KIDNAP

8K 141 1
                                    

Lumipas nang isang buwan at wala naman ng naramdaman si Alejandra at ang mga magulang nito na may sumusunod pa sa kanya kaya hinayaan na nila itong lumabas labas mag isa.


Alejandra is on her way to the mall, she will buy a new bags and clothes because her style is so losyang na daw. Naglalakad ito ng napaka bongga na mahahalata na mayaman ito, pinagtitinginan siya ng mga tao kaya naman nginingitian niya ito isa isa. Masaya ang araw niya dahil wala na siyang nararamdaman pa na may sumusunod sa kanya.


Pagkapasok niya sa isang boutique ay umunat muna siya at tsaka nagtungo sa mga lady's shirt at kung ano ano pa. Pinapaslide niya lang ang kamay niya sa mga sunod sunod na croptop na nakikita niya, ngunit bigla siyang huminto...



"Hanggang kung saan ko nahawakan kanina at kung saan ako huminto, i will take them" nakangiti pang ani Alejandra sa isang sales lady.


Nagugulat namang lumaki ang mga mata ng sales lady at nataranta sa sinabi ni Alejandra. Umalis siya at nagtawag ng kasama para makuha lahat ng hinawakan ni Alejandra na mga tops.


Pumunta naman si Alejandra sa mga dress. "Hmmm, miss" pagtawag ni Alejandra sa sales lady. "Yes po ma'am?" Magalang na sagot nito. "Ahm, can you choose? Which one is better? This or this one?" Tinataas taas pa ni Alejandra ang dalawang dress na hawak niya. "Maganda ka naman po maam, maganda din po ang katawan niyo. Kaya po babagay sa inyo pareho yan, pero mas bagay po sa inyo yung black" hinampas naman ni Alejandra ang sales lady na kinagulat neto. "B-bakit p-po?" Utal na ani sales lady. "Eh hihihihi, nothing im just happy with your compliment hihi" sinuklian lang siya ng ngiti ng sales lady kaya naman may naisip si Alejandra. "Bibilhin ko pareho" nang makapunta na si Alejandra sa cashier ay binigay niya agad ang credit card niya. Nang nabalot na lahat ang pinamili niya ay umupo muna siya sa upuan na malapit at may hinanap...


"Where is it? Hmmm, found you!" Tinaas ni Alejandra ang isang bag na may laman na kulay pula na dress. Inabot niya ito sa sales lady kanina. Napatitig naman sa kanya ang sales lady. "P-po? A-ano p-po i-ito m-ma'am?" Utal utal na ani sales lady. Nahihiya. "This is my gift for you! Because your so kind! Hihi" ngumiti naman ng malapad ang sales lady at tinanggap na ito. Bago lumabas si Alejandra ng boutique ay narinig niya pa na sumigaw ang sales lady  "Thank you ma'am!!!" Kumaway nalang siya dito habang nakatalikod siya.


Nang makarating siya sa kotse niya ay nilagay niya agad ang mga pinamili niya sa likod ng kotse dahil sobrang dami neto. Isasara niya na sana ang likod ng kotse nang...


Pagkagising ni Alejandra ay bumungad sa kanya ang dalawang lalaki na may mga dalang patalim. "S-sino k-kayo? Bat niyo ko dinala dito?!" Sigaw pa ni Alejandra. Sinampal siya ng isang lalaki. "Masyadong malakas ang boses mo miss. Isa pang sigaw hindi lang yan ang aabutin mo" sigang ani ng lalaki. Napatahimik naman si Alejandra at napalinga linga sa lugar. Hindi niya masyado makita kung nasaan siya. Pero nasisiguro niya na nasa isa siyang abandonadong bodega, dahil masyadong mabaho. Masyadong madilim. Alejandra wants to shout, but she's scared. Natatakot siya sa maaaring gawin sa kanya ng mga lalaki.


"Sino ba ang boss niyo? Bakit niyo ko kinuha?" Mahinahon na ani Alejandra. "Tch, nakakausap ka pala ng maayos eh! Hmmm, basta ang sinabi lang samin ay may inagaw ka sa kanya na sobrang importante" napaisip naman si Alejandra sa sinabi ng lalaki... "Wala naman akong nakaawa—" napahinto ng pag iisip si Alejandra ng pumasok bigla ang fiance ni Chase sa utak niya.


May pinainom sa kanya ang isang lalaki na hindi niya alam kung ano iyon... Ngunit bigla siyang nawalan ng malay. Nagising lang si Alejandra nang may sumampal sa kanya.


"Hi bitch! How are you?" Nagugulat namang napatitig si Alejandra dito.


"B-bianca?" Utal na ani Alejandra. "Oh, you remember me? Oh yeah of course you remember me! You know that i am the fiance of the Miller Company. But what did you do? You flirt him! You whore!" Sinampal ulit ni Bianca si Alejandra sa gigil. "B-bakit mo ginagawa to?" Tanong ni Alejandra. "Ow bitch come on! Dahil inagaw mo ang kaisa isang umiintindi sakin! Ang kaisa isang hindi nang iwan sakin! But now... He will leave me! Because of you! And your fvking baby!" Nanggigigil na sigaw ni Bianca. "P-pwede k-ko n-naman s-siyang i-ibalik s-sayo." Nagmamakaawang ani Alejandra. "Basta't wag lang ang anak ko." Malamig na ani Alejandra.


"Oh! Really??? Ibabalik mo si Chase sakin? Hihihi" masayang ani Bianca. Tumango tango agad si Alejandra dito. "Oh? Bitch, im not bobo. Alam ko na ang ikot ng kokote ng katulad mo. Ano kaba! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, kung lolokohin moko galingan mo naman!" Sigaw pa sa kanya ni Bianca.


"Please paalisin mo nalang ako, hindi kita isusumbong sa pulis. Hindi ako magsasabi sa pamilya ko. Pauwiin mo lang ako" nagmamakaawang ani Alejandra.


"Hmmm, no! I will not allowed you! Kung nanjaan ka ay hindi ako papansinin ni Chase! Kaya dito ka muna! Hindi ka pwedeng umalis dito hanggat hindi ako kinakasal kay Chase!" Tumalikod na si Bianca at halatang aalis na. Bago siya lumabas ng pinto ay... "Itali niyo yan maigi. Siguraduhin niyong hindi makakatakas. Magbigay kayo ng pagkain sa kanya pero wag na wag niyong tatanggalin ang tali niya" malamig na ani Bianca at umalis na...


Si Alejandra ay kinakabahan kaya nanalangin nalang siya sa isip niya. "Jusko po, gabayan niyo po ako. Tulungan niyo po ako na makaalis sa pagsubok na to"

















---
_HATDOG_

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon