14: The Beginning Of The End

377 16 3
                                    

Chapter 14: The Beginning Of The End

-Katherine-

Days after days, Bryan didn't showed up in School. we can't Contact him, Kung tatawagan naman namin siya madi-diretso naman kami sa Voicemail. Nawawalan na ako ng pag-asa, Di ko na alam kung saan namin siya mahahanap, Sabi ni Yanee nag-bakasyon daw Si Bryan pero di daw sinabi kung saan pumunta. Pati nga kapatid niya nag-aalala narin.

"Katherine, mahahanap din natin siya, Tiwala lang." Mark patted my Back To comfort me, nandito din ang barkada Niya, pati si Sam at Kurt nandito rin, Tumutulong din sila sa paghahanap. Naging magka-kaibigan na ulit kami, 'di ko kayang magalit sa sarili kong bestfried, at Wala naman talagang kasalanan dito si Kurt, nadamay lang siya.

"I Know." sabi ko.

"Guys, Kung nagugutom kayo may Snacks dun sa labas. Katherine, aalis na ako. Nandyan na si Terrence sa Labas." My Sister, Jessica said. Nag beso-beso muna kami saka siya lumabas ng kwarto ko.

"Ingat Ate!" Sigaw naming lahat, kumaway naman siya at tuluyan nang lumabas.

Naalala ko dati inaaway ko pa siya dahil hindi niya magawang Lumapit sa super Crush niyang si Terrence, pero heto siya ngayon.. Sila na Ni Kuya Terrence. Haaay! Akalain niyo yun? Mabuti pa siya.

Lumabas si Peter para kunin yung snacks. Kahit kailan talaga Patay gutom parin siya.

"Saan ba natin mahahanap ang baliw na yun?" Biglang nag-salita si Greg

"Tsk. Bakit ba kasi 'di natin ma-contact ang phone ng lalakeng yun?" Giit naman ni Joseph.

"Subukan kaya natin siyang tawagan ulit?" Pagsa-Suggest ko.

"Wag na, Wala nang pag-asang ma-contact natin yun, malamang tinapon niya na sa kung saan ang Cellphone niya" Sagot ni Greg sa sinabi ko at tumango-tango naman silang lahat.

"Wala namang mawawala kung susubukan eh." Sabi ko at inilabas ko ang Cellphone ko at sinubukang tawagan siya ulit.

Nagulat kami nung biglang nag-ring ang kabilang linya kaya tumahimik na sila at tiningnan kung ano ang susunod na mangyayari. Pumasok si Peter sa kwarto na may dalang snacks, sisigaw sana siya nang may marinig kaming boses sa kabilang linya.

"Hello?" I began to cry when I Heard his voice, How I Miss his Voice. For 2 weeks hindi ko narinig ang boses niya at ngayon ko lang na-realize kung gaano ko na-miss ang Boses niya, at ang presensya niya.

"Hello?" Tanong niyang muli, 'di ako maka-sagot, Ayokong marinig niyang umiiyak ako kaya pinatay ko na. I Broke down when the line went off.

"Bakit mo ginawa yun? Ba't mo pinatay?" Sigaw ni Sam, nakita kong pinigilan siya nila Kurt at Joseph nang papunta siya saakin. Mahirap na dahil baka saktan pa niya ako. Alam kong mahal parin ni Sam si Bryan at hindi ko siya masisisi kung galit pa siya saakin.

"Stop it! Di niya kaya, Kita mong nag-break down siya diba? Masakit parin sakanya Sam!" Greg defended me, Niyakap naman ako ni Mark para patahanin.

"Kahit na! Ito ang unang beses na sinagot niya ang phone simula nung nawala siya! Paano ka makaka-sigurong sasagutin niya ulit ang mga tawag natin?" Sam yelled again. Umiiyak lang ako habang naka-yakap kay Mark. Masakit talaga eh.

"Atleast alam nating maayos ang lagay niya!" Greg yelled back. Pinigilan naman agad siya ni Peter, dahil baka tuluyan na silang mag-rambulan sa kwarto ko, wala naman 'tong awa si Greg kahit babae yan pinapatulan niya parin.

"I don't get you guys. Ba't niyo siya kinakampihan kung in the first place siya din ang dahilan kung bakit nawawala ang kaibigan niyo? Dapat nga magalit kayo sakanya." I was shocked when Sam said those words. Masakit marinig ang mga katagang yun galing sa pinaka-matalik kong kaibigan.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon