KIDNAP PART 2!!!

7.1K 134 1
                                    

Alexandra Velazquez Pov (mommy ni Alejandra)






"Hon? Natawagan mo naba si Jandra?" Nag aalalang ani ko. Umiling naman ang asawa ko kaya lalo lang nadagdagan ang pag aalala ko.

"But Alejandra told you that she's just going to mall right?" Tanong ng asawa niya sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.

"Then, let's find Alej. Pumunta tayo sa mall na pinupuntahan niya lagi."

Papaalis na sana ang mag asawa nang biglang sumulpot si Chase. "Where's Alejandra po?" Magalang na tanong ni Chase. "Hindi pa siya nakakauwi, gabing gabi na. Kinocontact din namin siya pero nakapatay ang phone. Kaya eto at aalis kami ng bahay para puntahan ang pinupuntahan lagi ni Jandra na mall" pagpapaliwanag ko.

"Can i come?" Tanong ni Chase. Nakita niya namang umiling ang asawa niya, kaya tinignan niya ito na may mga nagtatanong na mata.

"Stay here Miller. Bantayan mo ang apo ko-ang anak mo. Kami nang bahalang maghanap kay Alejandra, babalik din kami agad" desisyon ng asawa niya.

Kahit nag aalinlangan si Chase ay tumango pa din ito bilang respeto na din.

Umalis na kami at nang asawa ko, kahit na madaling madali ang asawa ko na pumunta sa mall na gustong gusto puntahan ni Jandra ay pinapabagal ko pa din ang pagmamaneho niya dahil masyado ng gabi at baka may masagasaan pa siya.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad agad na pinark ng asawa ko ang sinasakyan namin, pumasok kami sa mall at sinimulan ng maghanap. Pumunta kami sa boutique na gustong gusto ng anak kong si Jandra at sabi sakin don ng isang sales lady ay may galing daw na babae don na nakakulay itim. Agad kaming nabuhayan ng loob ng asawa ko dahil alam naming nagpunta ang anak namin doon. Naghanap pa kami sa ibat-ibang boutique at kung saan saan pa pero wala kaming nakitang Alejandra, miski anino ng anak namin ay hindi namin nakita.

Papauwi na kami, at nagsisimula nakong umiyak sa sasakayan. "Hon nasaan si Jandra?" Umiiyak na ani ko. Alalang alala.

Nakarating kami sa bahay at ang sumalubong samin ay ang nag aalalang mata ni Chase. "Bat gising kapa?" Tanong ng asawa ko. Tumingin ito sa gilid at likod namin bago ito nagsalita. "Where's Andra po?" Tanong ni Chase. Nagkatinginan naman ang mag asawa sa tanong ni Chase, hindi niya kayang sabihin kaya ang asawa niya na ang nagsalita.

"Hindi namin siya nakita. Actually pumunta kami sa boutique na lagi niyang pinupuntahan, sinabi samin ng isang sales lady na may pumuntang babae don at binigyan pa daw siya ng dress. Kaya nalaman namin na si Alejandra nga iyon. Kaya hinanap namin siya sa buong mall, pero miski anino ni Alej ay hindi namin nakita" mahabang paliwanag ng asawa niya.

Nakakunot naman ang noo ni Chase at hindi maipinta ang mukha. "Ahm ma'am, sir can i leave my daughter to this house? I'm going some where." Madiin na ani Chase. Nagkibit balikat lang ang mag asawa at tuluyan ng umalis si Chase.

Ngayon lang nangyari sa anak nilang babae ito. Kaya nagtataka sila, paano nangyayari ito ngayon. Hindi pa ito nalalaman ng kuya niya, at wala ding balak ipaalam ng mga magulang niya na hindi pa umuuwi si Alejandra dahil hindi matutulog to hanggat hindi nauuwi si Alejandra sa bahay.

Kahit na kinukutuban ang mommy ni Alejandra na may hindi magandang mangyayari ay binalewala niya ito at nagdasal na lamang, dahil ayon nalang ang makakapitan niya. Ayon nalang ang kaya niyang gawin.







Chase Miller Pov






Pagkasabing pagkasabi sakin ng daddy ni Alejandra na hindi nila ito nahanap ay may agad na pumasok sa utak ko.

Where are you Andra? Im worried. Hindi kaya?

Pumunta ako sa bahay ko na halos isang buwan ko nang hindi uwian, i just want to see Bianca. Alam kong may pagka maldita siya pero sinisiguro ko lang na wala siyang kinalaman sa pagkakawala ni Andra.

Pagkapasok na pagkapasok ni Chase sa loob ng bahay niya ay bumungad sa kanya ay ang isa sa mga kasambahay niya na nag mamop sa sahig. Kumunot naman ang noo niya at nagsalita. "Gabing gabi na. Bat kapa nag mamop?" Malamig na ani Chase. Napalunok naman ang kasambahay kaya nagsalita ulit siya. "Itigil mo na yan" itinigil na ng kasambahay ito at agad agad na naglakad papaalis. Napabuntong hininga nalang si Chase.

Pumunta ng kusina si Chase at nakita niya don ang matandang kasambahay niya na tinuturing niya ng pangalawang ina. "Where's Bianca po ma?" Tanong ko. "Abay kakakita ko lang sa kanya na kakaakyat lang nang hagdan. Natunog pa nga ang napakataas niyang takong" ani ng kasambahay na may edad na.

Tumango naman si Chase at tumakbo na papaakyat ng hagdan. Nang pumunta siya sa kwarto ni Bianca ay hindi niya ito nakita kaya naisipan niyang pumunta ng kwarto niya. Doon ay nakita niya ito.

"Oh, hi babe! You're finally home! Hihihihi" yayakapin na sana ni Bianca si Chase ng umatras si Chase.... Agad na sumama ang mukha ni Bianca at naging seryoso ito. "Why are you here ba? Ay! Nakalimutan ko! Bahay mo nga pala to HAHAHAHAHAHAHA. Should i leave? Hmmm of course no! Ikaw lang ang pumayag na mag hiwalay tayo pero hindi ako pumayag Chase babe." Sarkastikong ani Bianca.

Huminga nang malalim si Miller at tsaka nagsalita. "May kinalaman kaba sa pagka wala ng nanay ng anak ko?" Mahinahon at makalma na ani Chase. Umiling iling si Bianca habang nakangiti.

"Sino ba yon? Hindi ko nga kilala kung sino yung sinasabi mong nanay ng anak mo. I know that you have a daughter, pero di ko alam kung sino nanay non. Abay malay ko ba. Pake ko sa kanya? LIKE DUH?" Mahabang sabi Bianca. Nakangiti pa.

Kahit na sinabi na sa kanya ni Bianca na wala itong alam ay hindi pa di siya naniniwala. Alam niya, dama niya na may kinalaman ito. Ngumiti nalang siya para maramdaman nito na naniniwala na siya. Nginitian naman siya nito pabalik. Niyakap siya nito ng mahigpit, hinayaan niya ito na yumakap sa kanya pero hindi niya ito niyakap pabalik.

Sa isip isip ni Chase "I will find you Andra. Just wait for me"















---
_HATDOG_

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon