CHAPTER 9

13 1 0
                                    

𝗔𝘄𝗶𝘁, 𝗺𝗮𝘂𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗮𝗱 𝗸𝗼 𝗮𝘁 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗸𝗼, 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝗺𝗮𝗱. 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢 𝗞𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗬𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗪 𝗠𝗔𝗡! 𝗪𝗔𝗕𝗬𝗨𝗨𝗨.

CHAPTER 9

SNOW'S POV

MAHIRAP talaga pag walang katugon ang nararamdaman natin 'no? Pero mas mahirap ang magkaroon ng nararamdaman sa taong brokenhearted, sa taong hindi pa nakaka-move on sa sinta niya. Hays, ewan. Bahala siya sa buhay niya hindi ako magpapakita, manigas siya.

Pake ko kung hindi niya makuha ang mana niya? Bahala siyang mamulubi, hindi ko naman future 'yon kaya WALANG MAY PAKE. PERIOD WITH NO ERASER.

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas mula nang mangyari ang lahat ng UNUSUAL na kaganapan sa buhay ko.

Pinipilit kong taguan at iwasan siya, dahil 'yon ang dapat at nararapat. Ayokong maki-gulo sa magulo niyang buhay. Simpleng buhay ang aking nais.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa aking trono at naghugas ng kamay.

"Where is she?!"

Napatigil ako sa pagpihit ng siradura at dinikit ang tainga sa may pinto ng marinig ko ang boses ng kumag na 'yon. Aba, talagang pumunta pa rito. Asa siya! Hindi ako lalabas. Kung gusto niya'y maghanap siya ng willing magpagulo ng buhay. Hindi porke't gwapo siya ay papayag na lang ako sa gusto niya, kahit siya pa ang nakakuha ng first and second kiss ko! Ha! Over my dead body! Manigas siya.

"A-aa.. I d-don't este hindi ko po a-alam, sir. B-bakit po ba?" Mababakasan ng panginginig ang boses ni Jackie.

Pinigilan ko ang sarili ko na lumabas sa pinagtataguan at sugurin ang kumag na nagwawala sa shop ko! Akala mo kung sino, dahil lang sa may ulam siya ay pwede na niyang gawing kanin ang lahat?! Ang kapal, kapal ng kalyo niya sa mukha!

"Oh, yeah. And you want me to believe that? Again. Where. Is. She?" Bahagya akong nangilabot nang dahan-dahan niyang binigkas ito nang may kasamang diin.

"H-hindi ko nga po a-alam. Ilang araw na po siyang hindi na punta rito kaya po ako lang po ang nagbabantay rito, kaya kung pwede po ay umalis na kayo." Mahabang paliwanang ni Jackie. Very good girl, palayasin mo ang kumag na 'yan dahil hindi siya welcome rito!

"Okay, if you say so," Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil sa akala ko ay aalis na ito pero may hirit pa ang kumag, nanonood siguro ito ng Unang Hirit. Ang hilig humirit, e.

"I'll come back tomorrow, kaya higitin mo kung saan mang lupalop NAGTATAGO 'yang amo mo, got it?" Wow, kapal talaga ng mukha. Eh kung dila niya kaya ang higitin ko? Anyways, tama na ang satsat. May araw din sa akin ang kumag na Caleb na 'yan.

Nang narinig ko ang pag-andar ng sasakysan niya ay lumabas na ako sa CR. Thank you, Cr.

"Nakuuu! Ano bang ginawa mo Mors?! Bakit may naghahanap sayo? Nagnakaw ka ba?! Sabi ko sayong magbantay ka na lang ng shop mo! Makukulong— Aray!" Hindi ko na siya pinatapos at agad na binatukan.

"Gandang bungad naman ng armalite mouth mo, hindi pwedeng magsalita? Hindi pwede?"

"Ay sarreh. Hehehe. So ano na nga? Bakit nga may naghahanap sayong gwapa?" Kinikilig na patutsada nito.

"Gwapo ka diyan!" Angil ko.

"Hoyy, ineng! Gwapa 'yon! Kanin na lang ang kulang at pwede na tayong kumain ng tanghalian 'no!" At ang gaga, mukhang naglalaway pa talaga.

"Eww ka, Jackyy! Laway mo tumutulo!" Agad niya naman itong pinunasan ng table napkin. Table napkin? Takte talaga tong babeng 'to. Ready-ng ready na, ai.

"Magkwento ka na biliiii!!!"

"Oo na, oo na! Wag mo akong yugyugin dahil nahihilo ako sa ginagawa mo!" Tiningnan ko ito ng masama at nag peace lang siya akin.

MATAPOS kung i-kwento ang kaganapan at ang dapat niyang malaman ay bigla itong nagtatalon.

"OMG! OMG! MANGGAGAHASA KA DAIII!" Anito, habang turo-turo ako.

Hindi ko maiwasan mapa-facepalm dahil parang ang tumataktak lang sa kanya ay chup-chup scenes. "Ano ba! Para kang abno, tigilan mo nga 'yan,"

"Basta, tulungan mo na lang akong  pagtaguan siya, okay?" Tumango naman ito kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Sino ba naman kasing nasa matinong pag-iisip ang papayag sa alok niya? Definitely not me," Ngumiti ito sa akin ng matamis at sinabing, "Ako! Akooooo!" Habang inawagayway pa ang kamay.

"KUMUSTA na siyang shop, Ianna?" Napatingin ako kay Papa dahil sa taong niya.

Lumunok muna ako bago sumagot.
"Okay lang naman po, at hindi naman po kami nahihirapan," Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain kaya napahinga ako ng maluwag. Dumako ang tingin ko kay Mama at agad na nagsalubong ang tingin namin, ngitian niya ako na ginantihan ko rin bago pinagpatuloy ang tahimik na pagkain.

DEAR, GOD. SALAMAT PO SA LAHAT AT SORRY SA MGA KASALANANG NAGAWA KO. NAWA PO'Y MAILAYO NIYO AKO SA TAONG NAGNGANGALANG CALEB. AYOKO NA PO SIYANG MAKITA. AYOKO PONG MAPASOK SA MAGULO NIYANG BUHAY. AYOKO PONG MASAKTAN. AYOKONG UMIYAK. AMEN.....

'𝘚𝘰𝘮𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴 𝘩𝘶𝘳𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘬𝘦𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦'.....

_

𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗦𝗔. 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚 𝗨-𝗨𝗗 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗠𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 '𝗞𝗔𝗧𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡' 𝗦𝗜 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥. 𝗠𝗘𝗗𝗬𝗢 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬𝗔 𝗞𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗡. 𝗦𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗙𝗘! 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗟𝗢𝗧𝗦! Hindi po ako galit, kalma, fellas.

The Fake Fiance [ON-GOING]Where stories live. Discover now