A/N: Enjoy Reading little fellas!
Chapter 6
Snow's POV
𝗛𝗲𝗿𝗲 I am, standing beside this tukmol in this little room, elevator.
Pagkatapos niya kasi akong halikan ay talagang tumulala lang ako sa kanya at hindi ko namalayan na nasa elevator na pala ako, kami.
Tumunog ito hudyak ng pagbubukas ng pinto. Lumabas siya kaya wala sa loob na sumunod ako sa kanya. Lumiko kami sa kanan sa pangalawang pintuan siya tumigil.
Nang nagpipindot na siya ay sinubukan kong tumingkayad at silipin ang passcode niya.
Nagkandahaba-haba na lang ang leeg ko at naging giraffe ay '0' lang ang nakita ko dahil sa taglay nitong katangkaraan. Sana lahat 'di ba?
Nang lumingon ito sa akin ay napatayo ako ng tuwid, saglit ako nitong sinamaan ng tingin bago ako hinala papasok at binitawan rin pagkatapos.
Wala sa loob na pinagmasdan ko ang bahay este condo ni Ulam. Hmm. Infairness... ang, dull niya. Ang pangit ng taste niya. Parang siya lang walang kabuhay-buhay.
Plain white na pintura sa dingding.
Black na kagamitan. Kulto pa ata.
Wala sa loob na ngumiwi ako sa kabuoan ng condo niya.
Walang pasubali na umupo sa sofa niyang may nakasampay pang damit at boxer si Ulam, with matching crossed legs pa.
Nagmukha siyang hari, hari ng kalat.
I laughed secretly in my thought.
Umupo ako sa kaharap niyang pang isahan na upuan.
"Bakit mo ako dinala rito?"
Tinitigan ako nito ng matagal bago nilibot ang paningin sa paligid, wala sa loob na ginaya ko ang ginawa niya. "As you can see, I need a maid, and that's you. You need to clean my house..."
"What? No way! Why would I do that? And I'm not a maid, duh! Hindi mo ba alam ang kasabihang 'kalat mo, linis mo'?!" pag-aalburuto ko.
Nagkibit balikat ito bago tumayo at dumiretso at pumasok sa kanang pinto.
Galit na kinuha ko ang gym shirt ata at ginuyumos. Dito ko na lang binaling ang inis ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang aking bunbunan sa inis sa kumag na iyon.
Kaya kayo wag masyadong burara, matutong maglinis. Sige kayo, baka ipatapon na lang kayo ng nanay niyo sa mars.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang kamay ko at nilapit ito sa ilong ko. Isang napakahalimuyak na amoy ang nalanghap ko na para bang baby ang nagsuot nito.
Mahaninang tinampal ko ang sarili ko at hinagis ang makasalanang gym shirt sa basket na nahagip ng paningin ko.
Sinimulan ko na lang na maglinis dahil wala talagang balak ang magaling na damuhong lalaki na linisin ang kalat na ginawa niya. Naiiling-iling na pinulot ko ang coat, jacket, white shirts at kung anu-ano pang hinubad ng makalat na iyon.
Pagod na binagsak ko ang sarili ko sa sofa at sumandal. Napahinga ako ng malalalim ng lumapat ang likod ko sa malambot na sapin. Pinikit ko ang aking mata at hinayaang dalawin ng antok.
𝗡𝗮𝗴𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 ako ng malaglag ang ulo ko sa sandalan. Lumingon ako sa may glass door na medyo natatakpan ng kurtinang itim ang kalangitan at nakita kong madilim na.
"Madilim na?! Shit, napahaba ang tulog ko,"
Tiningnan ko ang pambisig kong relos at nakitang 8:05 pm na ng gabi.
Kumalam ang tiyan ko na nagsasabing kailangan ko nang kumain kaya naman pumunta ako sa kusina para maghanap ng malulutong pagkain.
Maswerte ako at may frozen chicken pa sa ref. Nagpasiya akong magluto ng tinulang manok at nagsaing sa rice cooker. At nang ayos na ang lahat ay pinatay ko na ang stove at tinanggal na ang plug para iwas sunog. Mahirap na.
Pumunta ako sa kanang bahagi at kumatok sa pintuan.
Nakadalawa hanggang sa nag lima na ay wala pa ring nagbubukas kaya napagpasiyahan kong pumasok na lang at tamang-tama dahil hindi naman nakalock ang pinto. Burara talaga.
Dilim, 'yan ang unang bumungad sa mga mata ko. Nang masanay ako ay naaninag ko ang isang bulto sa ibabaw ng kama, nakatihaya at natatakpan ang ibabang bahagi ng katawan nito.
Lumapit ako rito at pinagmasdan siya.
Kitang-kita ang tangos ng ilong niya dahil sa sinag ng buwan.Wala sa sariling hinawakan ko ito. Hindi ako naiingit ah, gusto ko lang talagang hawakan.
I traced his nose unto his lips, his red lips.
I tried to pinched it and the softness welcomed my fingers.Natigil lang ang paglalaro ko sa labi niya nang may umagaw sa kamay ko at hinila ako. Napunta ako sa ibabaw nito dahil sa paghilang ginawa niya. Natulala ako dahil sa ginawa nitong paghila sa akin.
Wala nang isang dangkal ang layo niya kaya nararamdaman ko ang mainit na hininga ni Cal.
Dahil sa sinag ng buwan ay nakita ko ang unti-unting pagbukas ng mata niya, tila nag slow motion ang lahat.
Naghinang ang aming mga mga mata at parang may taling naghihila sa akin patungo sa kanya hanggang sa tulyang lumapat ang labi ko sa malabot na bagay na iyon.
Dahan-dahang gumalaw ito na para bang sumasabay sa tutog na kami lang ang nakakaalam at nakakarinig.
Sa isang iglap ay ako na ang nasa ilalim at siya na ang nasa ibabaw.
He bits my lower lip na naging dahilan nang pag-awang nito at naging hudyat para sa pangahas niyang dila na galugadin ang loob na nag-ani ng mahinang halinghing.
Nang umangat ang kamay nito sa leeg ko, bahagya itong pinisil ay dito na bumalik ang nakawala kong kaluluwa dahil dito ay agad ko siyang itinulak. "Woah, easy, woman,"
Hindi ko ito pinansin at hinihingal na bumangon sa kama.
"K-kakain na, sumunod k-ka na lang kung gutom ka na!"
Dali-dali at padabog kong sinarado ang pinto. Sumandal ako rito at hinawakan ang aking labi. My second kiss....
-____
❄️
❄️
❄️
❄️ Sorry for the typos and grammatical errors!
Pasyensya na kung ngayon lang, medyo busy rin, e. 💙
Modules is life. 🌿
@Messywriter
YOU ARE READING
The Fake Fiance [ON-GOING]
RomanceSnow Morgianna Vigor a simple owner of a Flower shop meets the broken hearted man, Caleb Light Alonzo. Will these two will fall on each other or will end up broke and hurts?