"Kuya naman eh, dali na kasi.." pagpipilit ko kay Kuya.Matapos nang paguusap namin nila Mich and Ana. Pinuntahan ko agad si Kuya right after matapos ang last class ko.
"I said no," sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Sabi mo magsorry ako, how am I supposed to do that? Help me!" sigaw at halos maglumpasay na sa harap niya.
I admit that I am desperate to have ways to say sorry. As I said, I never done this before. I have no idea.
"Sabi mo ayaw mo, ngayon ganiyan ka?" sabi ni Kuya na halong pangaasar pa. "I change my mind okay? I have still conscience, so please Kuya help me!" sigaw ko muli sa harap niya.
Hindi pa nga ako nagbibihis, naka school uniform pa rin ako at dumiretso ako sa kwarto niya. Siya ang una kong naisip nung pagkasabi ni Mich na "something that he can't resist". Eh halos araw araw na ata sila magkasama. So probably Kuya know how to soften Josh's heart.
"Oo na, nakaka-irita na yung boses mo. Sumama ka sa akin sa saturday, he have a schedule in a publishing company. Ang kulit mo, ngayon lang kita nakitang ganito. Sana mali ang iniisip ko, you're too young." Kuya said and walked out.
Napasuntok naman ako sa hangin sa sobrang saya. Sabi ko na nga ba hindi ako matatanggihan ng Kuya kong pogi.
-
"Anong meron? Bakit may flowers kang dala?"
Napangiti ako sakaniya at tinaas -taas ang aking kilay. "Nagsearch ako sa google, bigyan daw ng flowers kapag magsosorry." I innocently said.
"WHAT THE HELL!" sigaw ni Kuya at sinundan ito ng malakas na tawa. "What?" Iritang sabi ko sakaniya. Anong mali?
"Kailan mo yan binili?"sabi niya sa akin. "Nagpadeliver lang ako, kanina lang dumating, tara na!" sigaw ko at hinampas ng mahina ang kaniyang hita.
Nasa loob na kasi kami ng sasakyan at pupunta na nga sa meeting place nila Josh. Napailing na lang siya at napahawak sa sintido. Hindi ko siya maintindihan, bakit anong masama sa flowers? Kailangan ba babae lang pwede tumanggap 'non? Who said that? No one right?
Nang makarating kami sa meeting place ay parang hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. "Oh ano? Baba na." sabi niya sa akin.
Tinignan ko lang si kuya saglit at bumaling ang aking tingin sa flowers na hawak ko. Kinakabahan ako. I am feeling like my life is depending on this flower. Naiirita na rin ako sa sarili ko. Hindi ako manhid para hindi makita at mapansin na I am changing. My principles were... I don't know! Nagsiwalaan na ata!
Kasalanan talaga 'to ni Josh! Ang kapal niya kapag hindi niya pa 'to tinanggap! Napairap ako sa hangin. Desidido kong binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago kami pumasok ni Kuya sa loob ng restaurant.
Malayo palang ay tanaw ko na si Josh na nakashades at parang nasa music video na nakatingin sa bintana.
"Bro!" tawag ni Kuya sa kaniya. Napasinghap ako dahil sa pagsigaw na iyon. Hindi ko akalain na agad tatawagin ni Kuya si Josh. Wala man lang pasurprise effect.
"Matt..." sabi niya at dahan dahan tumingin sa akin. Hindi siya nagsasalita pero yung mga mata niya parang sinasabing, 'bakit ka nandito?'
"Bro, sorry kinulit kasi talaga ako ni Kiana eh." napalingon ako dahil sa sinabi ni Kuya at pinanlakihan ko ng mata. Ibuko ba naman ako!
YOU ARE READING
FAVORITE (Social Media Series #2)
General FictionSocial Media Series #2 [COMPLETED] Kiana is a social media addict. She is always updated in every news, tea, and issues. She is also the best stalker in town! One day she stalked a guy that he never knew, ( just for the sake of her friend ) But s...