Simula nung sinabi ni Chase kay Bianca na may anak na siya ay hindi na siya umuwi pa sa sarili niyang bahay. Alam niya kasi na magkikita sila ni Bianca. At ang kinakatakot niya ay baka matuklasan ni Bianca na si Alejandra ang nabuntis niya. Ang nakita niya na pumunta sa opisina niya noon, alam niya na ang ugali neto. Kaya nagbabantay siya, ang ginawa niya ay nagcheck in siya doon sa mismong bldg ng condo ni Alejandra. Sa baba lang siya ng floor neto. Ayaw niya kasi na makita siya ni Alejandra kaya't nagbabantay nalang siya ng walang nakakapansin.
Nagising na si Alejandra. Tinali niya lang ang may kahabaan niya na buhok, nagsuot na siya ng apron at nagluto na. Nang matapos siyang magluto ay nilagay niya muna ito sa pinggan at tinakpan. Naglakad na siya papunta sa kwarto niya kung saan naroroon ang pinakamamahal niyang anak.
Naabutan ni Alejandra na naglilikot na ang anak niya sa crib.
"Hmm, kamusta ang tulog ng baby Crimsyn na yan" hinalikan niya ito sa tuktok ng ulo nito habang buhat buhat papalabas ng kwarto niya.
Kasalukuyan na kumakain si Alejandra, while her baby Crimsyn was sitting on her lap.
After eating, nakipagkita muna siya sa mommy niya at binilin ang anak niya. And then, Alejandra went to the mall to buy groceries ... Alejandra's day would have been normal and peaceful when ...
"May sumusunod ba sakin?" Tanong ni Alejandra sa sarili niya.
Nang lumingon-lingon siya sa paligid ay wala naman siyang nakita. But she feels that someone is following her.
Sa utak ni Alejandra ay kinakausap niya ang sarili niya. "Why do I really feel like someone is staring and following me? But when I look around, I don't see anything. Am I paranoid?" Nagkibit balikat nalang siya at hindi nalang pinansin pa ang nararamdaman niya.
Inuwi niya muna ang mga pinamili niya at nakipag kita ulit sa mommy niya.
"Mommy, gusto mo po pumasyal tayong tatlo ni baby? Para naman magkaron tayo ng bonding mag ina and makapag bonding din kayo ng apo mo HAHA. So? Payag ka mommy?" Nakangiti pang ani Alejandra.
"Oo naman Jandra iha! Why not?! Ngayon mo nga lang ipapasyal ang anak mo! Kaya bat naman hindi ako papayag! Hihihihi" masayang ani ng mommy ni Alejandra.
Excited na excited si Alejandra habang nagdadrive ang mommy niya papunta sa isang parke. Napaka lapad ng ngiti ni Alejandra, at mahahalata mo na masaya ito.
"Jandra kelan mo sasabihin sa daddy mo ang tungkol kay baby?" Biglang tanong ng mommy ni Alejandra.
Nawala ang ngiti ni Alejandra. At napalitan ng kaba ang nakikita sa mukha niya... Nakita naman ng mommy niya ito, kaya nagsalita ulit ito.
"Why are you nervous Jandra? That's your daddy. Yes let’s say he gets angry, but I know he’ll understand you Jandra. Don't be nervous. I'm your shield! Hihihihi. Hindi kita papabayaan anak."
Napangiti naman si Alejandra at nagsalita... "Sasabihin ko din po kay daddy my. Pero hindi ko po alam kung kailan. Maybe next month"
Tahimik na bumyahe sila Alejandra hanggang sa makarating sila sa isang parke na puro bata ang makikita mo.
"Mag eenjoy tayo dito Jandra! Pwihihihihi, lalo na ang maganda kong apo!"
Napailing iling nalang si Alejandra. Gustong gusto talaga ni mommy si baby Crimsyn. Sana si daddy din.
Iniisip ni Alejandra ang magiging reaksyon ng daddy niya pag sinabi niyang may anak na siya... Naputol naman ito nang..."Jandra anak! Pabuhat na muna kay baby Elide! Akin na muna siya! Hihihihi" tumango naman si Alejandra sa mommy niya at binigay ang anak niya.
Alejandra is happy. Because her mom is enjoying playing with her baby.
Habang nakaupo si Alejandra sa isang batong upuan, ay may naramdaman na naman siya na nakatingin sa kanya. Kaya agad siyang lumingon lingon sa paligid. Kumunot ang noo ni Alejandra ng wala naman siyang makita na nakatingin sa kanya.
Sa isip ni Alejandra. "Am i paranoid? Kanina ko pa nararamdaman na may nakatitig sakin. Bakit ganon? Kanina pa ito ng nag grocery ako. Bakit hindi ko mahuli ang nakatingin sakin? Tangina nakakakaba."
Mabilis ang kabog ng dibdib ni Alejandra. Kinakabahan na siya ng sobra. Hindi niya alam kung bakit. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa nakatingin sa kanya na hindi niya makita. Dulot ng sobrang kaba ni Alejandra ay lumapit siya sa mommy niya....
"Mommy! Umuwi na muna po tayo!" Natatarantang ani ni Alejandra.
"Ha? Uwi agad?! Eh wala pa tayong isang oras dito Jandra!" Sigaw ng mommy ni Alejandra.
"Basta mommy kailangan na po natin umuwi ngayon. Ipapaliwanag ko po sa inyo mamaya pagka uwi natin sa condo ko" nag alala naman ang mommy ni Alejandra sa kinikilos ng kanyang anak. Kaya pumayag nalang siya na umuwi na sila.
Pagka uwi nila sa condo ni Alejandra...
"Jandra anak ano bang problema? Your so nervous iha! Anong meron? May nangyari ba sayo?" Nag aalalang ani ng mommy ni Alejandra.
"M-mommy kanina po k-kasi na nag gogrocery ako sa mall. N-nararamdaman ko po na may nagmamasid sakin. Binalewala ko lang po yon dahil po baka may nagagandahan lang sakin." Napa ubo naman ang mommy ni Alejandra. Sumimangot naman si Alejandra na tinawanan lang ng mommy niya. Sumenyas na ang mommy niya na ituloy ang sinasabi niya, kaya naman itinuloy niya na ito. "Tas ayon nga po mommy. Nawala naman po yung nararamdaman ko na may nakatitig sakin nung kasama ko kayo kanina. Pero nung nasa parke tayo mommy. N-naramdaman k-ko p-po u-ulit m-mommy! Im scared mommy! Baka po may mangyaring masama sa inyo ni baby kaya po nag aya agad akong umuwi" niyakap siya ng mommy niya dahil nakita ng mommy niya ang nginig ng mga kamay niya. Halatang takot ito at hindi alam ang gagawin...
"Im here Jandra. Tutulungan kita. But Jandra. You need to tell this to your daddy. Tomorrow—tomorrow you will tell to your dad that you have a baby okay?! He will protect you and your baby Jandra. Kaylangan mong sabihin na sa daddy mo anak. Pakiusap" kahit na kinakabahan si Alejandra ay tumango pa din ito.
Dala ng sobrang pag aalala ng mommy ni Alejandra ay hindi na muna siya umuwi ng bahay nila. Tumawag nalang siya sa asawa at sinabing sa condo siya ni Alejandra matutulog... At sinabi niya din sa asawa niya na sabay silang pupunta ni Alejandra sa bahay nila at may sasabihin na importante.
---
_HATDOG_
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...