"Josh daw eh"
"Josh? Sino 'yon?"
"Yung dating sikat na writer."
Napamulat ako ng mata nang makarinig ako ng bulungan na hindi naman malinaw sa aking pandinig. Mukang natataranta ang lahat dahil sa pagpapack-up.
"Tara na Kiana, pasensya na at medyo natagalan dahil pinaliwanag pa sa akin ni Tita Klare mga dapat isuot mo bukas." paliwanag ni Letty.
Tita Klare is my road manager. Magpapaiwan siguro iyon dahil may iba rin naman siyang minamanage bukod sa akin.
"Saan na tayo?" tanong ko dahil gusto ko na talaga magpahinga. Ang sakit ng ulo ko dahil nagpuyat na naman ako kagabi kakapanood ng series. Yoon na naman kasi nakahiligan kong past time.
"Akala ko may sarili kang errands after?"
Kunot noo ko siyang tinignan. "H-huh?"
"Akala ko ime-meet mo may-ari ng bahay?" balik na tanong ni Letty.
Ah, nga pala! I totally forgot that. I checked the time at nakahinga naman ng maluwag na mag 2:30 pa lang ng hapon. Alas-tres pa kasi ang usapan. Magmeet daw sa isang cafe malapit sa taft avenue. Pumayag na rin ako since nandito na rin naman ako sa Manila.
Hindi si Kuya ang nagasikaso dahil busy iyon sa business namin. Sabi ko naman sa kaniya ay free time ko ngayon kaya ako na. Magcap and shades na lang din ako dahil hindi naman sa pagmamayabang, I mean hindi talaga, ay nakikilala na ako ng pa-ilan ilan.
-
"What do you mean?" kunot noo kong tanong.
Nandito na ako sa place na pagkakakitaan pero ngayon ay tumawag sa akin at sinasabing hindi na raw tuloy.
"Sorry ma'am, nagkaroon po kasi ng biglaang errands si sir." sabi sa kabilang linya. "You should have told me earlier po, para hindi na po ako nakapag hintay dito ng matagal," sabi ko. Pilit pinapakalma ang aking boses.
Napaka-unprofessional naman niya. Atleast sana, nagsabi naman agad, ilang oras ako naghintay? One hour lagpas, baka maabutan pa ako ng traffic dahil friday pa naman. Uuwi pa man din ako ng batangas ngayon.
"Sorry po talaga ma'am," sabi ng kausap ko. Mukang namang mabait ang secretary niya kaya papalagpasin ko na lang din 'to.
"Sige po ma'am, bale text niyo na lang po ulit ako for the new sched. And please let me know it two days earlier, para maadjust ko rin po yung schedule ko."
Napabuntong hininga ako nang mababa na ang tawag. Palabas na sana ako ng cafe ng biglang lumakas ang ulan, "Shit," sigaw ko at tumakbo na papasok sa sasakyan.
YOU ARE READING
FAVORITE (Social Media Series #2)
General FictionSocial Media Series #2 [COMPLETED] Kiana is a social media addict. She is always updated in every news, tea, and issues. She is also the best stalker in town! One day she stalked a guy that he never knew, ( just for the sake of her friend ) But s...