Chapter 24

6.9K 115 0
                                    

Jacob Lee Luciano Pov (daddy ni Bianca)









Ilang araw na din ang nakalipas ng pinalabas ni Thana ang prinsesa namin sa kwarto na yun. Hindi niya na ulit ito pinalabas at nag papadala nalang ulit nang mga kailangan ng anak namin. Ang laging bumibisita sa kanya doon ay ang isa naming anak. Si Jake. Ang kuya niya. Gustuhin ko man na lagi ko siyang bisitahin sa kwarto na yon, ay lagi naman akong may ginagawa. Lagi akong may kaylangan puntahan. Kaya minsan ko lang ito nadadalaw. At ang minsan na iyon ay saglit lamang. Gusto ko mang tumagal ay hindi pwede.




Natigil ang pag iisip ko nang... "Hon?" Napalingon ako sa maganda kong asawa. Oo maganda. Lagi naman siyang ganon. Kahit 40s na kami ay hindi pa din halata na matanda na siya. Napaka ganda niya. Mukha lang siyang kapatid nang mga anak namin sa sobrang bata ng mukha niya.




"Hon?!"




"Ay kiki mo malaki" nagugulat na ani ko.




"Wtf?! Anong kiki mo malaki! Tarantado ka talaga! Kung ano ano pinag iisip mo! Ang tanda tanda mo na Lee pero yung utak mo pambata pa din. Tss tss tss" ani ni Thana.




Napatakip nalang ako sa tenga ko. "Awit naman to. Ang tanda tanda na ang daldal daldal pa din."  Ani ko sa isip ko. Hindi ko kayang sabihin sa harap niya yan. Nako, Takot ko lang sa baril niya.




"Ano bang mga pinag iisip mo? Kung ano ano na naman siguro pumapasok jan sa kokote mo at bigla kang tumatahimik" ani ng madaldal kong asawa.




Hehe. Sssh lang kayo. Bawal malaman ng asawa ko na sinasabihan ko siya ng madaldal.




"Hon mag easy ka nga, wag mong istressin sarili mo. Sige ka tatanda ka niyan!"




Napahilot nalang si Thana sa noo niya. Hindi niya alam kung bakit siya nag-asawa ng sobrang kulit. Pero isa lang ang alam niya bakit niya pinakasalan to. Dahil mahal niya to. At kahit ano pang maging ugali ng asawa niya ay tatanggapin niya.




"Tara na umalis na tayo. May trabaho pa tayong kaylangang gawin" ani Thana.




Tumango ako. "Daanan muna natin ang kwarto ni Bia, gusto ko siya masilip man lang bago tayo umalis"
Nagkibit balikat lang ito sakin. Kaya naglakad na kami papataas para masilip na ito at ng makaalis na kami nang bahay.




Nang silipin nila Jacobe at Thana ang anak nilang Bianca ay nakita nila itong natutulog at pawis na pawis, hindi ito mapakali. Sobrang likot ng kanyang ulo at galaw ng galaw. Nag-alala ang mag asawa kaya naman lumapit agad sila kay Bianca. Tinapik tapik ni Jacobe ang pisngi ni Bianca para magising ito sa pagtulog niya. Nang magising ito ay sumalubong agad sa kanila ang pagpatak ng luha ni Bianca.




"Bakit anak? May nangyari ba? Anong napanaginipan mo?" Umiyak pa lalo si Bianca kaya naman niyakap ito ni Jacobe. "Hush baby. It's okay, im here. We're here. Hindi ka namin pababayaan" nang tumigil na si Bianca sa pag-iyak ay tsaka lumapit si Thana.




"Ano bang nangyari sa panaginip mo?" Napatingin naman si Bianca kay Thana. Nangilid na naman ang mga luha neto. Kaya naman. "Don't cry Bia. Just tell me, ano bang napanaginipan mo?" Umayos muna to ng upo at tsaka nagsalita...




"Kaya siguro ako umiiyak kanina pagka gising ko, kasi yung panaginip ko. Y-yung p-panaginip k-ko."




"Anong panaginip mo Bia?" Ani ng asawa ko.




"I-iniwan n-niyo k-ko" agad na yumakap si Thana sa anak niya. Naaawa siya dito. Siguro ay natrauma na ito ng dahil sa pag iwan nila dati sa kanya.




Sa isip ni Jacobe. "I'm sorry baby. We're sorry. Hindi namin alam kung pano kami babawi sayo. But i'll make sure na hindi kana mahihiwalay samin"




Nang mapakalma na si Bianca ay niyaya nila itong lumabas, nang mahiwagaan naman ang pakiramdam neto. Agad agad naman itong pumayag sa pagyaya sa kanya ng magulang niya. Pinagbihis  nila ito ng ayon sa kanilang pupuntahang lugar, tahimik silang bumyahe kung saan man patungo. Si Bianca ay tahimik lang na nagmamasid sa back seat. Ngunit kahit tahimik ito, ay ang utak naman neto ay sobrang ingay. Sa kabila ng katahimikan niya sa labas na anyo ganon naman kaingay ang kanyang loob na anyo. Ngayon na pumayag ang magulang niya na ilabas siya. Nasa isip niya na ang pag takas.




Pagka-dating nila sa amusement park ay nagsaya sila. Nag ngingitian ng magaganda sa isat-isa, nagtatawanan nang sabay sabay. Ngunit biglang nagpaalam si Bianca.




"Mommy saan po ba yung cr dito?" Nakangiting ani Bianca. Tiwala na ang magulang niya na hindi siya tatakas kaya naman itinuro ito ni Thana.




Nang makapasok ng cr si Bianca, naghilamos ito at nagpunas nang mukha. Nagtali din ito nang buhok. Sumilip muna siya sa labas ng cr kung nakatingin ba ang magulang niya sa cr. Nang makita niya na hindi ay agad siyang lumabas.




"Bakit ang tagal naman ni Bia sa restroom?" Ani ko.




"Wait, silipin ko hon" ani Thana.




Nang silipin ni Thana ang restroom ay wala siyang nakitang Bianca. Kaya agad agad siyang lumapit sa asawa niya at sinabing nawawala ang anak nila. Hinagilap nila si Bianca sa buong lugar kung nasaan sila. Ngunit wala na talaga ito doon. Walang nagawa ang mag-asawa kundi umuwi nalang.




"I'm worried" nag aalalang sabi ko.




"Hmmm? Don't be so worried. Hindi magpapakamatay ang anak natin. Hindi ko man alam ang takbo ng utak ni Bia, alam ko naman na hindi niya sasayangin ang buhay niya para sa lalaki"




Napahinga nalang ng malalim ang mag asawa.




Pumunta sa harap ng bahay nina Alejandra si Bianca. "Hindi pwedeng hindi kita mababawi. Sa akin ka Chase. Sa akin. Kung hindi ka man mapupunta sakin. Walang dapat na makinabang sayo. Hihintayin kitang magmakaawa na bumalik sakin. Babalik ka sakin ng kusa" 


















---
_HATDOG_

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon