Dumaan ang ilang araw at napag isipan ni Chase ang sinabi sa kanya ni Bianca. Kinwento niya ito sa nakatatandang kapatid ni Andra. Hindi sumang ayon ito at nagalit pa, pero desisyon niya ito. Kailangan niya nang maiuwi agad si Alejandra dahil ilang linggo na itong wala. Kapag may nangyaring masama kay Andra ay sisisihin niya ang sarili niya.
Katapat niya ngayon si Bianca at sasabihin niya na dito na pumapayag na siya. "Oh? What are we doing here ba? I want to sleep na. Im sleepy babe, kaya pwede bang bukas na yang mga sasabihin mo dahil wala akong sa mood ngay—" pinutol ni Chase ang sinabi ni Bianca.
"Pumapayag nako" maikling ani nito.
Nagugulat na napatingin si Bianca sa kanya. Pero agad namang napalitan yon nang ngisi. "Hmmm, so narealize mo din na mas maganda ako maging asawa kesa sa kanya? Hihihi" hindi naman sumagot si Chase at tumingin lang kay Bianca ng blanko ang ekspresyon.
"Tss, kfine! Wag mo nang sagutin hindi din naman importante dahil mapapasakin kana pwihihihihi" ngiting ngiting umakyat papataas si Bianca.
Bianca's Pov
Kahit alam ko na napipilitan siyang magpakasal sakin ay masaya pa din ako. But deep inside me. It really hurts. Ang sakit. Sobra. Dahil papakasalan niya ko hindi dahil mahal niya ko. Papakasalan niya ko para iligtas ang taong mahal niya.
"Hay nako self iniistress mo lang ang sarili mo. Alam mo ang buti pa mag saya ka nalang! HAHAHAHAHAHA"
Naligo at nagbihis si Bianca. Pupuntahan niya si Alejandra para naman malaman nito na ikakasal na siya kay Chase.
Pagka dating niya dito.
"Oh hi girl! Omg! Your so thin!" Kahit na kinuha niya si Alejandra, ay nag aalala pa din siya dito. Hindi ko naman ginusto to. I have no choice. "Hoy! You little shits! Bakit ang payat ng gagang yan! Anong ginagawa niyo?!!! Wag niyo sabihing tinitipid niyo siya?!" Galit na sigaw ni Bianca.
Samantalang si Alejandra ay nakatingin sa kanya. Nakikita ni Alejandra ang kabutihan ng puso nito. Alam niyang ginagawa lang niya to dahil mahal na mahal niya si Chase. Alejandra smile.
Napatingin naman sa gawi niya si Bianca at nakitang nakangiti siya. Umiwas ng tingin si Bianca dahil naguguilty siya.
"Hay nako kayo! Magsi alis na muna kayo dito, ibili niyo kami sa mcdo, jollibee, kfc nang mga pagkain!" Pagkatapos sabihin ni Bianca yon ay binigay niya na ang credit card niya.
Umalis na ang mga ito kaya dalawa nalang sila ni Alejandra.
Nababalot ng tahimik ang buong paligid ng magsalita si Alejandra. "Kamusta kana? Kamusta na kayo?" Tanong pa nito.
"We're getting married!!!!! Omg! Ang happy diba? Pwihihihihi. Kaya nga papakainin kita eh. Hindi pwedeng pag sinoli kita sa mga magulang mo eh mapayat ka, dapat ganon pa din katawan mo! Pwihihihi. Kinuha kita ng nasa mabuting kalagayan kaya iuuwi kita ng nasa mabuting kalagayan" nakangiting ani Bianca.
Ngumiti naman pabalik si Alejandra. Nabalot uli ng katahimikan ngunit si Bianca naman ang nagsalita....
"Papakawalan ko yang kamay mo mamaya, para makakain ka ng maayos" mahinang sabi ni Bianca.
Nang ngumiti na naman si Alejandra ay nag iwas na siya ng tingin. Ngumuso nalang siya sa ibang direksyon.
Sa isip isip ni Bianca. "Bakit kasi ang bait bait ng babaeng to? Saksakin ko kaya to? Ay wag na pala. Sayang buhay. Baka mamaya imbis na mapunta ko sa langit sa pamamagitan ng kama baka mapunta pako sa impyerno. Sayang ang beauty ko"
Tahimik lang si Alejandra at Bianca hanggang sa makarating ang mga pagkain na binili ng inutusan ni Bianca.
"Bumili din ba kayo ng mga gusto niyo?" Tanong ni Bianca. Nagsi tanguan naman ang inutusan niya kaya inutusan niya na ito na ilatag ang lamesa para makakain na sila ng sabay sabay.
Nang mailapag na ang lahat ng pagkain ay pinakawalan na ni Bianca ang kamay ni Alejandra. Nagugulat pang napatingin ang mga alipores ni Bianca sa kanya, tinaasan niya lang ito ng kilay kaya nagpatuloy na ulit sa pagkain.
"Ayan malaya na kamay mo, kumain kana hihi. Pakabusog ka para pag inuwi kita sa inyo, mataba ikaw. Baka sabihin ng mommy mo ginugutom ka ng kumidnap sayo! Hindi naman ako ganon pwihihi"
Ngumiti lang si Alejandra. Tinignan niya muna ang mga kamay niya. Pumasok bigla sa utak ni Alejandra ang pagtakas, tumingin muna siya sa paligid niya. Ang huli niyang tinignan ay ang ngiting ngiti na si Bianca. Napangiti sa isip si Alejandra. "I know that your not evil." Nagkibit balikat nalang si Alejandra at nagsimula ng kumain.
Hindi niya na naisipan pang tumakas dahil alam niyang kahit kinidnap siya ni Bianca ay walang gagawin itong masama sa kanya.
Nang matapos ang pagpapakain ni Bianca ay tinali niya na ulit ang kamay ni Alejandra ngunit hindi ganon kahigpit para hindi mag sugat ito. Tinignan ni Bianca si Alejandra at nagsalita. "Bakit hindi ka tumakas? Nakalaya na yung kamay mo kanina diba? Why?" Nagtatakang tanong pa nito.
Ngumiti muna si Alejandra. "I know na papauwiin moko ng ligtas samin. Alam kong mabuti kang tao" namula naman ang pisngi ni Bianca kaya nag-iwas agad ito ng tingin.
Tumalikod na si Bianca at naglakad na papaalis. Kahit na nakatalikod siya ay nararamdaman niya ang titig sa kanya ni Alejandra. Bumuntong hininga nalang siya at lumabas na.
Pagka uwi niya ay agad siyang nag half bath at nagpahinga nalang. Nang makatulog na si Bianca ay sumilip si Chase sa kwarto neto. "Sorry" mahinang ani ng natutulog na si Bianca. Napangiti naman si Chase at umalis na.
---
_HATDOG_
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...