10: Caught

488 15 1
                                    

Chapter 10: Caught

-Katherine-

1 week. 1 week of ignoring him. Ignoring the guy I Like. Yes, I Like Bryan. I'm starting To Fall in love but I want to prevent it. Ayoko. Ayokong ma-inlove sa kagaya niya. Like I said before, He's still the Campus' bad boy, basagulero, Rule breaker, Bully. And Im the Vice president of the student council. Me and Bryan is not a good match.

I tried to ignore him by being with Kurt. Kurt is the opposite of Bryan. ibang-iba sila, At kung iisipin, kami ang good match. He Confessed to me that He Likes me. Maybe that's the sign that I should forget Bryan and be with Kurt, although wala kaming relationship ni Kurt. but i'm starting to like Him.

Now I'm stuck. Stuck by Bryan, By Kurt, and by My Secret Admirer. Hindi parin tumitigil sa pagpapadala ng sulat ang secret admirer ko, laging may sulat, chocolates or flowers ang mga gamit ko and it was given by my secret admirer. I Still like him, My secret Admirer, pero minsan napapagod na akong mag-hintay na lumabas siya. I'm tired of waiting.

-Bryan-

1 Week. 1 week na akong hindi pinapansin ni Katherine. Bakit? Ewan ko, siguro dahil palagi na niyang kasama si Kurt, kaya hindi niya napapansin na nandito ako. Oo, she still likes her Secret Admirer. Palagi parin akong nag-papadala ng letters pero, wala eh. Si Secret Admirer yung gusto niya eh, Hindi si Bryan Rodriguez.

Naglakad-lakad ako papunta sa locker room nang makita ko Si Kurt At Katherine na magka-yakap, ang saya-saya nila. I'm Jealous. naiinis ako, Nagagalit ako, ewan ko pero ang sarap bugbugin ni Kurt, nakita ko sa likod ko na nandon pala si Sam, She stepped forward towards me, wearing her evil smirk.

"See, She's Happy without you. Stop wishing that She will be yours, I Know your secret, Bryan, I Know that you are the guy who sends letters to Katherine. kahit gustong-gusto kong sabihin kay Kath ang totoo, alam kong hindi yun tama. Ang gusto ko, ikaw ang gumawa non. O di kaya, Tigilan mo na ang pagpapadala ng letters sakanya. Lubayan mo na siya Bryan. Alam ko na kung sino ang makaka-tuluyan ni Katherine, at sigurado akong, hindi ikaw yun." She turned around and walked away. the world is now against me. Paano niya nalaman yun? Sa pagkaka-alam ko magaling akong mag-tago. Pero siguro nga, hindi sa lahat ng bagay ay kaya kong magtago, may mga tao paring mapapansin at mapapansin ka sa lahat ng ginagawa ko.

Ang Tanga-Tanga ko. Napa-buntong hininga ako at pumasok sa Boys Restroom.

"You're A Fool Bryan. Tama si Sam, Lubayan mo na siya bago ka pa masaktan. Masaya na siya kay Kurt. Stop doing this Secret Admirer thingy! Wala kang mapapala sa pagpapa-dala ng sulat sakanya. Tigil-tigilan mo na yang kahibangan mo." Sambit ko habang naka-harap sa salamin, isinandal ko ang bawat kamay ko sa salamin at tiningnan ng maigi ang mukha ko. Bigla akong napabuntong-hininga't naisipan nalang na mag-hilamos ng mukha.

"So, My instincts are right. Ikaw nga ang misteryoso niyang stalker. Kung sinu-swerte nga naman ako oh. Tama pa yung hinala ko." Nagulat ako sa boses na nanggaling sa isang cubicle, agad kong pinunasan ng panyo ang mukha ko't biglang bumulaga saakin ang repleksyon ni Kurt sa salamin na naka-tayo sa likod ko. Kitang-kita ko ang nakaka-loko niyang ngiti gaya nang nakita ko noong nasa student council office kami. Hindi ito yung Kurt na kilala ko, Hindi ito yung Kurt na inosenteng binu-bully ko, Hindi ito yung Kurt na takot saakin. Ibang-ibang Kurt ang kaharap ko. This is Not The Weak Kurt that I Know.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Baka Nagha-hunting ng mga alien. Tsk. Akala ko pa naman matalino ka." sarcastic niyang sabi. Hindi parin umaalis ang nakaka-loko niyang ngiti. Para bang nang-aasar pa siya saakin. Agad akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para makipag-basag ulo.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon