𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆!
_Chapter 3
Snow's POV
"𝗛𝗔𝗥𝗗 drink, please," Pagtawag sa atensyon ko ng lalaki. Naandito ako sa isang sikat na bar, nagtatrabaho. Hindi ako stripper o kung ano pa man, bartender ako rito. Ito ang isa ko pang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aasikaso sa flower shop.
"Alright, just give me a minute, sir!" Agad akong kumilos at ginawa ang gusto niyang inumin.
"Here's your order, hard drink," Nilapag ko ito sa kanya harapan at tumalikod.
Sikat itong puntahan ng mga mayayamang tao na gustong magrelax kahit paano kaya naman hindi ako magkanda-ugaga sa kung anong uunahin dahil ang isa kong kasama ay hindi pumasok, may sakit kasi ito.
𝗪𝗔𝗟𝗔 sa oras na napahawak ako sa batok ko dahil sa pagkirot nito, pati na rin ang aking sintido, dahil sa antok.
Tapos na ang shift ko kaya pauwi na ako at nag-aantay na lang ng masasakyan.
Nag-i-strech ako ng kamay at paa dahil sa walang katapusan kong pagtayo at paggawa ng kung anong drinks, wala naman akong karapatang umangal dahil trabaho ko ito at gusto ko rin naman ang ginagawa ko kahit na nakakapagod at nakakapuyat.
Naghihintay ako ng masasakyang taxi, gabi na at walang masyadong dumadaan dito dahil sa hindi ito bastang bar at ang customer dito ay may sariling sasakyan kaya talagang bihira lang na may dumaan dito.
Naisipan kong maglakad-lakad para hindi tuluyang antukin nang may narinig akong nakakadiring tunog sa may sulok, madilim dito.
Alam ko namang curiosity can kill the cat pero hindi naman ako pusa kaya sumubok pa rin akong puntahan ito. 𝖳𝗂𝗀𝖺𝗌 𝗎𝗅𝗈, 𝗍𝗌𝗄.
Nakita ko ang isang lalaki na nakasandig sa isang mamahaling kotse, nagsusuka at hirap na itong makatayo. Tila ba nilunod niya ang sarili sa pag-inom.
Nilapitan ko ito dahil naawa ako sa kalagayan nito. Mahirap na, baka mamaya may dumaan ditong masasamang loob at pagdiskitahan si kuya, nasa sulok at madilim na lugar pa naman siya, natitiyak kong walang makakatulong dito pagnagkataon lalo na sa lagay ng lalaki.
Dali-dali ko itong dinaluhan ng babagsak na ito sa sobrang kalasingan kahit pa nakakadiri ang amoy nito.
"Hmm," Nagulat na lang ako ng yumakap ito sa akin at sumiksik sa leeg ko.
Manyak pa ata itong lalaking na 'to, pilit kong kinakapa ang bulsa niya, oh, hindi ko siya nanakawan, kukunin ko lang ang susi para sa kotse.
Nakapa ko na ang susi nito, nasa may unahang bulsa, tiniis ko ang nakakasulasok na amoy at binuksan ang pinto. Padabog ko itong nilagay sa driver seat at ako naman ay sumampa sa passenger seat.
Bakit parang baliktad? Bakit hindi ako umupo sa driver seat? Hindi po ako marunong mag drive. Binuksan ko ang ilaw sa loob para naman lumiwanag.
Tumingin ako sa estranghero at nagulat ako ng makilala ko ito, si MWU!
Nakasandal na ito sa may bintana. Pantay ang paghinga. Tinitigan ko ito. Nagkita na naman kami sa pangatlong pagkakataon.
Ang lungkot ng mukha niya, dahil ba ito sa kasintahan niya? Ex-lover na nga pala sila. Malamang dinaramdam niya pa rin ang pagtanggi sa kanya ng dating sinisinta.
Hindi ko na malayan na nakatulugan ko na pala ang ang pag-iisip sa problema niya habang nakatitig sa mukha nitong perpekto pero may bahid ng kalungkutan....
𝗡𝗔𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 ako sa hindi komportableng posisyon pero may mainit-init akong nararamdaman.
Naimulat ko ang aking mata nang bahagyang gumalaw ang mainit na pakiramdam na 'yon.
Bumaba ang tingin ko sa bagay na nakapulupot sa bewang ko. Maugat na braso ang aking natagpuan.
Nang tinalunton ko ito ay nakita ang nagmamay-ari nito. Naalala ko ang nangyari kagabi.
Napatingin ako sa labas, umaga na pala.
Nasa backseat na kami, at pinagkasya ang aming mga katawan sa upuan. Nakapulupot ang kanyang braso at nasa may tiyan ko ang kamay habang ang isa niyang kamay ay nasa ulunan at ginawang unan.Paano? Ang pagkakaalala ko ay nasa passenger at driver kami.
Tumingin ako sa mukha niya, panatag na ang maaninag sa mukha niya. Para bang nabunutan siya ng tinik.
Ang sarap panoorin ang pagtulog niya. Ang mahaba niyang pilik mata, na dinaig pa ang akin. Ang kilay niya na sabog at makapal. Hindi ko maiwasang ilandas ang aking kamay sa ilong niya, grabe napakatangos, talong-talo ang pinoy na ilong ko. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang kanyang pang dayuhan at pinoy na akin.
Bumaba ang tingin ko sa labi niyang bahagyang nakabukas. Tila lalo pang huminog ang mansanas, namumula-mula pa rin ito. Daig pa ang labi ko pagnilagyan ng lipgloss sa sobrang pula.
Parang ang sarap kumain ng mansanas para sa almusal. 'Di bale nang walang lumapit na doctor, basta may mansanas.
Dahang-dahang lumalapit ang mukha ko sa mukha niya. Pumikit ako nang maramdaman ko na ang lambot nito, parang bulak sa lambot.
Kahit isang kagat lang sa pulang mansanas.
Dahan-dahan kong kinagat ito, manamis-namis ito na parang asukal.
Hindi man ako marunong humalik, marunong naman akong kumagat.
Hindi ako nagsisi na binigay ko ang first kiss ko kay MWU at may kagat pang kasama.
Napabalik lang ako sa reyalidad ng bigla itong umungot. Mabilis pa sa alas kwatro na nilayo ko ang mukha ko!
Ayoko pang makulong!
Wait lang, may nakukulong ba sa pagnanakaw ng halik? Aish, basta!
Maingat kong tinanggal ang braso niya nang hindi siya nagigising. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas ako sa kanyang kotse at mahimbing pa rin ang tulog niya.
Kabado kong sinapo ang dibdib ko dahil sa kaba.
Anong oras na ba at parang ang taas na ng sikat ng araw? Liningon ko ang relong pambisig. Napamulagat ako ng makita kong 8:00 am na!
Late na! Magbubukas pa ako ng flower shop! Putspa naman oh! 'yan nakaw pa ng halik!
Late ka na nga, makukulong ka pa!
Inis na ginulo ko ang gulo kong buhok at pumara ng taxi para makauwi at makapagbihis na.
Napalingon ako sa aking pinanggalingan at wala sa sariling napahawak sa labi..
Masarap naman pala ang pulang mansanas sa umaga, bulong ng isang malanding bahagi ng utak ko.....
_
Sorry for the typos and grammatical errors!
See you sa susunod na update!
YOU ARE READING
The Fake Fiance [ON-GOING]
RomanceSnow Morgianna Vigor a simple owner of a Flower shop meets the broken hearted man, Caleb Light Alonzo. Will these two will fall on each other or will end up broke and hurts?