9: When Jealousy Came

537 16 1
                                    

Chapter 9: When Jealousy Came

-3rd Person-

"Ano? You want him to be your pretend boyfriend para lumabas yang pakshet na Stalker mo?" Sigaw ni Sam pagkatapos na ipaliwanag ni Katherine sakanya ang mga nangyari. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng matalik na kaibigan.

"Oo. Desperada na ako." Pabulong na sambit ni Katherine habang naka-yuko.

"Kath naman. You can use anyone. Maraming nagkakandarapa sayo pero ba't siya pa? Ba't yang Bad boy pa na halatang makaka-sira lang sa image mo." Sambit ni Sam at inakbayan ang kaibigan. Naglakad sila paalis ng classroom at nag-tungo sa Cafeteria para bumili ng makakain.

"Kalimutan nalang natin yun" Sambit ni Katherine, agad siyang sinang-ayunan ng kaibigan. Sa pagdating nila sa Cafeteria ay agad na naagaw ng isang lalake ang kanyang atensyon.

"F*ck! Watch where you're Going."

"S-Sorry B-Bryan"

"Ayus-ayusin mo sarili mo. Sa Susunod na ma-ulit 'to 'di na ako maaawa sayo." Malakas na binangga ni Bryan ang balikat ng lalake dahilan para matumba ito sa sahig. Naglakad siya patungo sa pintuan ng Cefeteria upang umalis ngunit bago pa siya makalabas ay may humila sakanyang Jacket.

"Ano ba! Kitang basang-basa na ako oh" Sigaw ni Bryan at ipinakita ang Puting jacket niya na nabuhusan ng chocolate drink dahil sa pagkaka-bangga ng lalake sakanya. Agad na nagbago ang kanyang ekspresyon ng makitang si Katherine ang humila sakanya.

"Ba't 'di ka pumasok! You skipped two major subjects, you idiot." Binatukan ng dalaga si Bryan dahilan para mapakamot ito sakanyang batok.

"Hindi ka pa ba nasasanay saakin? Halow araw-araw kaya akong mag-cutting" Inis na sambit ni Bryan, napadako ang kanyang tingin sa mapupulang labi ng dalaga, agad siyang napalunok ng maalala niyang dalawang beses na itong dumampi sa kanyang mukha. Agad siyang umiling-iling upang alisin ang napaka-berdeng Bagay na nasa utak niya.

May sinabi pa si Katherine ngunit hindi niya ito naintindihan dahil kada-segundo bumabalik-balik ang kanyang tingin sa labi ng dalaga, hindi siya maka-focus. Distractions. Ilang segundo pa ay binitawan na ng dalaga ang kanyang javket at umalis. Huminga siya ng malalim at napa-kamot sakanyang batok.

"Ano ba yung sinabi niya?" Bulong niya at naglakad patungo sa locker room upang mag-bihis.

Tumunog ang school bell hudyat na magsisimula ulit ang klase, nagtungo si Bryan sa Kanilang Classroom at Umupo sakanyang pwesto. Wala pa ang kanilang guro kaya malayang mag-ingay ang kanyang mga kaklase. Kukunin niya sana ang kanyang cellphone at earphone upang makinig sa musika nang may biglang humawak sakanyang braso.

"Hey Bryan" Narinig niya ang tunog ng pag-hila ng isang upuan patungo sakanya. Lumingon siya sakanyang tabi at nakita si Veronica, nakita niya sa 'di kalayuan ang kanyang dalawa pang alipores na sina Nicole at Irene.

"Hmm?" Bored niyang tanong.

"I'll sit here muna ha." Sambit ng babae, pansin ni Bryan dahan-dahan niyang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang makikisig na braso. Patago siyang napa-irap dahil sa inis.

"Linta here, Linta There, Linta everywhere." Pabulong na-kanta ni Katherine dahilan para mapatawa ang binata..

"Mr. Rodriguez? Why are you Laughing?" The teacher asked him. Napatigil siya sa pag-tawa nang mapansin niyang lahat ng Classmate niya ay naka-tingin sakanya.

"May batas bang bawal nang tumawa Sir?" Tanong ni Bryan sa guro. Tiningnan niya ng masama ang kanyang mga kaklase dahilan para mapa-iwas ito ng tingin dahil sa takot.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon