Kabanata 25

33 6 0
                                    

Vestine.


"Luh, ayaw talaga ako pansinin." Rinig kong bulong batang nagtatampo na nasa likuran ko ngayon.


I tried my best to hide my smile. I just couldn't stop it. Napalingon ako nang marinig ang pagbubulong bulong ni Gab sa kanyang sarili. He's mocking me. 


"Ano?" Mataray kong tanong sa kanya habang nakataas pa ang kilay. 


Itinaas nya ang kamay at tumawa, "Luh, Elaine oh, inaaway ako." Pagsusumbong nya pa habang nakanguso. 


Lumingon naman ako kay Elaine na ngayon ay gulat na nakatingin sa kanya. Nagtataka ang mga mata nito habang nakakunot ang noo. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ni Gab. Wow. Parang kailan lang ay sabi nya na ayaw nya mag risk. 


I smirked at Gab, "Word eater." Pang aasar ko pa sa kanya. 


"Bakit ba, kasalanan ko ba na nanrupok ako? Nagmamahal lang naman ako, ah." Pagdradrama nya pa habang nakahawak sa dibdib. Ang kanyang mga mata ay nakapikit at umaakto na para bang nasasaktan.


"Manahimik ka nga dyan." Pambabara ni Elaine. 


I chuckled. They looked so cute. Kahit na nagkaaminan na ay hindi pa rin nawala ang kanilang pag aasaran. 


"Panes ka, pre." Ry said to Gab. 


"Mas panes ka kapag di ka pinansin ni Vestine buong araw. Boom panes ka talaga, hinayupak." Pagbabalik ni Gab sa sinabi ni Ry. 


I wanted to laugh but I didn't. Sa totoo lang ay hindi naman ako nagtatampo o asar sa kanya. Sadyang gusto ko lang syang asarin ng ganito dahil gusto kong makita kung ano ang gagawin nya kapag ganito ang pakikitungo ko sa kanya. 


Nandito na kami ngayon sa isa pang destination namin. We're near a lake where the water is very clear. I liked how the sound of the waves embraced this part of the forest. Hindi na ganoon karami ang puno pero malalaki naman. The leaves of the trees served as our shield from the sun. 


Becuase of curiousity, I walked towards the lake. Rinig ko pa ang pagtawag ni Ry sa akin pero hindi ko sya ulit pinansin. 


"Hoy, sa'n ka ba pupunta?" 


I chuckled. Alam ko naman kasing susundan nya pa rin ako kahit hindi ko sagutin ang tanong nya. I walked slowly when I felt how smooth the land is. Baka mamaya ay madulas pa ako rito. 


"Vestine, ingat. Pag ikaw talaga nadulas dyan." Sa tono ng pananalita ni Ry ay alam kong mayroong kaunting inis syang nararamdaman. 


I closed my eyes when I felt how my feet slipped. I was expecting to land on the ground but I didn't. Nung oras na yun ay gusto kong sumigaw pero hindi ko naggawa dahil mabilis ang pangyayari. I was waiting to fall on the ground but an arm wrapped into me. 

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon