Tumango tango naman ang anak ko kaya agad kong hinawi ang asawa ko na nakatayo sa pintuan. "Papalabasin kita ng kwarto dahil lalo kalang madedepress kung iiyak at magkukulong kalang don. Kaya ipapaluto kita kay Nay Ami. Ilang araw kana din kasing walang maayos na kain"
Nawala ang ngiti ni Bianca. Kala niya ay pinapalaya na siya neto. Yun pala ay papakainin lang siya sa labas ng kwarto na yon. Nakita naman agad ito ni Thana kaya...
"Hmmm? Akala mo ba pinapalaya na kita sa kwarto na yun? HAHAHAHAHAHAHA. Well, your wrong. Papakainin lang kita, gusto kita makitang kumain. Dahil hindi ka kumakain doon sa kwarto na yon pag iniiwan lang sayo ang mga pagkain. Nasasayang tss" mahabang ani ko.
Nang napaluto ko na kay Nay Ami ang mga pagkain na ipapakain ko sa lukaret kong anak ay agad kong ipinahanda to sa iba pang katulong. Pagka-baba ng lahat na ipinaluto ko.
"Hon?" Nilingon ko ang katabi kong asawa. "Bakit ang dami?" Tanong nito.
"Hmmm? Ewan? Napasobra ata ang luto ni Nay Ami" ani ko.
Ngumiti naman ito ng nakakaloko sakin. Kaya napataas naman ang kilay ko. "Anong nginingiti-ngiti mo jan?" Mataray na ani ko.
"Wala" nakangiti pa ding ani neto.
Si Bianca ay nakatunganga lang sa pagkain. Naglalaway siya sa mga ito. Halos lahat ng pagkain ay maaasim. At lahat yon ay gusto niya. Ngunit hinihintay niya pa na magsalita ang mga magulang niya na kumain na siya.
Tinuon naman ulit ni Thana ang paningin niya sa anak niya. "Ano pang ginagawa mo? Lumamon kana"
Agad namang kumain ito na parang hindi kumain ng isang linggo.
Sa isip isip ni Thana. "It's okay Bia. Makaka move on ka din anak. Kaya mo yan. Nandito lang ako lagi. Hindi na kita iiwan. Hindi ka namin iiwan. Tutulungan ka namin maka move on anak"
Itutuloy...
---
_HATDOG_
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...