"'Wag mo nga akong binibiro nang ganiyan Kiana," natatawang sabi sa akin ni Trina.
Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ko naman talaga ugaling umutang pero hinahabol ko kasi bills namin lalo na yung bayad sa condo. Na-short din ako dahil sa mga gamot and therapy ni Josh every week.
"I'm not kidding Ina, I wish I was, but, no." kita ko ang bahagya niyang paggulat. "W-what happened?"
Napakagat ako sa labi, pinipigilan umiyak sa harap niya. "Kiana, magsabi ka sa akin. Ano na bang nangyayari sa inyo?"
"We're not okay, I'm not okay." I said and she pulled me hug. "Tangina naman Kiana eh, pinapaiyak mo din tuloy ako."
Ilang oras kami nagusap. At sa paguusap na iyon ay umiyak lang din ako ng umiyak. Napapagod na ako, napapagod na ako sa relasyon namin, sa kaniya, pero hindi ito ang tamang panahon para sukuan ko siya. Josh needs me right now. Hindi ko rin siya kayang iwan, hindi ko kaya.
"Sure ka bang okay na yun?" sabi sa akin ni Trina habang naglalakad kami papalabas ng house niya.
"Yup, atsaka baka mahirapan akong ibalik kapag mas malaki pa ang inutang ko," nahihiya kong sabi sa kaniya. "Ano ka ba naman Kiana, tsaka mo na ako bayaran kapag super super luwag ka na. Kasi triple ng inutang mo ibabayad mo sakin, malaki kasi ako maginteres." sabi niya sabay tawa.
Napatawa na lang din ako sa sinabi niya, alam ko namang pinapagaan niya lang ang sitwasyon ko. I really appreciate my friends kahit hindi na kami masyado nag a-update sa isa't-isa. Also, distance gives us a reason to love harder. Kaya naman I am so proud that I have a circle of friends that even though we are miles away from each other, yung puso at isip ko, we are present.
"Sure ka bang hindi ka na papahatid?"
Umiling ako, baka ma-hassle pa siya at medyo malayo din ang byahe. "Thank you so much Trina, I really owe you. Bawi ako next time" I said and smiled.
"Uy small things, parang others!" sabi niya at tawa. "Ingat ka," she added and waved her goodbyes.
-
"Ma'am may reseta po ba kayo?"
Pagkagaling kila Trina ay dumiretso ako sa drug store para bilhin ang mga ointment na gamit ni Josh for his scars from the accident.
Kinuha ko ang isang maliit na papel na reseta ng doctor at binigay sa pharmacist. "That will cost seven thousand five hundred ma'am,"
Dami ko pa babayaran pero halos wala ng laman yung wallet ko. Humina rin racket ko dahil hindi ako natanggap ng mga projects na masyadong malayo at overnights dahil walang titingin at magaalaga kay Josh. Kaya medyo short din talaga budget ko.
Ang maipagmamalaki ko lang talaga, ay despite all the struggles and problems that I've encountered from the past months, is that I never complain. Because personally, I believe that there is no need to know the reason why everything happens the way it does. I never question the good ones, so I must not question the bad things that happens to me. I trust him, I believe that this what meant to happen, did, for a reason, and keep moving on.
YOU ARE READING
FAVORITE (Social Media Series #2)
General FictionSocial Media Series #2 [COMPLETED] Kiana is a social media addict. She is always updated in every news, tea, and issues. She is also the best stalker in town! One day she stalked a guy that he never knew, ( just for the sake of her friend ) But s...