13: Dead End

485 18 0
                                    

Chapter 13: Dead End

-Bryan-

"Hoy! Ano ba?! Nakikinig ka ba?" Winasiwas ni Greg ang kanyang palad sa harap ng mukha ko upang makuha ang atensyon ko.

"Ano nga yung sinasabi mo?" Tanong ko, sinapo naman agad ni Greg at ng iba ko pang barkada ang kanilang ulo. bakit ba?

"Sabi ko, papunta na sina Katherine at Sam dito." Bigla kong nabuga yung iniinom ko kaya agad silang lumayo saakin, teka? Sam at Katherine? Pupunta dito?

"Ano?!"

"Chill Bro, tinutulungan lang tayo ni Sam kaya siya kasama." giit ni Joseph habang umuupo ng maayos.

"ANO?!" Nagulat sila nang mas lumakas yung boses ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Mark.

"Umamin saakin si Sam na may gusto siya saakin, tapos tutulungan niya tayo?"

"ANO?!" Sabay-sabay nilang sigaw. Bwiset, tinitingnan na kami ng ibang tao dahil sigaw kami ng sigaw.

"Oy mga hijo, Oras niyo na para tumugtog." napalingon naman agad kami sa taong nag-salita. Agad kaming nagsi-tayuan at nag-mano kay Manong Kiko, ang lalakeng nagma-may-ari ng Resto-bar nato at ang tatay-tatayan namin.

Agad kaming tumango at umakyat na sa stage para tumugtog. Si Mark sa Drums, ako at si Peter sa Bass Guitar, Si Greg sa keyboard at si Joseph ang Vocalist. Agad kaming nag-patugtog at nagsi-palakpakan naman ang mga taong nanunuod.

Ilang kanta na ang pinatugtog namin kaya huminto muna kami at nagpahinga. Agad kaming binigyan ni Manong kiko ng makakain, nag-pasalamat kami at umalis na siya, naiwan nalang kami sa aming mesa.

Ilang minuto din kaming nag-pahinga kaya tumugtog ulit kami pero dahil pinilit nila ako, ako yung ginawa nilang vocalist, Nag-palit kami ng pwesto ni Joseph.

"Teka?! Di ba si Yanee yun?" Napalingon naman agad ako sa tinuturo ni Peter. Teka? Si Yanee nga yun! Kapatid ko. Anong ginagawa niya dito?

"Yanee!!" Sigaw namin. Napa-lingon siya kasama ang iba niyang kaibigan. Pumasok sila sa iCon at nag-pakilala agad yung mga kasama ni Yanee saamin. Mukhang nag-pacute pa nga eh.

"Oh? Tutugtog kayo? matagal na kayong hindi tumutugtog ah." Tanong ni Yanee.

"Si Bryan lang naman yung hindi sumasama eh." Giit ni Peter na naka-pout. Agad namang sumang-ayon ang barkada sa sinabi niya.

"Teka? May bago kayong kasama?" Tanong ni Yanee habang naka-tingin kay Mark.

"Ah? Ay oo, matagal na nila ako kasam asimula noong humiwalay si Bryan sakanila." Sabi ni Mark habang naka-ngiti. Pa-Cute din 'tong isang 'to. Hoy, kapatid ko yan!

"Ay? Yanee, Manuod muna kayo, Since si Bryan na ang susunod na kakanta. Support ka para sa kuya mo." Sambit ni Greg at kinindatan pa ang kapatid ko kaya agad siyang naka-tanggap ng batok galing saamin ni Joseph. Loko yan ah.

"Kapatid natin yan bro!" Sambit ni Joseph. Talagang itinuring nilang tunay na kapatid si Yanee kahit hindi naman talaga sila magkaka-dugo.

Umakyat nalang kami sa stage at nag-simulang tumugtog. Nakaka-miss talagang kumanta sa harap ng napaka-raming tao. Kahit nakaka-hiya ay kumanta parin ako. May ibubuga naman ako eh.

'You got that smile,

That only heaven can make.

I pray to God everyday,

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon