CHAPTER 1

57 11 0
                                    

                 𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆!

_

Chapter 1

Snow's POV

𝗛𝗜, my name is Morgianna Snow Vigor.
Isang simpleng babae na  punong puno ng pagmamahal dahil lumaki akong kumpleto ang pamilya. Hindi naman masama ang hindi maging mayaman dahil 'di hamak na mas masaya ang simpleng buhay, 'yung tipong nakakain ka ng tatlong beses sa isang araw with matching kasama ang mga mahal mo sa buhay. Kesa naman sa mayaman ka nga, wala namang oras para sayo ang nasa paligid mo at sa sobrang laki ng bahay niyo halos hindi na kayo magkakitaan. Ayon nga sa kasabihan, "Money can't buy happiness" don't get me wrong, hindi ko naman nilalahat...

Matuto tayong makuntento sa buhay na meron tayo. Walang masama sa pag-angat, basta ba wala kang inaapakang tao. 𝘈𝘯𝘺𝘸𝘢𝘺𝘴, tama na sa pangaral, simulan na natin ang kwento.....

Ngayon ay araw ng mga puso kaya naman patok na patok ang bigayan ng chocolates and flowers. Dadagsa na naman ang ang mga lalaki na magbibigay ng bulaklak sa kanilang MGA jowa. 𝘤𝘩𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 lang.. Bakit kaya sila nagbibigay ng bulaklak 'no? Bulaklak po para sa namatay niyong puso!

"Good morning, sir!" Masigla kong bati sa customer na pumasok with matching yuko and with a smile plastered on my face.

Dumiretso ito kung saan may naka-display na bulaklak at sinimulan na ang pagsuri dito kung alin ang mas bagay na ibigay sa girlfriend or nilalagawan nito. Dumulog si Jackie, my assistant para asikasuhin ang customer namin. Namin, dahil ako Ang
May ari ng flower shop na ito.

'Di nagtagal ay nakapili na ito kaya naman nagpunta na siya sa counter upang magbayad.

Pagkabayad ay lumakad na ito papunta sa pwesto ko, nasa tabi kasi ako ng pinto.

Pagkatapat niya sa akin ay yumuko agad ako.
"Thank you, sir! Balik po ulit kayo," ani ko habang nakayuko, ngumiti lang ito bilang tugon at lumabas na. Woooh.. so far so good, mas maraming nabili ng bulaklak kesa sa  ordinaryong mga araw dahil sa pinagdidiriwang ngayon ng mga may karelasyon.... 𝖲𝖺𝗇𝖺 𝗈𝗅, 𝖻𝗋𝗈..

"Mors! Break muna tayo! Bilisan na lang natin hanggat wala pang customer." Tawag ni Jackie. Lumapit ako sa lamesa at nang naamoy ko ang bango ng sinigang bigla na lang kumalam ang tiyan ko. Hinawakan at hinimas ko ito. Hindi nga pala ako nakapag-breakfast dahil sa dami ng bumibili ngayon.

Dali-dali ko itong nilantakan. Pagdating kasi sa pagkain ay wala akong sinasanto, galit-galit muna tayo..

Nang natapos ako at niligpit ko ito at sakto ng aking pagtayo ay tumunog ang bell. Hudyat na may pumasok. Hinanda ko na agad ang ngiti ko bago pa ako lumingon.

"Good afternoon, si—" Hindi ko na natapos ang pagbati ko. Natulala ako sa harapan niya.

Tall, moreno and very masculine. Ang suot niya ay namumutok sa kanyang katawan, bumaba ang mata ko sa katawan nito, for sure may pandesal ito. Ang mga mata niya ay kulay green na nakakahalinang pagmasdan. At shet, ang tangos ng ilong niya, nahiya naman ang pinoy kong ilong. And his lips, parang ang sarap kagatin, tila isa itong hinog na hinog na mansanas sa sobrang pula. At ang pamatay niyang  jawline na para bang ito'y nililok, parang ang sarap pandaanan ng haplos. Alam kong kakain ko lang pero parang bigla akong nagutom sa walking ulam na ito..

"Don't you know that staring is rude?" Ang baritonong boses ang gumising sa malanding katawang lupa ko. Napakurap-kurap ako sa hiya at iniwasan ang matalim niyang titig.

"I-I'm sorry, sir! A-Ano pong sa inyo?" Ako po ba? Hindi ko na iyon sinantinig. Tinignan niya lang ako na para bang ako na ang pinaka dumb na taong nakilala niya.

Oo na, ako na. Malamang, alangan namang bumili siya ng chocolate rito samantalang flower shop naman ito. Napa-facepalm na lang ako mentally.

"G-Gomenasai! Sumunod po kayo sa akin," Ipinakita ko sa kanya ang mga nakahilerang bulaklak. Nilampasan niya ako dumiretso sa stante.

Habang tumitingin siya ay hindi sinasadyang napadapo ang mata ko sa bandang likuran niya. Napako ang paningin ko sa matambok na iyon, pinipigilan ko ang sarili ko na pumunta sa likuran nito at pisilin 'yon, ayoko nang mapahiyang muli.

Nakakuha na ata siya kaya sa counter na ang tungo niya kung saan magbabayad. Dali-dali akong pumunta roon at pumwesto.

"Alin po ang gusto niyong pambalot, sir?" Tanong ko. Itinuro niya ang simple pero maganda ang design. Sinimulan ko nang ibalot ang bulaklak. Pasimple ko siyang hinahagod ng tingin. Nakatutok lang siya sa ginagawa kong pagbalot kaya nanginig ang kamay ko. "Shit, umayos ka, Mors!" Madiing bulong ko sa sarili.

Nang tiningnan ko siya ay nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa akin. Parang biglang nag lock ang mata namin at tumigil ang oras. Tila nahihipnotismo ako ng berde niyang mata.

May nag-snap na daliri sa aking mukha kaya napabalik ako sa reyalidad. Galit na ang makikita sa berdeng mata.

"Can you make it faster?! My girlfriend is waiting for me, you're wasting my time!" Dumagundong ang malakas na boses nito. Napapahiyang napayuko ako. Tinali ko ang ribbon at mabilis na binigay ito sa kanya.

"Tss, dumb creatures!" Pasaring na kinuha niya ang bulaklak. Nilagay niya ang ang 500 sa counter at tumalikod.

"Sir! 'yung sukli niyo po!" Habol kong sigaw. Tila'y wala itong naririnig at dire-diretso lang papunta sa koste nito hanggang sa makasakay at mawala sa panigin ko ay hindi man lang nag abalang lumingon.

"Di bale na nga lang," Ang aking naisantinig ko at pagod na yumukyok sa counter.

"Hays, gwapo sana kaso ubod naman ng sungit!" Galit na bulong ko sa kawalan. Pinikit ko ang aking mata. 

"Para saan o kanino kaya ang binili niyang bulaklak?" Anas ko.

"May girlfriend na kaya siya?" Ani ko pa.  Malamang alangan namang i-display niya lang 'yung bulaklak. Sayang naman ang genes kung bukod sa berdeng mata niya ay meron din siyang berdeng dugo.

"I just hope to meet him again," Anas ko sa kawalan at iniidlip ang pait na nararamdaman ko.

"𝖬𝗒 𝖶𝖺𝗅𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖴𝗅𝖺𝗆," I sighed dreamily..

_

Sorry for the typos and grammatical errors!
See you sa susunod na update!

The Fake Fiance [ON-GOING]Where stories live. Discover now