A/N: Sinisipag akong mag-UD ^__^ sulitin na habang may load pa HAHAHA! ENJOY!
CHAPTER 7
Snow's POV
NATAPOS kaming kumain ng walang umiimik at nababalutan kami ng awkward and dead silence dahil talagang hindi ako nagsalita at kumibo lamang hanggang sa ako'y matapos kumain.
Kakatapos ko 'lang impisin at hugasan ang mga ginamit sa pagkain. Ready na ako sa pag-uwi kaya naman dumiretso na ako sa pintuan. It's 9:00 pm already and I'm dead tired I just want to go home and lay on my bed to get some rest.
"Hey, why not stay for this night? It's already late,"
Napatigil ako sa akmang pagpihit sa siradura dahil sa tinuran ni Caleb. Humarap ako sa kanya at sinuri siya dahil baka kung may anong iniisip na hindi maganda si Ulam at nang makitang walang kahit na anong bahid ng kamanyakan ay nag loosen up ako.
"Hmm, okay," Pagpapaubaya ko dahil pagod na pagod na ako para makipagtalo pa, kita ko namang nasa matino siyang kalagayan at kung sakali mang magloko siya ay kayang-kaya kong tanggalan siya ng kaligayahan, subukan niya lang.
Iginaya niya ako sa pinto kung saan nangyari ang ikalawang pagtatagpo na siya namang pinagtakhan ko. Malaki ang condo niya pero isa lang ang kwarto niya, wag mong sabihing? Tabi kami? Huh, he wish!
"Bakit dito?" Angal ko sa kanya ng makapasok kami sa loob.
"May nakikita ka bang ibang kwarto?" Akmang aapila ako, "And no need to worry I'm a gentleman, you'll be on my bed at dito ako sa couch," Pagpapatuloy niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at pumayag, bakit hindi naman ako papayag di ba? Mas pabor pa nga 'yon sa akin, sa laki ba naman ng kama niya maari akong magpagulong-gulong, bumaluktot at kung anu-ano pa, choosy pa ba ako? Nah-uh.
Humiga na ako sa kama niya. Habang siya naman ay kumuha ng kumot at unan bago humiga sa sofa.
Pumikit ako at sinubukang matulog pero mukhang mailap si antok sa akin ngayon, nakatulog na nga pala ako kanina kaya tiyak na mahihirapan ako nitong makatulog.
Minulat ko ang aking mata at tumingin sa ceiling, sinubukan kong magbilang ng tupa baka sakaling sumapi sa akin si antok.
Nagawi ang paningin ko sa lalaking nakahiga sa couch at napansin kong hindi siya komportable sa pwesto niya.
Nakabaluktot siya dahil obviously, hindi siya kasya sa couch dahil sa haba at laki niya.
Napagdesisyunan kong bumangon at lapitan siya. Hindi naman kaya ng konsensya ko na hayaan siya sa lagay na 'yan, halata namang pinagkakasya niya lang ang sarili niya kahit hindi naman siya talaga kasya.
Kinulbit ko siya at bahagyang inuga. "Psst! Caleb," pagsitsit ko sa kanya pero dedma lang ako.
Nilaksan ko ang pag-uga. "Hoyyy! Lipat ka na sa kama mo, tabi na lang tayo, malaki naman 'yon at mukhang kasya ang tatlo hanggang apat na katao,"
Nagulat ako ng bigla itong tumayo at walang imik na humiga sa kanang bahagi ng kama. Nagkibit balikat na lang ako at humiga sa kabilang size niya.
Naglagay ako ng unan sa pagitan namin bilang harang at nahiga.
Wala sa loob na napahikab ako, mukhang naandito na si antok.
Bago pa ako tangayin ng tuluyan sa mahimbing na pagkakatulog ay binalot ang buo kong katawan ng mainit na pakiramdam.
Dahil sa kaantukan ay hindi ko na nagawang magmulat pa ng mata, at tuluyang nagpatangay sa antok habang ninanam-nam ang mainit na pakiramdam..
_
❄️
Hooo! Sorry kung maikli lang ito! Babawi na lang ako sa susunod! At hello sa silent readers na kagaya ko HAHAHA! sorry na lang si Author! BWAHAHA Anyways, thank you for supporting me! Labyaah! STAY SAFE AND HEALTHY EVERYONE! LOVE LOTS.💙
_ SORRY FOR THE TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS!
_MESSYWRITER❄️
YOU ARE READING
The Fake Fiance [ON-GOING]
RomanceSnow Morgianna Vigor a simple owner of a Flower shop meets the broken hearted man, Caleb Light Alonzo. Will these two will fall on each other or will end up broke and hurts?