CHAPTER 10

18 1 0
                                    

CHAPTER 10

SNOW'S POV

"FOUND you," Nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko at hinila ako kung saan. Sinubukan kong magpapasag subalit parang bakal na tali na nakagapos ang kamay niya sa kamay ko.

Maling-mali talaga na lumabas ako, pero sinubukan ko pa rin kahit na alam kong may nag-aabang na kumag na Caleb sa akin. It's like a predator ready to eat its prey.

Nagtagumpay akong iwasan siya nitong mga nakaraang araw, ang kaso. Ngayong araw ng linggo, kung saan day-off naming dalawa ni Jackie ay napagpasyahan naming lumabas para kumain at ito na nga ang dapat na paglabas lamang ay kinahantungan ng pagkakahanap niya sa akin.

Malas pala ang day-off, tatanggalin ko na ito sa list ko, kahit pa magreklamo si Jackie.

Hindi ko alam kung paano ako nakapagtago sa kanya gayong bahay-shop-bar lang naman ang huntahan ko. I guess, magaling akong magtago.

"Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" Sinimulan ko nang magtanong para magkaroon ng kasagutan kahit parang alam ko na ata ang sagot.

"Somewhere," 'yun lang ang sagot nito. Wow, napakagaling. Bravo!

"Somewhere, what? Somewhere over the rainbow?" Pang-aalaska ko pa rito. Huh. Serves him right. Hindi ako tatahimik, bahala siyang maingayan.

"Shut up okay? And if you don't, I can make you shut up myself," He smirked at me bago niya pinaandar ang sasakyan. Tumigil na lang ako sa kadadal-dal, mukhang alam ko na kung anong way ang gagawin niya at tutol ako! I object!

NAKARATING kami sa tapat ng building kung nasaan ang condo niya, bumaba siya kaya sumunod ako. Shup up pa rin ako, ayokong ma ano na naman.

Tahimik lang kami sa maliit na kwartong ito na kung tawagin ay Elevator. Wala ni isang umiik sa amin. Nakatingin lang ako sa pintuan nito kung saan nakikita ko ang reflection namin. Nakapikit ito habang nakasandal at naka crossed legs. Ang hot ni kumag, jusme!

I heard the sound '𝗍𝗂𝗇𝗀' kaya pinangunahan ko na ang paglabas na sinundan niya. Nang malapit na kami ay umuna na siya para buksan ang condo niya. Hindi condom ah? That's a no, no.

"Sit down," utos niya na sinunod ko. Aso lang ang peg. Umupo rin ito sa dati niyang pwinestuhan at nag de-kwatro.

"I thought I made myself clear? But why are you hiding from me?" Tinitigan niya ako at kumunot ang noo.

"Eh, kasi ano,—"

"What?"

"Kasi,—"

"Because of what?"

Naiinis na bumuga ako ng hangin dahil sa ilang ng pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. "Will you please let me finish muna?!"

"Eh kasi naman. My gosh! Sinong tanga ang papayag sa inaalok mo?! Hindi ako, kasi hindi ako tanga! Wala akong pake kung hindi mo makuha ang mana mo! Wala akong pake kung mamulubi ka! Hindi porke't brokenhearted ka at bri-neak ka ng ex-jowa/ ex-fiance mo ay basta-basta ka na lang manghihigit ng kun-sino para ipakilala bilang bago mo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya na agad kong pinagsisihan ng makita ko ang pait at sakit na bumabalatay rito. I think I hit a nerve. Shit, stupid mouth!

"Yeah, you're right. Sino nga ba naman ang papayag na maging Fiance ko? Ako na iniwan ng taong mahal ko na inalok pa mismo ng kasal," He laughed sarcastically at makikita ang pait sa mata niya habang pilit na tumatawa kahit na salungat ito sa nararamdaman niya.

"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya," Bawi ko rito dahil bigla akong na-guilty.

"No, tama ka naman talaga, e. I'm so stupid para mag-isip na may papatol pa sa kagaya ko," No, mali ka.

Tumalikod ito. "You can go now, makakasa kang hindi ka na guguluhin ng baliw at tanga na ito. Before you leave, lock the door,"

Akmang papasok na ito sa kwarto niya ng pigilan ko siya. "Stop!" Tumigil nga ito at lumingon.

"Fine! Pumapayag na ako. No more running away. Wag ka lang magte-take advantage ah? Kaya kong tanggalan ka ng kinabukasan," Naglakad ito papalapit at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap ako nito ng napakahigpit.

"Thank you so much, I promised I'll be a good fiance," Hindi ko maiwasang mapangiti sa tinuran niya. Wala sa sariling niyakap ko rin siya pagbalik habang nakangiti na parang baliw.

"I'll be good too,"
_

𝗨𝗪𝗜𝗜𝗜𝗘𝗪𝗪. 𝗔𝗡𝗢𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡! 𝗦𝗨𝗟𝗜𝗧𝗜𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗚 𝗔𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡. 𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗙𝗘 𝗟𝗢𝗗𝗦!

The Fake Fiance [ON-GOING]Where stories live. Discover now