8: Another Kiss

522 17 0
                                    

Chapter 8: Another Kiss

-3rd Person-

"Yah! Let's Play Video Games" Sigaw ni Bryan habang inaayos ang kanyang wii, kanina pa niya kinukulit si Katherine na umuwi ngunit sadyang makulit ang dalaga at mas piniling magikot-ikot muna sa malaking tambayan ni Bryan.

'Di nag-salita si Katherine, sahalip ay Nag-libot-libot pa siya sa Clubhouse, Habang si Bryan naman ay naiwan sa Living Room na Nag-lalaro ng Video Games. Nasa kani-kanila silang mundo.

Dumaan ang ilang minuto at tuluyan nang napagod si Katherine sa sofa na nasa likod lamang ni Bryan na nag-lalaro sa kanyang video games habang naka-upo sa sahig. Kanina pa naiinip si Katherine dahil hindi siya pinapansin ni Bryan.

"You're too boring." Katherine Complained. Kanina pa talaga siya nabobored habang tinitingnan si Bryan na mag-laro ng Video Games. ano nga ba ang mapapala niya sa video games? Eh hindi naman siya naglalaro niyan.

"I'm Not That Boring. It's fun Playing Video Games." Sagot naman ni Bryan habang nakatutok parin sa screen kung saan ipinapakita ang laro. Napairap si Katherine dahil ayaw na ayaw niyang isnabin, tumayo siya't lumapit sa naka-talikod na Bryan.

"Tabi nga." Itinulak niya si Bryan dahilan para mapadapa ito sa sahig. Walang kalaban-laban si Bryan dahil gulat na gulat parin siya sa nangyayari. Patayo na sana siya ngunit naramdaman nyang may kung anong bigat ang nasa likod niya. Inis siyang napasigaw nang mapagtanto niyang inuupuan pala siya sa likod ng dalaga.

"Let me play this game." Naka-ngising sambit ng dalaga na para bang eksperto ito sa paglalaro. Hawak-hawak ang Game controller nagsimula siyang magpipindot para pagalawin ang kanyang character.

"HEY!! Stop It!! You're killing my Character. NOOO!!" Maarteng sigaw ng nakadapang binata. Takot na takot siyang napatingin sa Screen, pinapatay na ang kanyang character dahil sa pinaggagawa ng dalaga. Given that she dont know how to play the game, His character ended up dead.

'K.O!!'

"Aww, You Died." Pang-iinis ni Katherine habang tinitingnan ang replay ng kanyang pag-lalaro.

"You Killed Me!!" Sigaw na naman ni Bryan na inuupuan parin ng dalaga. Napatingin ang dalaga sakanya, agad niya itong sinamaan ng tingin.

"That was just a game. Wag mong dibdibin." Sambit ni Katherine at tinapik ang ulo ng binata, tumayo siya at nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom. Napa-upo si Bryan habang pinapanuod ang replay ng laro ni Katherine. Inis siyang napasigaw dahil hindi niya natalo ang High score.

Ilang oras pang nag-daan ay napagkasunduan nilang ihatid si Katherine sa kanilang bahay.

Sa pagpasok niya sa kanilang bahay ay agad na napansin ng kanyang magulang ang ngiti sa kanyang labi. Masayang-masaya ang dalaga dahil sa mga nangyari. Hindi niya aakalaing sa isang araw na magsasama sila ni Bryan ay hindi sila nagpatayan, tuluyan nang nagbago ang kanyang tingin sa binata at hindi niya napapansin na dahan-dahan nang nahuhulog ang loob niya, hindi nga ba niya napapansin o sadyang hindi niya pinapansin.

"Katherine, halika nga dito" Ngiting-ngiti na lumingon si Katherine sa kanyang nakakatandang-kapatid. Prenteng-prente itong naka-upo sa sofa nila habang diretso lang na naka-tingin sa telebisyong nasa harap niya.

Nagtataka man, sumunod parin si Katherine sa utos ng Ate.

"What?" Takang tanong niya habang umuupo sa tabi ng kapatid , Ipinatay ni Jessica ang Telebisyon at hinarap ang kapatid. Sarkastiko itong ngumiti.

"Do You remember what I Told You this Morning?" Walang emosyon nyang sabi habang may inilalagay na isang pirasong papel sa lamesa na nasa harap lang nila. Agad itong kinuha ni Katherine at agad syang nag-taka dahil sa mga naka-sulat na numero dito.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon