Kabanata 21

34 8 0
                                    

Vestine. 


Waking up the next day didn't felt the same as before. Pakiramdam ko ay may kakaiba. I just don't know what it is. 


I roamed by eyes around the tent just to see no one with me. Ako nalang ba ang hindi gising? What time is it? Dahan dahan ay umupo ako sa higaan ko. Kinusot kusot ko muna ang mata bago tuluyang tumayo. Sumilip muna ako bago nagpasya na lumabas na. 


Where are they? 


Nagsimula akong maglakad hanggang sa makarinig ako ng mga tinig. Sinundan ko ito hanggang sa napunta ako sa isang tahimik na parte ng gubat. Right from where I was, I saw Elaine and Ry talking. . . seriously. They look like they're having a serious conversation. Nanatili akong nakatitig lamang sa kanila, not moving an inch. 


"Woy." 


Lumingon ako sa likuran at bumungad sa akin si Gab na kakagising lang. Messy hair, sleepy eyes and tardy posture. Napakamot pa sya ng batok nang sinundan ang aking paningin papunta sa kanila Ryle at Elaine. He smirked before looking back at me. 


Ngumisi sya ng nakakaloko bago tinuro ang mukha ko gamit ang hintuturo nya, "Selos ka 'no?" 


Kunot noo ko syang binaling at mahinang hinampas ang kanyang daliri na nakaturo sa mukha ko, "Pwede ba, tumigil ka." Mataray kong sabi. 


He chuckled before reaching his piercing, "Selos nga, taray e." Bulong nya na rinig ko naman. 



Umirap ako at ibinalik ang paningin sa kanila Ry at Elaine. Nakakunot ang noo ni Ryle habang si Elaine naman ay mukhang nag aalala. I stopped midway from thinking. Something's off. Asan si Azel? 


My lips parted before slowly turning my back from them. Nagmadali akong bumalik sa tent at rinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Gab. I ran towards our tent and went inside. Nandito pa rin naman ang mga gamit ni Azel pero nasa'n sya? At bakit iba ang pakiramdam ko? 


"Anong hinahanap mo?" Pangengealam ni Gab. 


"Azel." Maikling sagot ko. 


"Ano?" Naguguluhan nyang tanong. 


"Azel!" I shouted. 


He was taken aback by my tone. Mukhang ngayon nya lang napansin na wala si Azel. Iginala nya ang paningin sa loob ng tent bago lumabas at mukhang naghanap na rin. I inhaled, i need to chill. Baka kasi ay may pinuntahan lang si Azel. I didn't want to overreact. 


Lumabas ako ng tent at dumeritso kay Gab. Tahimik akong lumapit sa kanya at nagtatakang mata ang ipinukol nya sa akin. 


"Ano?"


"Puntahan natin sila."

Until ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon