CHAPTER 4

20 7 0
                                    


-•- 𝐄𝐧𝐣𝐨𝐲!❄️

Chapter 4

Snow's POV

𝗡𝗮𝗴𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 ako sa tunog ng alarm clock.

Wala sa wisyong bumangon ako at pupungas na pumasok sa banyo to do my daily routine.

For final touch, sinipat ko ang itsura ko at nang makitang ayos na ay bumaba na ako para kumain.

Dinig na dinig ko ang ingay nila, what a loud people and house. Bumuntong hininga na lang ako.

"Good morning, Pa," humalik ako sa pisngi niya dumiretso sa pwesto ni Mama para bumati at humalik.

Nagtungo ako sa may likudan ni bunso at kinurot ang mataba nitong pisngi.

"Mama! Si ate, oh!" Angil nito sa akin, tinaliman niya ako ng tingin. Bumelat lang ako rito naging dahil para lalong mamula ito sa inis sa akin.

Tinawanan ko lang ito.

"Wag mo nang inisin ang kapatid mo, Gianna,"

"Opo," Magalang kong pagsuko, wala, e, tiklop ako kay Papa. Kakatakot kaya niyan pag nagalit.

Kumain na lang ako ng natahimik at hindi na sinubukang mang inis.

Nang natapos ay dumiretso na ako sa flower shop.

I bid them a good bye kiss.

𝗡𝗮𝗽𝗮𝗵𝗶𝗸𝗮𝗯 ako dahil sa antok, kumulo ang tiyan ko kaya umalis muna ako sa counter para naghanap ng makakain.

Sa kasamaang palad walang lutong pagkain kaya wala akong nagawa kung hindi kumuha ng mansanas.

Napatigil ako sa akmang pagkat sa pulang pisngi nito dahil sa alaalang pumasok sa isipan ko.

Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisingi.

Makasalanang labi at mansanas.

Itinaboy ko ang nakakahiya pero ginustong alala at kumagat na lang sa mansanas. Tinatamad akong bumili ng meal kaya sa mansanas muna tayo.

Jackie is absent today because of her personal problem kaya ang boring dahil wala ang madaldal niyang bibig.

Nakakamiss din pala ang ingay na kanyang nililikha.

Binuka ko ang aking bibig at kumagat ng napakaling bahagi ng apple nang biglang niluwa ng pinto ang ang WU ko.

Napatigil ang pagnguya ko, paghagod na ang aking pinagkaabalahan.

Mula sa sapatos niyang kumikinang sa kalinisan hanggang sa pantalon niyang itim patungo sa long sleeves niyang blue.

Natigil ang tingin ko sa pandesal niyang hindi gaanong bakat pero dahil sa nilulumot kong utak ay hindi ito naging hadlang.

Napalunok ako at napaubo. 𝘛𝘰𝘯𝘵𝘢!

Hindi ko nga pala nanguya ang mansanas dahil sa pagpasok ng dayuhan.

Naiiyak na dinidibdiban ko ang sarili dahil sa aking nalulon. Hindi ako magkaundaugaga dahil pakiramdam ko ay mapipigtas na ang aking hininga.

Nagulat nang may humawak sa bewang ko at inangat ako, humigpit ang nakalibot niyang braso sa bawat pag-angat ko.

Pigil hinga ako kahit mauubos na ang hangin ko sa katawan dahil sa taong nasa likod ko.

Ilang pag-angat at higpit pa ay lumabas na ang malaking tipak ng makasalanang pulang mansanas! Muntik na ako nitong patayin, kamukha ba ako ni Snow White? Aish.

Binitawan na niya ako kaya humarap ako sa kanya.

"S-salamat," Paos kong pagpasalamat.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nagsalubong ang aming mata.

"Welcome," His husky voice makes my knees shake.

"A-ahm," kapa ko sa salita.

"A-ano pong sayo?"

"Me po ba?" Wala sa sarili kong dagdag.

"What?" Kunot noo ako nitong pinagmasdan at tinignan ako na para bang isa akong baliw.

Napapilig ako at tinuktukan ang sarili. Umayos ako ng tayo.

"Ano pong kailangan niyo? Bibili po ba kayong bulaklak?"

May bago na ba siyang pabibigyan?kasintahan? Ang bilis naman niyang mag move on. 𝘚𝘱𝘦𝘦𝘥 𝘴𝘪 𝘬𝘰𝘺𝘢𝘩.

"No. You. I need you,"

Napatanga lang ako sa harapang niya.

𝗡𝗮𝘁𝗮𝗴𝗽𝘂𝗮𝗻 ko ang sarili ko sa harapan ng malaking bahay o mansyon.

Matapos kong tumunganga ay walang sabi-sabi niya akong hinila, dahil sa state of shock ay huli na para makaangal.

Buti na lang at na sarhan ko pa ang flower shop.

Hindi ko alam kong para saan o ano at kung bakit niya ako kailangan. Hindi.. Kaya? No! Hindi pwede! Kahit pa siya si WU ko! Hindi ako papayag!

Napayakap ako sa sarili ko. Dahil sa break na sila ng sinta niya ay naghahanap siya ng malalabasan ng init. Antipatiko.

Tumigil ang sasakyan, bumaba siya at dumiretso sa malaking pintuan.

Napatigil siya ng narealized niyang walang nakasunod sa kanya.

Lumapit siya sa may side ko, tinitigan niya akong ng masama kaya napasiksik ako sa may driver seat. No! Ayoko! Over my dead sexy body!

Nang hindi talaga nagpakababa ay padabog niyang binuksan ang pinto.

Mas lalo akong pasiksik, kumapit ako sa manibela ng hawakan niya ang kanan kong kamay.

Umiling ako. Nanlilisin na ang berde niyang mata at mas lalo niyang nilakaan ang paghila.

Nag tug war kami, hindi ako bumitaw sa manibela kahit pa matanggal ito at hindi rin siya bumitaw sa kamay ko.

Nang mapagtanto niyang wala talaga akong balak na bumaba ay sumampa na siya at pwersahang inalis ang pagkakapit ko.

Pinalibot niya ang braso niya sa bewang ko at binuhat ko palabas!

"Ayoko! Put me down!" Kinawag-kawag ko ang paa at kamay ko.

Sinubukan kong baklasin pero sadyang mala bakal ang kanyang braso kaya hindi natanggal.

Tumigil na lang ako dahil useless at ako lang ang manghihina. Saka na lang ako tatakas pagbinitawan na niya ako.

Binababa niya ako sa may tapat ng malaking pinto.

Akma akong tatakbo ng hinawakan niya ang kamay ko kaya hindi ako nakaalis.

Binuksan niya ang pintuan.

Dumiretso kami sa Dinning area.

Natagpuan ko ang pares ng mga lalaki at babae.

"May I have your attention, please?" Sambit ng katabi ko kaya naman nag lingunan sila sa gawi namin.

Nagulat ako dahil kitang-kita na high quality ang genes nila,talaga namang ang gagandang nilalang nila.

"This is-what is your name?" Bulong nito sa akin.

"Snow Morgianna,"

"This is Snow, my fiance,"

_

Sorry for the typos and grammatical errors!
Thank you!
_❄️

The Fake Fiance [ON-GOING]Where stories live. Discover now