Vestine.
"Bumalik na nga tayo. Ba't ba tayo ang sesenti?" Tumatawang sabi ni Gab.
Umirap ako bago humarap sakanya, "Excuse me, ako lang yung nandito kanina pero bigla kang umepal dyan. Ang ganda na ng pananahimik ko kanina, e." Pagsusungit ko.
Totoo naman kasi. My heart was happy with the ambiance not until he came and he put words unto my mind. Baka hindi na tuloy ako makakatulog nito. Bakit kasi ang daldal nya ngayon?
Really, Vestine? Naninisi ka pa? Kasalanan 'yan ng pagiging curious mo sa mga bagay bagay. Pwede naman sana kasing manahimik at magpakasaya nalang sa camping na 'to. Hindi ko rin sila gets, e. Ano bang ginagawa namin dito? They look like they don't have a plan.
"Excuse me." He mocked me before turning his back.
Nagsimula na syang maglakad papabalik pero hindi ako sumunod. I stayed from where I was.
"Hoy, Vestine!" Rinig kong sigaw ni Gab kaya kunot noo ko syang binalingan.
Medyo malayo layo na sya sa akin pero rinig na rinig ang sigaw nya dahil sa lakas ng boses nya. I sighed.
"What?!" I shouted as loud as I can just for him to hear it.
"Aalis pa tayo bukas, tara na!" Sigaw nya.
Doon nakuha ang atensyon ko. Ano? Aalis? Ah. I get it. Malamang camping ito kaya dapat na kaming umusad talaga. Bumuntong hininga ako bago muling sinulyapan ang mga bituin at nagsimula ng maglakad pabalik sa tent.
"Antayin muna natin si Vestine. Nakita nyo ba sya?"
"Ah, kakagaling namin manuod ng stars. Pabalik na 'yon."
"Nanuod? Kayo lang dalawa?"
"Mukha ba tayong may iba pang kasama dito, pre?"
Rinig kong usapan nila at natawa ako sa sinagot ni Gab kay Ry. Nagmukha kasing tanga si Ry dahil sa naging tanong nya. Tama nga naman. Mukha ba kaming may ibang kasama? Magkasama sila ni Elaine kanina kaya sino pa ba ang pwede kong makasama? No choice naman ako kay Gab.
I tried to calm myself before walking towards them. Ayoko mag mukhang kawawa sa harapan nila.
"Hi, guys!" Kuwaring masigla kong salubong sa kanila para hindi halata na meron akong iniisip. I shouldn't think this way also. Masama ito.
Wala akong karapatan dahil wala namang meron sa'min ni Ry para maapektuhan ako sa kanya ng ganito. And Elaine. . . she's a friend. Masamang mag isip ng kung ano ano sa kanilang dalawa. They're both close to me at ayokong magkaroon ng ilangan sa aming tatlo. And as for Gab, I really don't think he'd make a move on Elaine.
BINABASA MO ANG
Until Then
RomanceVestine Blaire Addison - a girl living her mother's dream for her. She have been locked up under her parents' conditions and standards. Chaun Ryle Aleverez - a gorgeous happy-go-lucky-guy who has a messy hair. He doesn't seem to care about people a...