𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 5
Snow's POV
𝗡𝗮𝘁𝗮𝗴𝗽𝘂𝗮𝗻 ko ang sarili ko mula sa pagkakagulat sa 'Fiance' thing na nakaupo sa tabi ng tukmol habang napapalibutan ng diyos at diyosa.
Grabe, pakiramdam ko ang pangit ko kahit average naman ang itsura ko.
Nag-angat ako ng tingin at natagpuan ko ang nakakatunaw nilang titig.
"So? Can you explain what you were saying, Cal?" Tumingin ako sa my right side, nakita ko ang hindi katandaang lalaki. Gwapo, no, hindi sapat ang salitang gwapo lang, at sa tabi niya ay isang napakagandang babae, straight ang buhok nito at mukhang hindi masungit dahil sa ngiti nitong dala.
Hinakawan ng katabi ko ang kaliwa kong braso. "She's my fiance, dad. That's my explanation."
Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin, pahaklit na hinila ko ang siko ko.
Biglang nagsalita ang lalaki sa harapan ko. "I thought Leslie is your girlfriend? And bro, she's not Leslie," Pahaging na pinadaanan ako nito ng tingin.
Umismid ako, may bad blood pa ata sa akin ito, masungit rin kakambal siguro ito ng katabi ko.
"We broke up," Maikli nitong paliwanag.
Oo, kaka-break lang nila, at ito, may bago na agad. Parang tanga lang.
Tumikhim ang babae sa harap. "Btw, what's your name?"
"Snow Morgianna Vigor,"
"I'm Karmela Emerald Alonzo," tinuro niya ang masungit na lalaking katabi niya. "And this is my twin, Carlo Emilio Alonzo," sunod niyang tinuro ang katabi ko. "My kuya, Caleb Light Alonzo, I know you already know him," wrong, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya at fiance ko pa. Napailing na lang ako.
"And I'm Carren Esmeralda Alonzo, their Mom," Samabit ng ginang at ngitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Hindi ako bastos.
Hinakan niya ang braso ng lalaking tahimik lang na kumakain. "And this is my Husband, Kane Lawrence Alonzo,"
Kung gaano sila kagagandang nilalang, ganon din ang pangalan nila.
Yumuko ako ng bahagya. "G-Good morning po!"
Ngumiti si Mrs Alonzo at tinaas ang kamay. "Stop the formalities, dear. Tutal ay hindi naman na magtatagal magiging pamilya na tayo, you can call me Tita, alright?"
"Y-yes po, T-tita," Ilang kong tugon.
"So when is the wedding?!" Hyper na tanong ni Karmela, isa sa kambal. Namana niya ata ang ugali niya kay tita samantalang 'yung dalawang lalaki ay sa tatay nila. Don't get me wrong, hindi naman mukhang masungit si Tito, naks may pa tito na. Anyways, tahimik kasi si Tito kaya nasabi ko 'yon.
"W-wedding?" Gulat kong bigkas sa sagradong salita.
"Yes!"
"There's no-- hmm," Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may kamay na tumakip sa bibig ko.
"We didn't plan yet, we will discuss it later so please, don't pressures and scares my fiance," Ipinalibot pa nito ang bisig sa balikat ko at ipinatong pa ang baba sa ibabaw ng ulo ko.
Iginalaw ko ang balikat ko para matanggal ang pangahas niyang kamay at sinamaan ito ng tingin. Tumingin din ito ng matalim.
"Just ride on," basa ko sa galaw ng labi niya.
Hindi na lang ako gumawa ng reaksyon, mamaya sa akin ang lalaking 'to, akala niya basta na lang ako papayag sa mga kalokohan niyang pinagsasabi. Ayoko lang gumawa ng eksena dahil nakakahiya naman sa pamilya niya. Kumain na lang ako, eninjoy ko na lang ang pagkain, sayang rin 'to 'no!
𝗛𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗱 pa kami sa labasan ng pamilya niya. Yumuko ako at nagpaalam.
"Goodbye po, salamat po sa pagkain,"Tiningnan lang ako ni Carlo at kumaway naman sa akin si Karmela. Tumango naman si Mr. Alonzo at mabait na ngumiti sa akin si Mrs. Alonzo, "See you, dear. Balik ka ah?" Ngumiti ako sa tinuran nito. Napakabait niya talaga.
"Sige po,"
Hinila na ako ni Ulam. Oo, hinila, wala man lang kaunting gentleman sa katawan itong lalaki ito.
Iniwan niya ako sa tapat ng passenger seat at umikot na agad sa driver seat nang hindi man lang ako pinagbubuksan ng pinto. Inis na pinadyak ko ang paa ko sa simento at padabog na binuksan ang pinto.
Nang makapasok ay padabog ko ring hinaklit ang seatbelt. Lumingon ako sa lalaking katabi ko at sinaksak ito ng nakamamatay na tingin. If only can looks can kill he will ba a dead meat.
"What? Bakit ang sama mo makatingin?" Parang timang nitong tanong sa akin. Aba! Ang lakas makapagtanong na parang wala siyang ginawa.
"Explain," maikli kong sabi.
Iniharap niya ang katawan sa pwesto ko at tinitigan ako. Napahawak ako sa badang puso ko ng bigla itong sumakit at nabawasan rin ang hangin na pumapasok sa baga ko.
"Katulad ng sinabi ko, you wil be my fiance,"
"At baki---"
Natigil ang pag-angal ko ng tiningnan ako nito ng masama. Sabi ko nga, pagpapaliwanagin ko muna siya.
"Let me finish, okay? Ako muna," ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaya tumango na lang ako.
"As what I am saying, I need a fiance and wife, to make it short, I need you,"
Inabot nito ang pisngi ko at wala sa sariling napapapikit ako sa paghaplos ng daliri nito. Magaspang iyon pero malambot.
Napabalik ako sa sarili at inis itong tinabig.
"Pero bakit ako?""I am out of time, wala na akong oras para maghanap at I see that you're a good woman with a good job, you've qualified and passed my standard."
"Pero--,"
"Don't worry, you just have to pretend then after 1 year we can get an Annulment," Paliwanag pa nito.
"Bu--,"
"No buts, may makukuha ka rin, kailangan ko lang na makuha ang mana at ang kompanya." Sa pangalwang pagkakataon ang pinutol na naman nito ang sasabihin ko.
Lumapit ito sa akin kaya napasuksok ako sa pintuan. Hinawakan nito ang dalawa kong pisngi.
Nang nilapit nito ang mukha niya ay napapikit ako. Naramdaman ko ang hininga niya kaya napahawak ako sa braso nito.
May mainit na kung ano akong nararamdaman sa tainga ko.
"So behave, my soon to be and future wife," his husky voice made my knees turn to jelly at ang init na binubuga niya ay kumikiliti sa akin.
I pushed him dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. "H-hai!" I nervously shake my hands to ease myself.
Tipid na tumawa ito at hinalikan ang pisingi ko, bago binuhay ang makina.
Parang tangang napahawak ako sa pisngi ko at tumulala sa naka side view niyang mukha.
_
𝖶𝗈𝗈𝗈! 𝖠𝗇𝗈𝗍𝗁𝖾𝗋 𝖼𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 𝖨'𝗏𝖾 𝖿𝗂𝗇𝗂𝗌𝗁𝖾𝖽.
𝖲𝖾𝗇𝗌𝗒𝖺 𝗇𝖺 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝗌𝖺𝖻𝖺𝗐 𝖧𝖠𝖧𝖠𝖧𝖠𝖧𝖠
𝗉𝗅𝖾𝖺𝗌𝖾 𝖻𝖾𝖺𝗋 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖾 and support me!
𝖳𝗁𝖺𝗇𝗄 𝗒𝗈𝗎!💙
❄️_ Sorry for the typos and grammatical errors!
YOU ARE READING
The Fake Fiance [ON-GOING]
RomanceSnow Morgianna Vigor a simple owner of a Flower shop meets the broken hearted man, Caleb Light Alonzo. Will these two will fall on each other or will end up broke and hurts?