Isang linggo na ang nakakalipas at ang mga araw na yon ay araw araw dumadalaw si Bianca kay Alejandra, kinekwento niya dito ang pag aayos nila ni Chase nang kasal. Kahit na nasasaktan si Alejandra sa kinekwento ni Bianca ay binibigyan niya pa din ito ng tunay niya na ngiti. Masaya si Alejandra na malapit na siyang makauwi, ngunit alam niya na pag-uwi niya ay may kulang na.
"Babe? Gusto ko sana beach wedding! Pwihihihi, pwede naman yun diba? Hihi" ani Bianca. Ngumiti lang ng tipid si Chase at tumango. "Ikaw bahala kung saan mo gusto" masaya namang tumango tango si Bianca, nakikita ni Chase ang saya sa mga mata ni Bianca. Ngunit ganon naman ang kabaliktaran ng kanyang mga mata.
Nag aayos na ng kasal sila Bianca at Chase. Ang ginagawa lang ni Chase ay tumango at ngumiti, oo lang siya ng oo sa mga gusto ni Bianca. Nararamdaman ni Bianca na napipilitan lang talaga sa kanya ito magpakasal, nasasaktan siya. Pero sa tuwing naiisip niya na nakagawa na siya ng kamalditahan. Nanghihinayang siya kung aatras pa siya. Kaya papanindigan niya na ito, kahit masaktan pa siya.
"Hmm, babe?" Lumingon si Chase at biglang... Chup. Natulak ni Chase si Bianca dahil sa ginawa nito. Bumagsak naman si Bianca sa sahig dahilan para mangilid ang mga luha niya. "S-sorry" utal na ani Chase. Nilapitan niya si Bianca at inalalayang tumayo. Kahit na nasasaktan si Bianca ay ngumiti pa din siya para matakpan ang lungkot niya.
Dahil pagod silang dalawa at hindi pa nakakakain. "Babe? Let's eat? Im hungry" nakangusong ani Bianca. Nagpapa cute. Tumingin lang si Chase dito at tumango.
Habang naglalakad sila sa mall ay nakikita nila na ang daming napapalingon sa kanila at sinasabing "ang yaman", "sana all", "sana ganyan din kagwapo magiging boyfriend ko bes" ganyan ganyan ang naririnig ni Chase at madami pa. Napapailing nalamg siya sa mga naririnig niya.
Nakarating na si Chase at Bianca sa isang mamahaling restaurant. Inalalayan muna ni Chase si Bianca bago ito umupo... Umorder na sila at tahimik ng kumain.
Pagkalabas ng restaurant... "Hmm, who is this? What?! Wtf?! Where's my secretary?! Tf?! Pupunta ako jan! Hintayin niyo ko!" Tumingin si Chase sa katabi niya at... "Bianca punta muna kong office may problema lang. Uuwi ako pag natapos na" ngumiti si Bianca ngunit hindi ito umabot hanggang mata niya. "Hatid na muna kita" umiling naman si Bianca. Nakita naman ni Bianca ang nagtatanong na mga mata ni Chase kaya nagsalita ito. "I want to commute" tumango naman si Chase at sumakay na ng sasakyan. Naiwan na naka tayo si Bianca sa labas ng restaurant
na kinainan nila. Naglakad lakad siya mag isa para makapara ng taxi.May nakita siyang taxi kaya agad niyang pinara ito at sumakay. "Sa Miller's mansion po" sikat ang bahay ni Chase sa buong pilipinas kaya naman halos lahat ng tao ay pag napapadaan don ay pinipicturan ito. May mga nagtangka din dito na nakawan iyon, ngunit hindi nagtagumpay dahil napaka daming nakapaligid na body guards.
Nang nagsimula ng umandar ang sinasakyan niya ay nagsimula na dib ang pag ingay niya. Tinignan siya sa salamin ng driver ng taxi, nginitian niya nalang ito at sinabing wag na siyang pansinin.
Nang makarating siya sa bahay ni Chase ay agad siyang umakyat. Nakatulog agad siya dahil umiyak siya sa byahe.
Naalimpungatan si Bianca ng may marinig siyang bagsak. Nang buksan niya ang pinto ng kwarto niya ay nakita niya si Chase na nakahiga sa sahig.
"Bakit lasing ka? Sabi mo pupunta kalang sa office. Hay, tara na tulungan moko para makatayo ka" naihiga na ni Bianca si Chase sa kama nito, aalis na sana siya nang... "I miss you Andra" nagtubig ang mga mata ni Bianca at ngumiti ng mapait.
Pagbalik ni Bianca sa kwarto niya ay umiyak siya ng umiyak. Bago siya makatulog. "Sana ako nalang. Ako nalang ulit."
---
_HATDOG_
So ayon guys, pinapakita ko lang sa chapter na to kung gano kamahal ni Bianca si Chase. At kung gaano siya nasasaktan. Maikli lang po siya, pero sana po maapreciate niyo pa din po! Thankyou!
BINABASA MO ANG
One Night Stand
RomanceAlejandra Kate Velazquez made a mistake that she wants to bury in her memory, but how can she bury it in her memories? If she is already carrying baby in her womb? How will Alejandra find her baby's father? If even its name he does not know? But if...