Kabanata 22

24 7 0
                                    

Vestine.


"Ako na nga dyan."


Napalingon ako sa likuran at bumungad sa akin si Gab na nakakunot ang noo na nakatingin sa mga plato sa harapan ko. I decided to wash the dishes but they just won't let me. Hindi ko alam kung dapat ko ba na ikainsulto 'yun. 


"What? I know how to wash the dishes." I insisted, annoyed.


He rolled his eyes playfully, "Sino ba nagsabi na hindi? Gusto ko lang ako maghugas, bakit ba."



Nagtataka ko syang tinitigan. Nang tumabi sya sa'kin ay mas napatitig ako sa kanya. Ang kanyang nakangiting mukha kanina ay dahan dahang sumimangot bago lumingon sa'kin. Sa sapa kasi kami naghuhugas kaya hindi kami nakatayo. Sabi naman ni Elaine ay malinis daw rito. This is my first time to actually wash dishes by the lake.


"A-ano?" Nauutal nyang tanong. 


I faced him so I could see his expression well. Anong meron? Bakit ganto sya ngayon?


"Anong meron? May kasalanan ka, 'no?" Pinanliitan ko sya ng mata nang itanong ko 'yon sakanya. 


Lumihis ang mata ko sa taong nasa kabilang bahagi ng sapa. Nakatitig sya sa'min habang kunot na kunot ang noo. Tinaasan ko sya ng kilay ngunit hindi man lang sya natibag, mas lalo nya pa ata kaming tinitigan. Sabagay, kelan ba sya natakot sa'kin? 


Nasa akin ang kanyang paningin bago bumaling kay Gab. Kunot na kunot ang kanyang noo at ang kanyang panga ay nagtatagis. Pansin ko rin ang pagkuyom nya ng kanyang kamao. 


Is he mad? At me? Wow ha, sya pa talaga itong galit. Kapag tinanong mo, hindi sasagot at susungitan ka lang. Ngayon naman na nananahimik ka, magagalit sya. 


"Wala akong kasalanan, gusto ko lang talaga maghugas." Sagot ni Gab kaya mabilis kong ibinalik sa kanya ang aking paningin. 


Tumango tango ako. Mukhang wala talaga syang plano na magpatalo kaya hahayaan ko nalang sya sa gusto nya.


"Okay, ganto nalang. Ikaw sasabon, ako magbabanlaw. G?" suhestyon ko.



Ayokong bumalik sa tent dahil ayoko makita si Ryle kaya mas pipiliin ko nalang na makipagbulastugan kay Gab kesa naman sa bumalik don at mainis na naman kay Ry. I'll just settle for this. 



"Okay, sige. Kahit gusto ko ako lahat pero wala akong magagawa kasi makulit ka." Kunwaring irap nya pa sa'kin pero natawa naman sya agad kaya hindi ko na rin napigilan pa na tumawa. Hinampas ko sya pero nakailag naman sya  kaya nauwi kami sa tawanan. 


Habang naghuhugas ay nakatitig lang ako sa kamay ni Gab na maiging maiging kinukuskos ang bawat plato. Napanguso ako nang maalala ang nangyari kaninang umaga. Hindi nya na rin naman dineny na gusto nya si Elaine kaya siguro nga ay totoo. Halata rin naman pero kung ganoon nga, bakit ayaw nya gumalaw? 

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon