2: Secret Admirer?

776 22 2
                                    

Chapter 2: Secret Admirer?

-Katherine-

Tahimik kaming naka-tayo sa likod ng Classroom nang may biglang Bumangga saakin dahilan para mahulog ang mga dala kong libro.

Agad kong tiningnan ng Masama ang taong bumangga saakin, sa pag-aakalang ang Tropang coloring books na naman 'to. ngunit mas nainis ako nang makita ko ang pag-mumukha ni Bryan na naka-ngisi saakin na para bang nang-iinis. Sarap upakan ng Gagong 'to.

"This will be your seat Mr. Bryan Rodriguez. and your seat mate will be..." Nakita kong tinuro ni Mrs. Hermosa ang upuan na uupuan ni Bryan kaya agad siyang pumunta roon. Taimtim akong nagdarasal na sana hindi ako ang malas na magiging seat-mate niya.

"Ms. Katherine Clarkson" Parang binagsakan ako ng langit dahil sa narinig ko. Nakita kong ngumiti saakin si Ma'am pero agad akong nag-tago sa likuran ni Sam. Agad akong tumingin sa paligid na para bang nag-hahanap.

"Ms. Katherine, umupo ka na" rinig kong sambit ni Ma'am pero patuloy parin akong nag bibingi-bingihan. Gusto kong magpalit ng pangalan. Krystal, Kate, Kathryn, basta wag lang Katherine. Ayoko nang maging si Katherine Clarkson.

"Katherine Clarkson? Asan na ba yang si Katherine? Ang tagal naman niya" Pagmamaang-maangan ko at patuloy parin sa paghahanap-kuno kay Katherine. Naramdaman kong tinitingnan na ako ng mga kaklase ko. Sino bang hindi makaka-kilala sa Student Council Vice President?

"Tanga ka ba o tanga ka talaga? Umayos ka nga, Ikaw si Katherine Clarkson!!" Binatukan ako ni Sam pero determinado na talaga ako. Ayokong Makatabi yang gagong yan. Kung alam lang nila ang ginawa niya saakin dati!

"Hindi ako si Katherine! Ako si Jane Clarkson!" Pagmamaang-maangan ko ulit. Bahala na si Batman. First Day of School pinapahiya ko na agad sarili ko!

"Ms. Katherine Jane Clarkson! Sit here beside Mr. Bryan Rodriguez." Mukhang naiinis na si Ma'am kaya wala na akong ibang magawa kundi sumunod, baka mapagdiskitahan niya ang grades ko pag naging matigas ang ulo ko. Bwiset na buhay naman 'to.

"Jane Clarkson pala ha." Pang-iinis ng impaktong katabi ko, Ang sarap lang talaga niyang Kalbuhin pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Kaya mo 'to Kath!! Kakayanin mo 'to.

"Pangit mo talaga" rinig kong sambit niya ulit.

Okay! Hindi ko kaya 'to. 'di ko na napigilan ang sarili ko kaya agad ko siyang binatukan ng pagkalakas-lakas.

"Aray!! MA'AM! YUNG SEAT MATE KO SADISTA!" Sigaw niya na nagsusumbong kay Ma'am na busy pa sa pag-aayos ng seating arrangement.

"Ms. Clarkson, First day na First day nakikipag-away ka na naman" Sambit ni Ma'am at agad na tumalikod. Hindi na bago sa teachers na may inaaway ako. Halos araw-araw na kasi akong nang-aaway.

"Guys, Tell your new Seat Mate Your Name and Birthday also Your Nickname, Just to make you and your seatmate close, I Wanted all of you to have new Friends in This New School Year. Now Go, Introduce Yourselves to each other." Si Ma'am lang yata yung mag-isang naka-ngiti sa klase kasi lahat kami nakasimangot. Nakaka-inis lang eh. Pero kahit ganon, sumunod parin sila at nagpakilala sa kanilang bagong kaklase, Kami lang yata ni Impakto ang hindi nag-uusap.

"And What Are You Waiting for? Introduce yourself" Pangungumbinsi ni Ma'am, napa-irap nalang ako, narinig kong napa-singhal si Bryan. Arogante. Wala na kaming choice, Si Ma'am na ang nasa harap namin eh. Mas mabuti pang makipag-plastikan.

We sighed as we turned to each other.

"You first." Sambit ko gamit ang napaka-lamig kong boses.

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon