X

49 3 0
                                    




"Bakit ka ganiyan makatingin sa akin?" natatawang sabi ni Spice habang nagdadrive.


Ang dami na nangyari. Matapos ang bagong taon, parang ang bilis na ng panahon. Actually I didn't notice that I have graduated and we are officially in academic break, preparing for being a freshman college.


Sobrang dami kong breakdowns for the past months dahil sa acads. I was so pressured pero buti na lang I have friends to leaned on.


"Nagbago na ba isip mo?" tanong niyang muli at bahagya akong napailing. Pupunta kasi kami ng mall. Josh has a book signing so I decided to come. Nandoon na rin naman si Kuya kaya pupunta na rin ako.


The last time I saw Josh was Christmas, hindi rin naman kami naguusap, even in texts or social media. Hindi ko siya nakikita dahil na-busy rin ako sa school. Siya naman ay school at ang career niya. Though minsan naguuwi si Kuya ng food na galing daw kay Josh but he never visits me.


Hindi ako nagtatampo, wala naman siyang obligasyon sa akin. But somewhat, I think isa siya sa reason kung bakit ako madaling mapagod. Wala akong charge. Lagi ako nagiistalk sa social media but I never liked anything in his tweets. Wala akong balak na palakihin ang ulo niya. Mayabang na siya masyado.


I admit that I like him, since Christmas. Naramdaman ko na e. Hindi ko na rin pinigilan dahil alam ko namang mas lalala lang 'to. I never open this to anyone. So basically ako pa lang, ako palang para mas maayos ko, at i-figure out ang totoong nararamdaman ko.


"Sino nga ulit pupuntahan natin?" tanong niyang muli. "Si Kuya, tapos yung alaga niyang si Josh."


"Josh? The writer?" she asked and I just nodded again. Hindi ko alam talaga kung bakit ako kanina pa tahimik. Ewan ko ba, kinakabahan na naman ako dahil makikita ko siya. Ang tagal ko siyang hindi nakita.


-


"Siguro laki ng kita ni Kuya Matt sa bago niyang alaga 'no?" napakunot naman ako sa sinabi ni Spice.


Nandito na kami sa mall at tanaw na agad ang stage na ginaganapan ng book signing.


"Ang daming tao oh, papalibre ako kay Kuya mamaya," she said and laughed. Napailing na lang ako at bahagya siyang hinila doon sa maraming tao.


"So ganito, doon ka pipila, tapos doon ako okay?" sabi ko at sabay turo noong dalawang pila.



"Eh 'di ba ito si Josh? Bakit sa kabila ka pa pipila?" tanong niya muli sa akin. "Basta, oh ito, papasign mo lang 'yan ha." sabi ko sabay bigay sa kaniya ng libro at bahahagya siyang tinulak sa pila ni Josh. At ako naman ay pumila sa hindi ko kakilalang writer.


Hindi maalis ang tingin ko kay Josh habang ngiting-ngiti sa nagpapapirma sa kaniya. Napapaisip tuloy ako sa last time na magkausap kami. That time I was so comfortable with him. Biglang nagalter yung pakiramdam ko sa kaniya. Though nayayabangan parin ako sa kaniya. Pero yung saya na naramdaman ko while we are talking, It is just... pure and genuine.


Napakunot ang noo ka ng biglang laki ang mga ngiti ni Josh, at hindi ko namalayan na si Spice na pala yung kausap niya.


"Miss, ikaw na" sabi ng nasa likod ko at napaharap ako sa lalaking malaking ngiti sa akin. Hindi ko talaga siya kakilala at hindi naman talaga ako fan ng mga libro. Binigyan ko lang siya ng malamyang ngiti at nagbow. Dahan-dahan akong umalis sa pila, dala-dala ang bigat na tingin sa akin ng mga tao.


Nang medyo nakalayo na ako, hinigit ko agad si Spice ng hindi nililingon si Josh. Rinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin.


FAVORITE (Social Media Series #2)Where stories live. Discover now