EPILOUGE

790 19 2
                                    

-3rd Person-

Sa Pag-pasok ni Katherine sa kwartong kinanalagyan ni Bryan ay agad na umalingawngaw ang iyak ng barkada.

"H-He's Gone."

Narinig niyang sambit ni Sam sa pagitan ng mga iyak niya, Naka-takip ang palad nila sa kanilang mukha at humahagulgol. Katherine's tears started to fall when she saw a figure lying down on the bed, A Piece of cloth covering it's body.

"N-No."

Nag lakad siya patungo sa kama kung saan naka-higa ang katawan ni Bryan at agad itong niyakap, tuluyan na siyang napahagulgol. Napa-tigil sa pag-iyak ang barkada at tiningnan si Katherine na umiiyak.

"B-Bryan... No! NO YOU'RE NOT DEAD! Hindi ko pa nga nasasabing mahal kita tapos mamamatay ka na? Pagkatapos ng insidenteng yun hindi na kita nakita tapos ito ka ngayon? Pinag-loloko mo ba ako Bryan?! Tumayo ka jan at harapin mo ako. Bryan, Please. Wake Up and tell me you love me. Bryan...I Love you" humahagulgol na sambit ng dalaga habang yakap-yakap ang katawan ni Bryan.

"B-Bryan... I Love You" paulit-ulit na bulong ng dalaga, sa pag-aakalang patay na ang binata ay hindi niya nakitang dahan-dahang bumababa ang Telang naka-takip sa katawan nito. Tiningnan ng binata ang dalagang naka-yakap parin sa katawan niya. Nag-tataka man sa nangyayari ay napa-ngiti siya sa mga narinig mula sa dalaga.

"Who's Dead?" Nag-tatakang tanong ng binata, nang dahil sa narinig ay biglang napalingon si Katherine sa kung saan nanggaling ang boses na matagal na niyang gustong marinig at nakita niya si Bryan na naka-tingin sa kanya na halatang nag-tataka.

"B-Bryan?" Tanong ng dalaga. Ilang segundo pa ay bigla itong namula at biglang pinag-hahampas si Bryan.

"Walang hiya ka! Akala ko ba patay ka na? Bwiset ka! Pinag-alala mo ako! Ba't buhay ka pa?" Sigaw ng dalaga habang hinahampas ang binata. Lingid sa kaalaman ang bugbog saradong katawan ni Bryan.

"T-Teka! A-Aray. T-Tumigil ka muna" Agad na nahawakan ni Bryan ang kamay ng dalaga dahilan para mapatigil ito sa kakahampas. Iyak parin ito ng iyak na para bang bata.

"Kath. Wala akong alam sa sinasabi mo! Buhay na buhay pa ako! Sino bang nag-sabi sayong patay na ako? Gusto ko lang naman matulog pero dahil nga bawal patayin yung ilaw sa kwarto ay nagtalukbong ako ng kumot, di ko naman matanggal yung kumot dahil nga may injury pa yung kamay ko dahil sa pagkaka-baril. At wag mo naman akong gulpihin, bugbog sarado na nga ako eh. At para rin sa kaalaman mo, Sa kamay lang ako nabaril at hindi ako namatay." pag-papahayag niya. Dahan-dahan siyang ngumiti at agad naman siyang niyakap ng dalaga.

"Thank God you're alive. Di mo alam kung gaano mo ako pinag-alala. Ilang araw kitang hinanap pero sadyang baliw ka at di nagpakita. Sorry.. Di ko alam na bugbog sarado ka. di ko na-"

"I Love You too." Pangunguna ni Bryan at ngumiti ng napaka-tamis sa dalaga.

"Ayan na, Umalis na tayo. Pag napansi--" napatigil sa pag-salita si Peter nang mapansing napaka-sama na ng tingin ni Katherine sa kanila.

"Saan kayo pupunta? Akala niyo nakalimutan ko ang kasalanan niyo? NAG MUKHA AKONG TANGA SA KAKA-IYAK DITO!" Sigaw ni Katherine na pinapahiran pa ang mga luha gamit ang likod ng kanyang palad, bigla niyang sinugod ang anim dahilan para mag-sigawan ito't mag-takbuhan papalabas ng kwarto.

"SORRY NA!"

"THAT'S NOT OUR FAULT"

"ATLEAST NAGKA-BATI KAYO"

"OY SABI NI BRYAN I LOVE YOU DAW"

"TUMABI KAYO!"

"TULOOONG!"

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon