CHAPTER 2

27 9 0
                                    

                   𑁍𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆!𑁍

_

Chapter 2

Snow's POV

𝗧𝗛𝗜𝗦 is the last day of April. So far so good naman ang kita nitong shop. May mga time na matumal ang benta at may time rin na sobrang hindi magkanda-ugaga sa pag-aasikaso sa dami ng bumibili. Kung magpapatuloy ng ganito ay malamang, maaring lumago pa itong shop.

Inaayos ko ang bulaklak na ide-deliver ko, special request ng customer, kailangan ay ako pa ang magdadala. Balita ko ay balak pa nitong surpresahin ang girlfriend at mag-alok ng kasal..

Ako kaya? Kailan kaya ako makakahanap ng makakasama ko sa pagtanda? Kailan kaya ako magkakaroon ng taong masasandalan at sasandal sa akin? 'Yung tipong kunting problema ay idadaing na sa iyo. Iwinaglit ko muna sa isipan ko ang mga bagay-bagay dahil dadating naman 'yon sa tama at takdang panahon.

Naandito na ako sa lugar kung saan si customer magpo-propose. Infairness ang bongga niya ah, halatang mayaman dahil makikita mong pinaghandaan at mukhang mahal na mahal din nito ang kapareha.

Pagkatapos kong ipwesto ang mga bulaklak ay sumaglit muna ako sa restroom para tingnan kung presentable ba pa ang aking itsura. Nakakahiya naman kung humarap ako ng dugyot ang itsura, baka imbes na umulit sila sa pag-order ay hindi na.

Lumabas ako nang makarinig ako ng ingay sa labas. Nagsisimula na ba? Sumiksik ako sa pagitan ng mga tao dahil natatakpan nila ang kung anong kaganapan.

At dahil petite lang naman ako ay madali para sa akin ang lumusot. Nang nasa unahan ako ay nakita ko ang isang lalaki na nakaluhod sa harapan ng babae.

Nasa kamay nito ang red box na naglalaman ng singsing, isang napakagandang singsing!

"Babe, will you marry me?" Narinig kong tanong ng lalaki. Halatang kabado siya dahil bahagyang nanginginig ang mga kamay nito.

"Yes na 'yan!" Ang kantyaw ng mga manonood. Nakakaba rin pala ang manood ng mga ganito, ano kaya ang feeling na ikaw na ang nasa sitwasyon nila? Nakakaihi kaya sa sobrang kaba? Tumitibok ng mabilis ang puso mo sa sobrang excitement at kilig? I sighed dreamingly.

Nagulat na lang ang lahat ng umiling ang babae habang umiiyak na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan.

"B-Babe?" Nalilitong tanong ng lalaki. Nagugulumihan sa kinikilos ng kanyang sinta.

"I-I'm sorry, Cali," Umiiyak na tugon ng babae at dadali-daling humakbang ng paatras at talikod para tumakbo. Napigilan ito ng lalaki bago pa tuluyang makatakbo.

"W-Why?" Madiin ngunit mahinang ani ng lalaki. Nakita ko nang tuluyan ito, si Walking Ulam! Napatakip ako ng bibig at bahagyang kumabog ang puso ko.

"I'm s-scared.. Hindi pa ako handa, I'm sorry!" Parang biglang nawalan ng lakas ang lalaki kaya nakawala ito sa pagkakahawak niya.

Patakbo itong lumabas at hindi manlang lumingon sa dating sinta.

Nang lumingon ako sa paligid ay nakita ko ang mga tao na nakikisimpatya kay WU ang mga mukha nila'y awa ang mababakas. Awa para sa lalaking lumalabas. Awa para sa lalaking tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa. Para itong naglalakad nang walang direksyon. Walang pakialam sa paligid kahit na para itong lantang gulay dahil sa nakababang mga balikat na para bang nalugi ang negosyo nito.

Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala si MWU short for My Walking Ulam. Wala, e. Mapang-akin ako.

Para bang may sariling isip ang paa ko.

Unti-unting bumagsak ang ulan na para bang nakikidalamhati at alam kung gaano kalungkot ang lalaking nasa unahan ko.

Parang wala lang sa kanyan ang pagbuhos ng ulan at tuloy-tuloy pa rin siya sa paglakad.

Tumigil siya sa playground, umupo sa isang swing. Nanginginig na umupo rin ako sa katabi nito. Hindi man lang siya gumalaw, hindi niya ata namamalayan na may tumabi sa kanya dala ng labis na kalungkutan.

Nakayuko lang siya at nakatingi sa kanyang sapatos na ngayon ay natatalamsikan na ng putik dahil sa ulan. Tumingla ako at napapikit dahil sa pagbagsak ng ulan.

"Why?" Mahina nitong tanong. Taka akong tumingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata, nakatingin din pala siya sa akin. Ang dating matalim at nanlilisik na mga berdeng mata ay para bang naubusan ng enerhiya.

"H-Huh?" Taka kong tanong.

"Is it really scary? Getting married? The lifetime commitment?" Sunod-sunod nitong tanong. Ang mga mata niya'y puno ng kalituhan.

"Uhmm, maybe no, maybe yes. Depende sa mga tao ang sagot. May mga takot na matali at may mga taong gustong matali na para bang hindi sila takot sa paparating na responsibilidad,," Ani ko habang nakatingin sa harapan, hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya na napakalalim.

"Scared, hmm," Pagkausap nito sa sarili.

"Ikaw ba? Hindi ka takot? Na mawalan ng kalayaan? Ang malimitahan ang kilos? Ang masakal? Ang makasal?" Balik na tanong ko sa kanya.

"You see, why would I even propose on knees if I'm scared? I'm not stupid to lock myself if I'm scared and not ready," Ganti niya.

Oo nga naman, bakit siya magpo-propose kung takot siyang matali? Dumb questions, indeed.

Hindi na siya nagsalita kaya hindi na rin ako umimik. Tumila na rin ang ulan at naglalabasan na rin ang bituin.

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ang hangin. Nabasa nga pala ako ng ulan, baka magkasakit ako neto.

Nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa init na nagmumula aa likod ko, nang nilingon ko ay isang coat ang aking nakita.

Hinubad niya pala ito at ipinatong sa balikat ko. Kaya naman ang white shirt na lang na panloob ang suot niya. Medyo bumakat ang pandesal dahil sa basa ito. Sumang malagkit, kailangan ko ng kape!

"It's getting late, you should go home and change or else, you'll get sick," He said then turn around and walk away.

"Goodbye and goodnight, MWU!" Sigaw ko habang kumakaway kahit na nakatalikod na siya. Tumigil siya at humarap sa akin. "Night, pink girl," Tamad na tugon nito pero nakita ko ang tipid niyang pagngisi.

𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 ko lang maligo para iwas sakit at ngayon ay naghahanda na para sa pagtulog.
Pinikit ko ang aking mata. Nakita ko ang pagngisi niya at pati na rin ang kanyang malapad na likod. Yummy! Nakakakilig talaga ang ngisi nito kahit na tipid lang at least napawi ang lungkot niya kahit papano. Tuluyan na akong hinila ng antok patungo sa Dreamland......

_

❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎❄︎

Sorry for the typos and grammatical errors!
See you sa susunod na update!
-Blackshades♡︎

The Fake Fiance [ON-GOING]Where stories live. Discover now