1: White Flower and The guy in Black

1.3K 27 0
                                    

Chapter 1: The Beginning

-Katherine-

"Katherine Jane Clarkson! WAKE UP!!"

Bigla akong napatayo sa gulat at dahil may pagka-Clumsy ako ay nahulog pa ako sa Kama. What a Great way to start your day.

"If you're not going to open this door in 3 seconds, I swear, I'm going to destroy this." Rinig kong pagbabanta ng nakakatanda kong kapatid, agad akong napabalikwas at tumakbo patungo sa pintuan para buksan ito.

Sa pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong agad ako ng malamig na aura ng kapatid ko. Nakasandal siya sa doorframe habang may nakakatakot na tingin.

"Good. It's your first day in school today. Fix yourself if you don't want to be late." She said as she walked away. Huminga ako ng malalim, I Rolled my eyes on her even if she can't see me. Pumasok ako sa kwarto ko at Humiga ulit sa kama. Ipipikit ko na sana yung mga mata ko ng Marinig ko nanaman si Ate.

"Katherine Jane! I said Wake Up!" agad akong napa-bangon at dumiretso sa CR ng kwarto ko.

-*-*-

"Mom! Asan yung cellphone ko?" Sigaw ko, kanina ko pa hinahanap yung cellphone ko. Halos pagbalik-baliktarin ko na ang buong kwarto ko pero yung lecheng Cellphone ko nawawala parin. Sinong mapangahas ang Magnanakaw nun? Mala-late na ako. Kailangan ko nang pumasok.

"Hanapin mo lang jan, Anak." sigaw niya pabalik. Padabog kong hinalughog ulit ang kwarto ko. Hindi pa naman nagigising ng buo ang diwa ko, baka mamaya humiga ulit ako dito sa kama at hindi na maka-pasok.

"Hoy! Eto oh. Bulag ka rin eh." Napalingon ako kay Ate na kaka-pasok lang ng kwarto ko. Hawak-hawak niya ang cellphone habang iwinawagayway ito. Gaya ko ay naka-bihis na siya ng kanyang uniporme. Hindi kami parehas ng eskwelahan ni Ate dahil College na siya at Highschool pa lang ako.

"Give it to me." Sambit ko. nakita ko sa paanan niya si Ginger, ang itim at maliit naming aso. Agad akong napa-luhod sa sahig at tinawag ang aso namin, tumakbo naman siya papalapit saakin at bigla-bigla nalang tumalon papunta sa bisig ko. bigla niyang dinilaan ang mukha ko, napangiwi nalang ako. Baka magka-pimples ako sa ginawa niya. May bacteria parin ang laway niya no.

"You're gross" mahina pero dinig na dinig kong sabi ni Ate, bago siya umalis sa kwarto ko at inilapag ang cellphone ko sa sahig. Agad akong napa-irap. Kahit kailan ang arte-arte parin ni Ate Jessie. Palibhasa laging kinukulong ang sarili niya sa sariling kwarto noong mga bata pa kami kaya di niya naranasan ang pag-laro sa kalsada na punong-puno ng pawis ang mukha't katawan.

"Arte." bulong ko at nilaro-laro nalang ulit si Ginger. Nakita kong may inilapag si Ginger kanina sa tabi ko, kaya agad ko itong kinuha.

"Saan mo 'to kinuha Ginger?" Tanong ko sa aso ko nang makita kung ano ang dala niya. Isang maliit na puting bulaklak. Napatingin ako kay Ginger at bigla-bigla na lang itong tumalon sa kama ko habang dumudungaw sa bintana na katabi lang nito. Bigla siyang tumahol-tahol habang naka-tingin sa labas kaya agad ko siyang nilapitan at dumungaw na rin.

"Kaninong motor yan?" Pabulong kong tanong habang naka-tingin sa motor na nasa labas, may taong naka-helmet ang naka-sandal sa motor. Bigla itong tumingin saakin at para itong nagulat, dali-dali itong sumakay sa motor at pinaharurot ito bigla.

"Weird." bulong ko at binalewala nalang ang taong yun. Ibinigay ko nalang kay Ginger ang bulaklak at tumakbo papunta sa labas para dumiretso na sa eskwelahan.

-*-*-

"Hey SleepyHead!" I felt someone tapped my head to wake me up. Tiningnan ko ng Masama yung taong nanggambala sa tulog ko. Nakita ko si Sammantha Fajardo, Bestfriend ko na naka-ngiti saakin. Hyper as ever.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon