III

66 7 0
                                    

"I am very generous, to the point that I can give to you my surname"


"Hoy! Ano nginingiti mo diyan?"


Dali dali kong tinago ang cellphone ko at tumingin kay Trina na kakaupo lang sa harap ko.


"Anong ngiti ka diyan? You are just hallucinating things! Maybe you are just starving" I said and looked away.


"Sus, umamin ka na. Anong nging--" sinubuan ko siya ng dala niyang fries para tumahimik. Natawa lang din siya at umiling at hinintay na lang namin ang iba pa namin kasama.



Bakit ako ngingiti? Parang tweet lang ni Josh ngingiti na ako? Like? What? NEVER!


"Hey!" ngiting bati sa amin ni Spice. Binigyan ko siyang nang makahulugang tingin at nagkibit-balikat lamang siya. Maya maya pa ay dumating na din ang iba pa naming kasamahan.


"Kumusta ang bakasyon?" sabi ni Ana habang kumakain kami dito sa usual spot namin.


Bigla ko naman naalala yung nga past events namin at yung darating na event ko, which is yung event ni Josh. Urgh! Why am I even thinking that guy?!


"I have stuffs for you girls, maya ko na lang ibigay" Yen said and we just all cheered. Kami nga lang maingay. Idagdag mo pa kadaldalan ni Trina na halos abot ang boses sa kabilang building.


"Ikaw Spice? Kumusta?" tanong ko na ikinapalaki ng kaniyang mata. Ang cute niya talaga kapag inaasar. Kahit blatant and frank siya magsalita, meron pa rin sa part niya na softie, especially when it comes to her crush.


"Hmm, okay naman. Nakipagbond lang sa mga pinsan."


Napakagat na lang ako sa labi pinipigilan ang tawa. "Kayo?" tanong niya at baling sa amin. "Okay naman, nakipag bond ako last saturday kay Kiana, nakipagkita kasi ako.. And oh by the way, do you know Josh Guerrero?"


Napatigil naman ako sa aking kinauupuan. I can't even move a single nerve, oh gosh! Bakit ba ako natetense.


"Yeah, the writer? Ang gaganda ng mga seryes niya in twitter." Yen said. "I know him personally, same school sila ng isa kong friend" sabi naman ni Mich.


"May project sila ni Kiana, right, Iana?"


Nakatitig lang ako sa kaniya at muntik nang mabuga ang nginunguya kong fries. "Talaga?!" excited naman na sabi ni Trina.


Kita ko ang pagkunot noo ni Mich at Spice na tila ba naguguluhan sa asal ko. "Y-yeah, m-meron." I said na hindi man lang tumitingin sa kanila at pinagpatuloy lang ang pagkain.


"Kailan? Sama ako! Nakikita ko 'yong mga gawa niya sa twitter! Galing humugot!" sabi ulit ni Trina. Naku naman mukang may fan pa siya dito, tss.


"What was that?"


"Huh?"


"Bakit ganiyan reaksyon mo?" Tanong muli ni Mich.


"Magkaaway kasi sila kasi ganito yan...." at ayun na nga si Ana na ang nagkwento nang buong pangyayari.


-


"Ready?"


FAVORITE (Social Media Series #2)Where stories live. Discover now