CHAPTER 11

20 2 0
                                    


Oh, ayan ha. Spoiled kayo sa update. Choss. Vote. Comment. Para may kunting pampagana Mwhehehehe.

Chapter 11

SNOW'S POV

MATAPOS ang paghahabulan, de joke. Usapan lang talaga 'yon more on the arrangement ay inaya niya akong kumain, tutal ay gutom na rin ako hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinunggaban siya este 'yung pagkain. Remember, dalagang Pilipina tayo, Snow. Umayos ka.

"Alright, since madalas tayong magkakasama at magkikita, nararapat lang naman sigurong may alam tayo sa isa't isa, right?" Pagbubukas niya ng usapan kaya napatango na lang ako.

Inabot ko ang baso bago ito inisang lagok.
"Mauna ka na, boss," Pang-aasar ko na sinuklian niya lang ng matalim na tingin na nagpatahimik sa akin.

"Fine. Ako muna."

"First, ayoko ng makalat," Ngumiwi ako, mukha mo. Ayaw raw ng makalat, eh kulang na lang maging tambakan ng basura itong condo niya.

"Second, wag mong papakialaman ang mga gamit ko, understood?" As if naman, may interest ako sa gamit niya, eww.

"Hey, are you listening?"

"Oo, ano pang next? Bilis-bilis aba,"

"Tsk. Sagutin mo, lahat, ng tawag ko, wag mo akong babaan o papatayan,"

Pagak akong tumawa sa sinabi niya.
"Ano ka? Tatay ko?"

"Nope, but you promise to be good, right? So be good to your boss," Pinagdiinan pa talaga nito ang boss. Boss-boss-in ko mukha mo diyan, makita mo.

"Oo na, meron pa bang iba?"

"And lastly, don't you dare fall in love with me, my dear fiance,"

Sa panghuling sinabi niya ata ako bagsak ah? Why naman kasi napakabilis mong mahulog puso ko? Nilagyan na kita ng grills ah? With lock pa kaya paano ka nakatakas? Nakakainis!

"Whatever, my turn," Tiningnan ko muna siya sa mata bago magsalita. "Ang akin ay same as yours, walang pakialamanan, need ko rin ng privacy para sa sarili ko at may reklamo ako pagdating sa pagtwag chuchu mo. Unang-una, hindi kita tatay, hindi rin kita boyfriend at cellphone ko ang tatawagan mo kaya ako lang makakapagsabi kung sasagutin ko man o hindi," Nang akma siyang tutol ay pinigilan ko siya.

"Opps, ako muna,"

"Tsk, fine.

"Good, hindi po ako one call away, boss. May buhay rin ako at hindi mo rin naman po ako pinapasweldo kaya wag kang mag demand," Inirapan ko siya bago hinipan ang bangs ko.

"Are we done?" Tanong niya.

"Yes,"

"Good, so let's seal it—" ini-strech ko ang kamay ko para sa isang shake hand, pero imbis na tanggapin ito ay hinawakan at hinigit niya ako papalapit sa kanya. Nagtama at nagdikit ang aming katawan.

Iniwasan ako ng hangin na naging dahilan ng pagkakapos ko sa paghinga. Inilapit niya ang mukha niya, at namalayan ko na lang na magkadikit na ang aming mga labi ngunit mas mabalis pa iyon sa kisapmata at agad rin itong dumistansya. "—with a kiss," Pagpapatuloy niya at binigyan ako ng nakakamatay na ngiti. Wala sa sariling napakapa ako sa tagiliran ko, na loose thread ata ang panty ko dahil sa killer smile na binitawan niya...

UMUWI rin ako pagkatapos ng makalaglag panty-ng kaganapan na iyon. Agad akong humalik kila mama at papa na nabungaran ko sa hapag-kainan. Inalok nila akong kumain pero tumanggi na ako dahil busog na naman na ako, napag-alam na lang ako sa kanila na matutulog na ako.

Paglapat pa lang ng likod ko sa kama ay napahikab na ako, mukha talagang napagod ang isip, katawan at garter ng panty ko, ah.

Nagdasal muna ako bago nagpatangay sa malalim na pagkakatulog.

The Fake Fiance [ON-GOING]Where stories live. Discover now