Kabanata 37

26 3 0
                                    

Vestine. 


"Ang galing nga maging body guard, e. Kahit san punta ni Vestine, lagi ako nandon. Maliban nga lang ngayon kasi kasama nya si Zen." Pagkwekwento ni Gab sa kanila. 


Nakangiti lamang akong nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Ry. Nagkwekwentuhan sila habang nakikinig lang ako. I'm really happy to see them. 


"Zen?" Nagtatakang tanong ni Elaine habang ang atensyon ay nasa kay Gab. She looked so interested. 


Tumango tango naman si Gab bago sumandal sa sofa at nagpande kwatro, "Oo! Yung ka loveteam nya kaso mas gwapo naman si Ry don, e."


I laughed at his sudden comment. Ayaw nya ata sumoporta sa amin ni Zen dahil alam nya ang tungkol sa amin ni Ry. Halatang mas gusto nya si Ry para sa'kin. They don't need to be worried about that, though. I can assure them that there's nothing going on between me and Zen. 


"Oo nga pala, Vestine. Kelan mo pa naalala?" Elaine asked. 


"Ah! Alam ko kung kelan!" Biglang pagsingit ni Gab na syang kinainisan ni Elaine. 


Elaine turned to Gab with her annoyed expression. Gab made a gesture like he's zipping his mouth shut. Natawa naman ako dahil kahit papano ay naroon pa rin ang pagiging aso't pusa nila kahit sila na. 


They will never be Gab and Elaine if they weren't cat and dog. 


"Hmm, may mga oras kasi na bigla ko naaalala yung nangyari pero hindi ko pa alam kung ano yon nung una. I thought it was just because of the accident which made me see some visions." Paninimula ko. 


Tahimik silang nakikinig sa akin. Gab is eating a banana, Elaine is attentively listening and Azel is typing something on her phone but it was obvious that she's listening. 


"It happened so fast but I suddenly remembered everything. And. . . u-uh, I got to see Ry when I slept." 


Nanlaki ang kanilang mga mata na lumingon sa akin, "What?" Azel asked in disbelief. 


I nodded while looking down, "Yup, naisip ko rin na baka ay mamaya makita ko na naman sya uit. I'm just hoping, though. Sana nga ay ganoon. That's why I decided to visit here. I wanted to tell him about you, guys." 


Ilang segundo ang nakalipas ay tahimik pa rin sila. I know. Kahit naman siguro ako ay mapapatulala kapag nakarinig ng ganoong kwento. But i'm not making it up, it's the truth. Sana ay maniwala sila. 


"Paano?" Gab asked, playing with his chains. 


I shrugged, "I don't know how it happened also. Siguro ay nasa loob nga sya ng panaginip." I sighed. 



Everything is hard to believe, I know. Pero bilang isang tao na nakaranas na noon ay alam kong hindi magiging mahirap sa kanila na paniwalaan and sinasabi ko. They experienced it once and I know they will believe me. 

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon