Vestine.
The next morning was like a blur to me. Nagdalawang isip pa ako na lumabas ng tent pero nang tinawag ako ni Elaine ay wala akong naggawa kung hindi ay tumayo. I don't have a choice. Ayoko rin naman na maghintay sila sa'kin.
"Here." Sabi ko nang makalabas ng tent.
I saw how Ry turned his gaze to me. Kaagad naman naglikot ang aking mata para lang maiwasan ang mga titig nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari kagabi. After what he said, I stood up and went inside the tent.
Hindi nya ako hinabol at walang kahit na isa sa kanila ang humabol pa sa akin. I'm thankful for it though since I don't really know how to face them last night after what happened.
Bakit kasi mas pinili nya akong halikan?
I sighed and forced my self to get back to my senses. Vestine, please lang. Umayos ka ngayon. You're gonna be with him for the whole day maliban na lamang kung makakarating kami sa pupuntahan ng maaga.
Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paglakad ni Ry papalapit sa'kin kaya bigla akong nataranta at naglakad papalapit kay Gab na syang malapit sa'kin.
"Oh, hoy." Giit nya nang hinigit ko ang gilid ng shirt nya.
Pumwesto ako sa gilid nya at umakto na parang wala lang. Tinulungan ko rin sya sa pag aayos at halos umabot ang tuwa ko nang makita na lumayo layo si Ry sa'min.
What the heck, Vestine. Seriously? Iiwasan mo sya?
Bigla ay ramdam ko ang paglapit ni Gab papunta sa tenga ko. Nagtaka ako sa ginawa nya kaya nilingon ko sya habang nakakunot ang noo. Ang kanyang tingin ay nasa harap lamang pero ang kanyang labi ay nakangisi ng mapang asar.
"Iwas pa more." Bulong ni Gab sa'kin at bumalik sa pag aayos ng bag.
I pouted before leaning towards his ear, "Masyado ba akong halata?" Inilibot ko pa ang paningin bago iyon tinanong sakanya para naman hindi ganoong mahalata ng dalawa naming kasama.
"Oo, sa true lang. Bakit ka ba kasi umiiwas?" Mahina ang kanyang boses na tamang kami lamang dalawa ang makakarinig.
Dinampot ko ang isang bato at sinipa bago umupo habang nakatukog ang dalawang braso sa tuhod, "I-I don't know. Siguro ay hindi lang ako makapaniwala sa nangyari? I mean, he confessed or did he? Masyado ba akong assuming?" Sunod sunod kong sagot.
Rinig ko ang paghalakhak ni Gab kaya asar kong ibinaling ang paningin sa kanya. Nakahawak pa sya sa tyan habang tumatawa ng malakas.
"Ano ba!" I gritted my teeth annoyingly. Kinuha ko ang isang maliit na bato at hinagis sa kanyang paa na nasa harap ko dahil nakatayo sya.
"Aray, aray. Sorry naman!" He exclaimed.
BINABASA MO ANG
Until Then
RomanceVestine Blaire Addison - a girl living her mother's dream for her. She have been locked up under her parents' conditions and standards. Chaun Ryle Aleverez - a gorgeous happy-go-lucky-guy who has a messy hair. He doesn't seem to care about people a...